ganito pala ung pakiramdam


yung feeling mo ginawa mo yung tama

pero nawalan ka ng tinuturing mong kaibigan..

sakit lang sa bangs…

 

 

Advertisements

nega post


eto ung mga pagkakataong gusto kong maglaslas ng pulso

pero hindi ko gagawin kasi masakit yun at higit sa lahat masama yun.

ikakain at itutulog ko lang to.

hay..

this too shall pass.

pwedeng sumigaw?


waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

ayoko ng araw ko ngayon

ay ng gabi ko

maliban sa pinapasok ako ng maaga

may bagong team akong lilipatan

na naman

at ung ginagawa ay ung pinakahate ko sa lahat ng hate ko

ang magcalls

tapos hindi lang simpleng calls at offer ang gagawin ko

magreretain ng mga bwisit at paepal na player na nagpapaclose ng account samin.

pagkasabi pa lang sakin, para akong nabingi

I was asked if I have violent reactions,

reaction ko: I don’t know (speechless ang lola nyo, sa totoong buhay, gusto kong isubmit right there and then ung resignation letter ko, haha)

alam kong OA pero wala lang.

masaya kaya ko sa pagiging ahente.

sabi well-rounded daw ako kaya kung san ako tinatapong team

hmpf, ayaw ko na maging well-rounded kung ganun.

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

isa pang sigaw

waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

tapos isa pa

may hahawakang account na hindi naman dapat samin.

daya

isa pang sigaw

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

tapos grabe ung antok ko sa buong shift

halos matulog na ako sa station ko

isa pang sigaw

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

may apprenticeship training na

may isa pang training na kailangang attendan

anak ng tokwa

isa pang sigaw

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh

tapos, tapos

bandang alas-singko ng umaga

gutom na gutom na ako

15 minute break

dinayo ko pa ung mini stop sa columns para sa paborito kong chilz

tapos naisip kong itry ung lasagna nila na instant

masaya akong bumalik sa office

excited kumain

nung tikman ko ung lasagna,

lasang papel na maasim

anak ng sampung tinapa

mukhang sasakit pa ang tyan ko nito ah

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

signature2

cellphoneless..


heto ako ngayon, nag-iisa ahhhh,
naglalakbay sa gitna ng dilim hihim..
lagi na lang akong nadarapa ahhh..
ngunit heto, bumabangon pa din huhu..

tamang emote lang, (oo, alam ko jologs, pero bakit ba)
3 oras bago magXmas, nanakawan ako ng celepono,
so I have every right para magemote, (adik lang)
it’s been 9 years or 8 since I have experienced loosing my cellphone..
pers yir ako nang manakaw ung 3210 kong celepono,
tapos ngaun ulit, nyeteks namang buhay oh,
pang-asar, ipaalala ba, at sa gabi pa bago magpasko talaga,
how lucky can I get?

ansama ng loob ko,
masama talaga,
maiintindihan ko naman kung ung kumuha ng celepono ko
mukang gusgusing payatot na mukang 1 buwan nang hindi kumakain,
okay lang un sakin, ibibigay ko pa sa kanya
basta buhay ako at ibibigay nya ung sim card ko,
kaso,
huhu, (sniff, sniff)
ung kumuha ng celepono ko,
tatlong malalalaking mama, triple ng katawan ko
at mga kulang-kulang 6 footer tapos nakajaporms pa,
tapos ako, ang liit liit ko na ngang tao, 3 pa sila tapos malalaki pa,
asan ang katarungan dun?
asan?
asan?
kaya naman nilang magbanat ng buto kung gugustuhin nila
ichura nilang un, mga hinayupak sila,
hmp,
hmp,
asar talaga ako,
sabi ko sa sarili ko kahit bumili ako ng new celepono,
hindi ko pa din ipapamigay ung 3110 ko na un
mahal na mahal ko ung celepono ko na un
andami naming alaala together (tao?hehe)
kasama ko siya sa palawan,
sa intramuros,
sa baguio,
sa tacloban,
sa pulilan,
sa biak na bato,
sa bohol,
tsaka, un ung una kong celepono
na binili ko ng sarili kong sweldo.
pero ngaun,
aun,
wala na,
pinagpasasaan na ng mga nyeteks na magnanakaw,
kala nila,
may araw din sila,
may jinx na sila sa new year
imbis na guminhawa ung buhay nila,
lalong hihirap,
(uber bitter)
waahhhhhh
cellphoneless..
ako un..
nakakainis talaga,
salbahe sila,
tapos ung kunduktor at drayber nung bus na sasakyan ko dapat
keber lang,
wala silang malasakit sa pasahero,
salbahe sila,
hmmp,
salbahe talaga,
may araw din sila,
bitter? (OO, bitter na bitter ako)

signature2

pick the odd one out..


I’m in a state of trance.

Whether it is because of the shift that I am in, I don’t have the slightest idea.

Kanina, binubully ako ng mga katrabaho ko. Iiwan ko na daw sila kasi mappromote ako. Kesyo untouchable ako, kesyo magaling daw ako, at kung anu-ano pang kesyo. Nakakainis.

They’re making a making a mountain out of a molehill.

Feeling ko tuloy, outcast na naman ako.

Sana man lang may iba pa akong kasama. Para mas masaya.

alin, alin, alin ang naiba?

alin, alin, alin ang naiba?

Muka akong aso (figuratively) na trying hard magfit in sa mundo ng mga pusa.

woi batang isda, ba't naligaw ka?

woi batang isda, ba't naligaw ka?

Isa akong isdang walang tropa na palisaw-lisaw katabi ng mga isdang myembro ng fraternity. Naligaw lang.

kakaiba lang talaga (-_-)

kakaiba lang talaga (-_-)

Isa akong rubber ducky na nagfefeeling maganda kasama ng mga sosyalerang palakang gansa.

The odd one out.

Karaniwan masayang maging kakaiba pero minsan, nakakainis din pala. Grrr…

signature2

Malas at Swerte


Malas at Swerte

Karaniwang bukambibig ng maraming tao ang dalawang salitang ito.

Ako din. Gamit na gamit ko ang salitang malas at swerte.

Kapag badtrip ako sa buhay, wala kang maririnig sakin kundi “Ang malas ko talagang nilalang!”.

At kapag medyo high at masaya ako, ang karaniwan kong sinasabi ay “Ang swerte ko talagang tao!”.

Ironic but true.

Malas ako in the sense na swerte ang ibang tao.

At swerte ako in a way na malas ang ibang nilalang sa ibang aspeto.

– Malas ako dahil lumaki ako sa isang semi-dysfunctional na pamilya.

– Swerte ako dahil mas matatag at mas malakas (parang nag-eendorse lang ng produkto ah) ako dulot ng mga malungkot na karanasan.

– Malas ako dahil may ama akong tulad ni Hitler. Malala siyang emotero at lasinggero. Sakit sa ulo at mahilig manakit ng tao.

– Swerte ako dahil sa kabila ng katotohanang may ama akong gaya ni Hitler, may mama naman akong simbait ng pinakamabait na tao sa mundo. (bawal umangal, mama ko un eh). Minsan nga sa kabaitan, gusto ko siyang pagawaan ng monumento katabi ng sikat na bayani na kilala ko.

– Malas ako dahil pinagkalooban ako ng malapad na noo, malaking mata, buhok na parang alambre sa tekstura, balat na hindi kakinisan at hind pantay ang kulay, malaking paa na hindi proportion sa maliit kong pigura, at height na 9-2 (nahinto).

– Swerte ako dahil sa kabila ng kalaparan ng noo ko, may medyo matinong utak na nakatago, bagama’t may buhok akong mala-alambre, matibay naman ito at makapal, balat na hindi kagandahan pero aus na din kesa walang balat, malaking paa pero at least hindi super laki, at height na nahinto pero at least cute naman akong tingnan dahil may kaliitan ako. (bawal ulit umangal, blog ko ito eh)

– Malas ako kasi may pang-asar akong boses na nakakaloko. Boses na hindi mo seseryosohin kapag narinig mo sa telepono.

– Swerte ako kasi kahit pang-asar karaniwan ang boses kong maliit, asa tono naman ako kumanta kahit hindi kataasan ang boses ko. Tsaka isa pa, dahil dito sa boses ko kaya hindi ako napunta sa department na may calls. (Natatandaan ko pa ang comment ng training supervisor nun nung marinig nya ang boses ko, “Do we have a 10 year old here?”) Sakto. Sa Chat department ang bagsak ko. Yehey!

– Malas ako kasi karaniwang mabagal magprocess ang utak ko, ung tipong kailangan mong ulit-ulitin ang mga bagay-bagay bago mag-sink in sa pagkatao ko.

– Swerte ako dahil kahit slow ako, may nagsabi sakin na mataba ang utak ko. Ang kaso hindi ko alam kung paano ung nangyari. Hehehe.

– Malas ako kasi lagi akong at loss sa mga pangyayari, parang lumulutang. Laging no comment ang drama dahil hindi ko alam ang dapat sabihin sa mga pagkakataon at pangyayari.

– Sa kabilang dako, swerte ako dahil ligtas ako sa intriga. Either nababaitan ung iba sakin kaya hindi ako masyado iniintriga or wala silang paki, or hindi ko lang alam ung sinasabi nila tungkol sakin (we can never can tell, pero sabagay, keber lang, demokratikong bansa eh.)

– Malas ako dahil lapitin ako ng mga bully. Hindi ko alam kung nakalagay ba sa malapad kong noon a “ibully nyo ako, sige na please, ibully nyo ako”.

– On the other hand, swerte pa din ako, kasi may mga nabubully din ako. Hahaha.

– Malas ako, dahil alam kong maraming tao ang either asar sakin, tingin sakin boring, or worst, non-existing.

– Pero teka, swerte pa din ako dahil madaming kumikilala sa kakayahan ko bilang tao, tsaka hindi man super dami ang fans ko, alam kong lahat ng nagsasabing mahal nla ako, mahal nila akong totoo.

Dahil madami pa akong naiisip na kamalasan at kaswertehan, nagpagpasyahan kong tapusin na. Una, dahil nakakapagod mag-isip at ikalawa, nakakapagod magtype.

Alam kong madami din kayong kamalasan at kaswertehan sa buhay.

Ang masasabi ko lang. Ganun talaga yun.

Malay nyo, kung malas kayo ngayon, malas pa din kayo bukas. Tapos sa makalawa, swertihin kayo.

Hindi mo rin masasabi. 