I finally did it!


November 02, 2011
Mr. XXXXXXX XXXXXXX
Department Manager
XXX XXXXXX Support Department

Dear Sir,

Kindly accept my letter of resignation from XXXXX as Retention Specialist under XXX XXXXXX Support Department. My last day of employment will be on November 18, 2011. I’ll be leaving for abroad to pursue my nursing profession.

Quite frankly, I have had second thoughts of resigning and vacating my position. Working under XXX XXXXXX Support Department in XXXXXXX has been my comfort zone for the longest time. The compensation and benefits are more than enough for an employee to stay. In addition, I have worked alongside some excellent colleagues, and have had so many opportunities to grow. It was a difficult decision to make; however, with respect to my long term career goals in the future, I deemed it is necessary to resign.

I would like to extend my gratitude for the exceptional years I have had in this department. It has been an honour and a privilege to be a part of this successful team dedicated in providing quality customer service. By this, allow me to thank you for all the invaluable lessons you have taught me.

I certainly hope that this two week notice would be sufficient for you to find a replacement for the position that I will be leaving. If I can be of any assistance during this transition, please let me know.

Sincerely,

AuBu
Retention Specialist
XXX XXXXXX Support Department

****

Pagkatapos ng tatlong taon. Limang buwan at dalawampu’t dalawang araw, nagkaroon din ako ng lakas ng loob at pagkakataong ipasa ang matagal nang nakatenggang resignation letter ko sa aking gmail draft.

Ang tagal kong hinintay at pinaghandaan ang pagkakataong maisubmit ko ang resignation letter na ito sa aking boss at makapagalam ng tuluyan sa kauna-unahan kong trabaho.

Teka, ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko na magreresign na ako? Naku, madaming madami na ata. Sa sobrang daming beses, para na itong auto-spiel na lumalabas sa bibig ko sa tuwing tinotopak ako. Sobra ko talagang hinintay ang pagkakataon na ito.

Ang kaso, hindi ko ata napaghandaan ang kalungkutang kasabay ng pamamaalam ko sa aking kauna-unahang trabaho, sa kaunaunahang kompanya at kauna-unahang departamentong kinabilangan ko, sa above minimum na sweldo, sa allowance na 2 beses sa isang buwan ko tinatanggap, sa station kong dalawa ang monitor, sa swivel chair, sa teleponong umuubos ng enerhiya ko sa tuwing may sasagupain akong irate customer, sa libreng kape at milo, sa flexi schedule, at sa mga katrabaho kong itinuring akong kapatid at kaibigan.

Tatlong taon. Limang buwan at dalawampu’t dalawang araw. Ano nga ba ng mga natutunan at nalaman ko sa lumipas na panahon?

Nalaman kong may mga trabaho palang one day application lang, mag-fifill-up ka ng form sa umaga, mag-eexam sa tanghali, iinterbyuhin sa hapon at pipirma ka na ng kontrata sa gabi and voila! May instant trabaho ka na.

Nalaman kong mayroong trabaho na isang buwan ang training bago ka isabak sa totoo mong trabaho. Tapos may bonus pa kasi may training allowance ka. Habang natututo ka, kumikita ka na. Duguan ka nga lang sa halos araw-araw atang exam.

Nalaman kong mayroon pala talagang trabahong para ka lang naglalaro. Oo. Sa una, medyo nawindang ako pero nung lumaon, parang laro na lang. Trabahong petiks mode. Ito ang iiwan kong trabaho ngayon.

Nalaman ko na minsan kong pinangarap ang trabahong iiwan ko. Nabasa ko sa journal ko nung college. Ang eksaktong nakasulat ay ”Sana makapagtrabaho ako sa call center kasi malaki daw sweldo dun eh”. Ang weird dahil nakalimutan ko. Hindi talaga maaasahan ang memorya ng tao.

Nalaman kong parang movie clip lang minsan ang pangyayari sa buhay ng tao. Mabilis na dumadaan at natatapos. Yung mga gala, mga selebrasyon, laugh trip sa opis, biglaang pagbabago sa job description. Lahat yun parang isang kisap-mata nagdaaan lang. Movie clip na minsan akala mo alam mo na ang mangyayari pero open ended pa rin sa katapusan.

Nalaman ko na mahirap talaga magpaalam basta first. First job. First company. First boss. First colleagues. First salary. First allowance. Ibang klaseng ambivalence ang naramdaman ko habang iniedit ko ung resignation letter ko na to,

Sabi nga nila, dumadating sa buhay ng tao kung saan kailangan niyang mamili kung san siya tutungo. At minsan kahit mahirap, pipili at pipili ka at tatawid sa tulay. Sa point of no return kung saan hindi ka rin naman sigurado sa kung anung mararating mo sa dako pa roon.

Pero sabi nga sa patintero rule # 1, It’s better to cross the line and suffer the consequence than to just stare at the line for the rest of your life… at ito ang ginagawa ko sa kasalukuyan. Tumutulay. I hope to God I won’t fall flat on my face at kung mahulog man ako mula sa mataas na lugar sana may kutson akong babagkasan para hindi masyadong masakit. Or pwede ding kung mahuhulog ako, sa body of water na lang pero penge ng life jacket, hehe (ako na ang demanding)

Sinabi sa The Fast and the Furious na Life is simple. You make choices and you don’t look back. Pumili na ako. Pero alam kong I’ll always look back. Sabi kasi ni pareng Pepe, ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. Aba, mahirap nang maligaw no, bobo pa naman ako sa direksyon.

Andami kong sinabi. Andami kong quotation at iba pang pampalakas-loob na kinowt. Sa totoo lang, kailangan ko talaga nga mga ganun ngayon eh. Pero isa lang naman ang gusto kong ipahiwatig sa lahat-lahat ng pinagsasasabi ko. Yun ay ang katotohanang I have officially resigned from my very first job ever. Totoo na to. Hay. Nalulungkot ako, kinakabahan at excited din at the same time. Pero bahala na si batman!

Aubu’s off to a new adventure! Wish me luck mga repapips! ^^

Advertisements

a letter to RM..


Dear Rhea Marie,

Kumusta? Medyo matagal na tayong hindi nagkikita. Namimiss na kita. hehe,

Kanina napagtripan kong maghalungkat ng mga gamit ko nung tayo ay nasa kolehiyo pa lang. And guess what I found? Charan! Yung journal na binigay mo sakin nung 17th birthday ko (teka, 17th nga ba or 16th?).

Alam mo bang Hamtaro/Sakuragi ang tawag ko sa journal na ito? Depende sa trip ang tawag ko sa kanya. (Minsan Dear Hamtaro ang simula pero minsan Dear Sakuragi, parang adik lang eh noh). Kanina, habang isa-isa kong binabasa ung mga journal entries ko, memories of our college days flashed back. Parang kelan lang. Nung araw na binigay mo ito sakin, nasurpresa talaga ako. Hindi pa naman kasi tayo masyadong close nun tapos may gift ka sakin. Natuwa talaga akong tunay nun. Pramis. Croos my heart mamatay man lahat ng kuko ko sa paa.

Natatandaan kong nagpasalamat ako ng binigay mo sakin ito pero hindi pa ata ulit ako nakapagpasalamat sayo dahil malaki ang ginampanan ng journal na ito sa buhay-kolehiyo ko.

This journal saved my life several times. Hindi ko na sasabihin sayo kung ilang beses nabanggit sa mga journal entries ko ang oplan suicide dahil sa masalimuot kong buhay kasama si hitler. Pero dahil sa journal na ito na nagsilbing outlet ko ng angst and frustrations sa buhay, I never did attempt to commit suicide. Thanks for the journal you gave me. Although you’ve done it an indirect manner, I would like to thank you for saving me. I will forever be grateful for I’ve come across a very special lady like you. You’re an embodiment of the cliche “beauty and brains”; a rare but deadly combination. Gusto kong malaman mo na ang maging kaibigan mo ay isa sa mga pinakamagandang pangyayari sa buhay ko. (arte lang, haha, pero itaga mo sa bato, totoo lahat ng sinabi ko)

Minsang nabanggit mo na ang misteryoso ko at masyado akong malihim. Ahm, unfortunately, ganun pa din ako, medyo nalie-low nga lang ng onti, hehe. If you ever get the chance to read my journal entries on the journal that you gave me, I’m sure you’ll understand better. Pero siyempre, that would be next to impossible because I won’t let you. At saka pabaliktad lahat ng sulat ko sa journal na yun kaya maduduling ka lang at pagsisisihan mong sinubukan mong basahin ang mga entries ko. haha. Anyhow, naniniwala ako na naiintindihan mo ako in you’re own peculiar way. In case you need me, I’m just a text away, okay? (parang nagrhyme masyado, haha)

Je vous vois quand je te vois, Rhea Marie.

Merci becoup!

AuBu 🙂

the last man standing..


isa na naman sa aking malapit na kaibigan ang magpapaalam at magreresign sa trabaho
ahuhuhu
ako na lang ang natitira..
******
To Mr. Guy Fox

Please accept this letter of my resignation from PICC, as Shift Supervisor under Finance Department. My last day of employment will be on February 28, 2011. I am not applying nor accepting any job offers from other companies. As of the moment, I am enrolled in a class in Clark, Pampanga to sort out what I would really like to pursue in the future. Quite frankly, I don’t want to resign but I deemed it necessary. I was supposed to study and attend to work, I intend to request my time to be adjusted but this would be too much to ask. Hence, I decided to resign. It was a difficult decision to make but in the end I had to be honest to myself and also put the company’s interest in mind. 

Thank you so much for excellent years I had in this department. I have worked alongside some excellent colleagues, and have had so many opportunities to grow and develop in my career field. For these, I am forever grateful to you and the company. I have always considered it an honor and privilege to be a part of this team.

I will never forget my time in PICC. This is my first job, you are my first Boss Guy and I gained new friends which I considered as a family in the company. By this, allow me to thank you for all the invaluable lessons you have taught me. I will be missing you and the whole team as well.

Best regards,

HMV

******

sa bagong direksyong tatahakin mo, bon voyage! ajah!

nahuling post ng pagbati sa nagdaang araw ng mga tatay


Hi Hitler,

happy father’s day
tinext kita nung mismong araw ng father’s day
sabi ni mama sinabi naman nya sayo
tapos sabi mo thank you
hindi na ako nagreply pero you’re welcome

naalala ko bigla ung shirt na pasalubong ko sayo na ipinadala ko kay auntie Zeny
the shirts says “best dad in the world”
nung binili ko yun at nakita nila,
unang reaksyon ni auntie ay sabihin na plastic ako
si ate ching mas makulit ung comment,
“wow ha, lam mo bonch pag tinapon ka sa dagat, ligtas ka pa din kasi lulutang ka talaga.”
sabi ko, dahil ba plastic ako?
sabi ni ate ching, “mas malala ka pa sa plastic, styro ka, styro!hahaha”
at pagkatapos nun para kaming adik na nagtawanan.

alam nila na kahit minsan, mula nang magkaisip ako
hindi kita tinuring na best dad in the world
pag sobrang senti ako tapos naalala ko ung mga panahong hellsent-devil ang tawag ko sayo, kahit siguro good father hindi ka papasa sakin
pero alam mo ba, natuwa ako nung malaman ko mula kay mama (nung dinalaw nya ako)
na every other day daw, suot mo ung shirt na bigay ko
ibig sabihin naappreciate mo un and to that, thank you

you were never into shirts, makiPolo ka kahit minsan asa tindahan ka lang naman
ayaw mo ng nakatsinelas pag pupunta ng tindahan,
either you’re wearing advan slip ons or you’re wearing leather shoes
tinatawag ka nga ni mama na Don Juan na feel na feel mo naman

out of nowhere, andami ko biglang naalalang memories and facts tungkol sayo na akala ko kinalimutan ko na at nakalimutan ko na.

madami kang ayaw

ayaw mo nang nanunuod ako ng anime dahil pampapurol ng utak un ayon sayo (pero ginagawa ko pa din)
ayaw mo nang nanunuod ako ng koreanovela, tsinovela, at kung anu anu pang telenovela sa tv dahil pangkatulong lang un sabi mo (pero ginagawa ko pa din pero syempre pagtrip ko ung story)
ayaw mo ng nag-aadik ako sa mga computer games dahil masama sa mata (pero ginagawa ko pa din kaya heto malabo na ang mata ko)

madami ka ding gusto
gusto mo maganda lagi ang standings namin sa klase
grade 1 pa lang ako, tinuturuan mo na ako ng multiplication
naalala ko pa, sinulat mo ung multiplication table sa sahig gamit ung chalk
tapos pinakabisado mo sakin un maghapon
tapos tatanungin mo ako ng palaktaw-laktaw to make sure na hindi lang answer ung kinakabisado ko
gusto mo maging magaling kami sa chess dahil hustler ka dun
lahat kami marunong magchess pero si kuya bokyo ang pinakamagaling kasi siya pa lang ung nakatalo sayo ever
paborito mong tambayan ang mga club, babaero ka kasi
naalala ko nung sinama mo ako sa isang club nung gradeschool ako, pinakanta mo ako ng Sana’y wala nang wakas ni Sharon Cuneta para lang mapagyabang na maganda ang boses ng anak mo sa isang babae mo(sinuhulan mo pa nga ako ng bente eh at softdrinks at pagkain para itikom ang bibig ko)

naalala ko nung may pinakabisado ka saking tula sa dyaryo na Tempo, buong maghapon mo din ung pinakabisado sakin un kasi sabi mo isasali mo ako sa isang declamation chuva
umiyak ako nun kasi nakakaasar ka, grade 2 or 3 lang ata ako nung at wala naman akong interes sa mga competition tapos out of nowhere nabasa mo ung tula sa dyaryo tapos pinakabisado mo na

biglang ang dami kong naalala noh,

ayaw ko man, naaalala ko din ung pananakit mo samin; physically, emotionally at mentally (it hurts you know)

pero ang nakakatawa, hindi na ako masyadong nagagalit sayo, mas naaawa na lang ako, kasi alam kong hindi ka naman masaya sa kinahinatnan natin eh. Malayo ang loob namin sayo at pag andyan ka, para na tayong estranghero sa bawat isa.

naiintindihan ko kung bakit ganun ka na lang kung makakapit sa mama namin, siya lang kasi ang dahilan kung bakit natiis namin lahat na pasakit na bigay mo. Kung hindi sa kanya, siguro pariwara ang buhay naming lahat dahil sayo. Tsaka si mama ang nagsisilbing sinulid na nagdudugtong sating lahat.

pasensya ka na kung ganito ang laman ng liham ko, alam kong maliit ang chance na mabasa mo ito
at kung meron man, panigurado, we’ll end up arguing with each other dahil ipipilit mong mabuti at magaling kang ama (masyado ka kasing mapride)

anyway, kung anu man ung nakalipas ay tapos na, masaya ako kahit may sapak ka pa din ng madalas at umiinom ka pa din, hindi ka na nananakit. alam kong tubig na ng katawan mo ang alak kaya hindi ko na hinihingi na magquit ka sa paginom.

happy father’s day ulit. Oo naaalala ko pa ung gusto mong regalo (Isang trak ng alak na iba’t ibang klase) kaso hindi ko pa un kaya sa ngayon, saka na pag nurse na ako abroad at mayaman na. Papagawaan pa kita ng bar sa bahay tapos may seksing bartender.

Nga pla, pag umuwi ako dyan sa probinsya, inuman tayo minsan, cheers!

signature2