makeso


Salamat
Dahil sa tuwing kinakain ng kawalang-kasiguraduhan at negatibong kaisipan ang utak kong baliko
Bigla ka na lang magpaparamdam at inaalis ang aking agam-agam

Paumanhin
Kung sakaling ika’y nababalisa sa minsanang hindi ko pagpaparamdam
Paraan ko yan para ako’y mamiss mo naman

Dahil kahit minsan buong araw akong nagbabasa ng manga
O karaniwa’y gumagala at naglalagalag kasama ng aking katropa
O di kaya’y masyadong okupado ang isipan sa pag-iisip ng wala

Sa bawat gabi na ipipikit ko na ang aking mga mata at ako’y mahihimbing na
At sa bawat araw na gumigising ako sa umaga
Laman ka ng aking isipan sa tuwi-tuwina

to miss or not to miss


namimiss ko na ang mga panahong
ako ang nanghihingi ng allowance
walang iniintindi kundi exams at mga prof
renewal ng iskolarship at pagdating ng stipend

pero hindi ko namimiss ang panahong kasama kita
na wala akong naririnig kundi gaano ako kawalang kwentang anak
at gaano ka kagaling na ama
na mas gusto ko pang tumambay sa labas kesa sa loob ng bahay

namimiss ko ang pagkain ng tapsi kasama si ma’am ester sa shopping center
ang pakikinig ng kwento nyang paulit-ulit tungkol sa naunsyami nyang pag-ibig
ang paglalakad mula St. Joseph hanggang Central kasama ng guild kong simpleng barkada
ang paglalaboy-laboy sa lagoon at pagmumuni-muni sa sunken garden

pero hindi ko namimiss ang panahong lagi akong walang pera
kasi hanggang ngayon minsan ganun pa din ang tema
hindi din nakakamiss ang mga panahong kailangan kong mangutang sa barkada
para lamang may mailaman sa butas kong bulsa

namimiss ko ang mga group study kasama ng aking mga tropa,
imbentong case study na inuman pala ang drama
babaran sa shop para lang magflyff at dota
pagtapos ay chichibog ng sisig sabay uwian na

namimiss ko na hindi ang mga pangyayaring lumipas na
ang mga pangyayaring mababalikan ko na lamang sa larawan at alaala