the proposal


16/8/13  11 o’clock pm

– tonight is one of the best nights of my life. bakit? kasi this is the night the love of my life (ayiie) proposed to me. What was supposedly a birthday party at the hotel turns out to be a proposal at a cafe by the beach.

I was like super haggard because I just got off from work when my KB dabarkads/future sister-in-law (ahem) texted me that we’ll go to a birthday party. Her exact message were “Aubu, Maida to. Alis tayo, punta taung birthday party sa hotel. Suot ka ng medyo formal ha. Derecho ka sa bahay. Hintayin kita. Nauna na sila doon eh. Sowsyal, maexperience ntn”. I actually wasn’t in the mood to attend a party but knowing that maida would leave the desert soon, I decided to go and prepare as soon as I reach our flat. As ate Tzie says before, we should spend more time together and bond as much as we can while we still can.

While on my way to their house, Maida called and told me to head straight to RAK wedding hall because she went there already. I arrived at the back of the wedding hall a few minutes to 11 o’clock. I saw so much locals  wearing conduras but no sign of Maida. I called her to ask if I’m in the right place then she told me that the place is actually opposite of the wedding hall which is the Costa Cafe. I checked out the place from afar since I can’t cross the streets yet and started wondering how come there were no signs of any happenings there. When I reach the place, I then saw kuya Benjie, ate Tzie and Dart in their usual comfy outfit. I was like, wow mali ba ito? bat ako lang nakadress? but nonetheless, I kept my composure, approached them and asked where is Maida and Ake (silently hoping that Maida would show up any minute wearing the same get up as mine) I remember kuya Benjie commenting “mainit ba?buti hindi ka pinagswimsuit ni Maida?” before telling me where they were to which I replied with a poker face because I don’t know what is going on. I started walking towards Maida and Ake, pointed specifically to what Maida was wearing (and guess what, she’s sporting her infamous style, shirts and jeans then slippers much to my dismay) I noticed that she’s taking a video of me as I walk towards them.  I turned my attention to Ake and there he was;silently sitting on the bench holding a long stemmed-rose which he gave me as soon as I stand next to him and gave me 3 yellow print paper. 3 words were there. One is “Will you marry me?”, next was “of course” and last was “yes”. I was so dumbfounded that I jokingly asked “ba’t walang no?” to which he replied “ayaw mo ata eh” but then I snatched the paper that says “of course”. He knelt down on one knee and offered me the box containing a golden ring, I felt a surge of butterflies in my stomach and the first words that I blurted was “anung gagawin ko?” I remember laughing like crazy because I don’t exactly know how to react. I mean, it’s not everyday that you get to have a marriage proposal isn’t it?and from a guy you love? aughhhh. I still can’t get over it. I’m officially engaged dude. I badly wanted to scream but they might think I’ve lost my sanity. Imagine me suppressing my kilig and smiling from ear to ear as I’m typing this entry on my phone. Waahh!kilig to the bones. Para kong gago. Always the late reaction.

After my labiduds’ proposal, Maida took some photos. While walking back to the cafe, she asked if I already had an idea about tonight to which I honestly answered that I have no idea at all. She has her doubts though. (ewan ko ba kung bakit feeling nya may alam ako eh wala naman talaga, pramis, mamatay man ako) Had I known about the proposal, I would have definitely put an effort to look pretty. Put a little make-up at least. But nil, I had none so I entered the battle with an oily face! (Heck, you could even fry an egg using that much oil in my face) I didn’t even combed my hair! darn it. aughh. but not that it matters. my labiduds doesn’t seem to mind. Amidst the disheveled hair, oily face, maton-like lakad, in the end, I’m still the one wearing the engagement ring. I’m so happy I could die anytime. (seriously, is this really me talking?)

Anyways, I saw that Maida already uploaded the video of the proposal in kuya Benj’s DartBench Photography page.

I have played the video a countless times today just to check if this were all a dream but it’s not. I’m wearing the ring as a hard core evidence!(insert uber smiling face here). This is by far, the most wonderful advance birthday present ever. Thank you God for giving me a wonderful guy for a fiancee. Thank you kuya Benjie. Thank you ate Tzie. Thank you Dart. Thank you Maida. Thank you bhe. I couldn’t thank you all enough. I just feel very blessed and loved.

ciao.

Advertisements

All about me 10 day challenge – Day 3


Charan! Day 3 na! Dahil, nanonosebleed na akong tunay sa kakaingles, magtatagalog muna ako este Taglish, ay Pinglish na lang pala.

Day 03- Pictures of you and your friends

Supposedly, picture lang talaga so dapat isa lang pero wala naman akong picture na andun lahat ng kaibigan ko kaya ginawa kong pictures, haha. FYI. Hindi ako sociable na nilalang pero kahit paano may friends naman ako. hehe. FYI ulit. Random arrangement lang ung mga larawan na sumusunod,  (hindi base sa date or sino ang closest, labo-labo yan) yung ibang tao dyan nauulit pa, maliit lang kasi ang circle of friends ko. basta lahat ng nasa larawan na makikita niyo, tinuturing kong kaibigan ^^

super plural talaga ng pictures, haha, ngayon ko lang narealize, andami pala naming pictures nga mga kaibigan at tropapips ko. sa mga katropa at kaibigan na wala dito (mapaelem/hayskul/college/opis or tabi-tabi friends), inuunahan ko na kayo ng paumanhin, hindi ko pa naiscan ung ibang pix at pwedeng wala din kayong piktyur sakin na kasama nyo ako.

Sa lahat ng kaibigan ko, mapamababaw man sa ngayon o mapamalalim na ang ating mga samahan, labs ko kayo, mwahugs (wink)

nahuling post ng pagbati sa nagdaang araw ng mga tatay


Hi Hitler,

happy father’s day
tinext kita nung mismong araw ng father’s day
sabi ni mama sinabi naman nya sayo
tapos sabi mo thank you
hindi na ako nagreply pero you’re welcome

naalala ko bigla ung shirt na pasalubong ko sayo na ipinadala ko kay auntie Zeny
the shirts says “best dad in the world”
nung binili ko yun at nakita nila,
unang reaksyon ni auntie ay sabihin na plastic ako
si ate ching mas makulit ung comment,
“wow ha, lam mo bonch pag tinapon ka sa dagat, ligtas ka pa din kasi lulutang ka talaga.”
sabi ko, dahil ba plastic ako?
sabi ni ate ching, “mas malala ka pa sa plastic, styro ka, styro!hahaha”
at pagkatapos nun para kaming adik na nagtawanan.

alam nila na kahit minsan, mula nang magkaisip ako
hindi kita tinuring na best dad in the world
pag sobrang senti ako tapos naalala ko ung mga panahong hellsent-devil ang tawag ko sayo, kahit siguro good father hindi ka papasa sakin
pero alam mo ba, natuwa ako nung malaman ko mula kay mama (nung dinalaw nya ako)
na every other day daw, suot mo ung shirt na bigay ko
ibig sabihin naappreciate mo un and to that, thank you

you were never into shirts, makiPolo ka kahit minsan asa tindahan ka lang naman
ayaw mo ng nakatsinelas pag pupunta ng tindahan,
either you’re wearing advan slip ons or you’re wearing leather shoes
tinatawag ka nga ni mama na Don Juan na feel na feel mo naman

out of nowhere, andami ko biglang naalalang memories and facts tungkol sayo na akala ko kinalimutan ko na at nakalimutan ko na.

madami kang ayaw

ayaw mo nang nanunuod ako ng anime dahil pampapurol ng utak un ayon sayo (pero ginagawa ko pa din)
ayaw mo nang nanunuod ako ng koreanovela, tsinovela, at kung anu anu pang telenovela sa tv dahil pangkatulong lang un sabi mo (pero ginagawa ko pa din pero syempre pagtrip ko ung story)
ayaw mo ng nag-aadik ako sa mga computer games dahil masama sa mata (pero ginagawa ko pa din kaya heto malabo na ang mata ko)

madami ka ding gusto
gusto mo maganda lagi ang standings namin sa klase
grade 1 pa lang ako, tinuturuan mo na ako ng multiplication
naalala ko pa, sinulat mo ung multiplication table sa sahig gamit ung chalk
tapos pinakabisado mo sakin un maghapon
tapos tatanungin mo ako ng palaktaw-laktaw to make sure na hindi lang answer ung kinakabisado ko
gusto mo maging magaling kami sa chess dahil hustler ka dun
lahat kami marunong magchess pero si kuya bokyo ang pinakamagaling kasi siya pa lang ung nakatalo sayo ever
paborito mong tambayan ang mga club, babaero ka kasi
naalala ko nung sinama mo ako sa isang club nung gradeschool ako, pinakanta mo ako ng Sana’y wala nang wakas ni Sharon Cuneta para lang mapagyabang na maganda ang boses ng anak mo sa isang babae mo(sinuhulan mo pa nga ako ng bente eh at softdrinks at pagkain para itikom ang bibig ko)

naalala ko nung may pinakabisado ka saking tula sa dyaryo na Tempo, buong maghapon mo din ung pinakabisado sakin un kasi sabi mo isasali mo ako sa isang declamation chuva
umiyak ako nun kasi nakakaasar ka, grade 2 or 3 lang ata ako nung at wala naman akong interes sa mga competition tapos out of nowhere nabasa mo ung tula sa dyaryo tapos pinakabisado mo na

biglang ang dami kong naalala noh,

ayaw ko man, naaalala ko din ung pananakit mo samin; physically, emotionally at mentally (it hurts you know)

pero ang nakakatawa, hindi na ako masyadong nagagalit sayo, mas naaawa na lang ako, kasi alam kong hindi ka naman masaya sa kinahinatnan natin eh. Malayo ang loob namin sayo at pag andyan ka, para na tayong estranghero sa bawat isa.

naiintindihan ko kung bakit ganun ka na lang kung makakapit sa mama namin, siya lang kasi ang dahilan kung bakit natiis namin lahat na pasakit na bigay mo. Kung hindi sa kanya, siguro pariwara ang buhay naming lahat dahil sayo. Tsaka si mama ang nagsisilbing sinulid na nagdudugtong sating lahat.

pasensya ka na kung ganito ang laman ng liham ko, alam kong maliit ang chance na mabasa mo ito
at kung meron man, panigurado, we’ll end up arguing with each other dahil ipipilit mong mabuti at magaling kang ama (masyado ka kasing mapride)

anyway, kung anu man ung nakalipas ay tapos na, masaya ako kahit may sapak ka pa din ng madalas at umiinom ka pa din, hindi ka na nananakit. alam kong tubig na ng katawan mo ang alak kaya hindi ko na hinihingi na magquit ka sa paginom.

happy father’s day ulit. Oo naaalala ko pa ung gusto mong regalo (Isang trak ng alak na iba’t ibang klase) kaso hindi ko pa un kaya sa ngayon, saka na pag nurse na ako abroad at mayaman na. Papagawaan pa kita ng bar sa bahay tapos may seksing bartender.

Nga pla, pag umuwi ako dyan sa probinsya, inuman tayo minsan, cheers!

signature2

ang nangaliwa at kinaliwa (part 2)


***************************************************************

May isang scenario pa na hindi ko makalimutan, basta isang araw, hinanap ni mama si Hitler. (Bago ung araw na un, may salo-salo atang pinuntahan si mama. Uminom din siya dun)

Tapos ung kaibigan ni mama, sabi asa beer house daw si papa at may kinakarir na pok2.

Ewan ko kung hindi lang maganda ang gising ni mama or may hang over siya pero ung natatandaan ko, bigla na lang siya pumulot ng red horse na bote tapos rumachada papuntang beer house na sinabi nung kaibigan nya.

Syempre, tumakbo ako at sumama. (hindi ko pwedeng mamiss ang maaksyong sandaling ito)

Tapos nung nakarating kami, nag-alarambo si mama,

May linyang pampelikula : Mga walang hiya kayo, lumabas kayo dyan!
Eksenang lumabas sila papa tsaka ung isang babae (hindi pamilyar ang muka, bagong bata ni Hitler)

Maangas ung babae, sabi “Miss, anu bang problema mo?”
Sabi ni mama, “MISIS. Misis lang naman ako ng lalakeng kinakalantari mo.

Babae: “O talaga? Hindi ako nagtataka” (hinagod ng tingin si mama, sabay ismid)

Sa asar ni mama, binasag nya ung bote ng red horse na hawak nya, tapos sabi, “Eh, punyeta ka pala eh, malandi ka, gusto mo atang masaktan eh”
Akmang susugod, kaso naharang ni Hitler. Kinuha ni Hitler ung basag na bote at tinapon sa kalsada.

Nakita ni mama na may dalang plastic na may lamang mansanas or ponkan si Hitler (un ung natatandaan ko ah), pasalubong ata sa babae nya,

Tapos hinablot ni mama ung plastic, gumulong sa kalsada.

Nagsigawan sila, away parang sa pelikula. Tapos…

Hindi ko na alam ung nangyari,

Kahit halukayin ko ung utak ko, hindi ko na matandaan eh, bitin ba?

Basta ang alam ko lang nagbati din sila mama at papa.

Magkasama pa din nga sila ngayon eh. Going strong. (Pang-asar)

love triangle

Isa pang senaryo ng pangangaliwa.

Eto ay istorya ng ate kong panganay ay boypren nyang itago na lang natin sa pangalang Gloc9 (kamuka nya kasi un eh)

Fourth High School ata ako nung nagging sila tapos naghiwalay sila nung third year college ako dahil sa isang third party.

3 years. 3 taon. 36 months. 36 buwan. Almost 1,095 days. Halos 1,095 araw.

Ganun katagal ung pagmamahalan nila, este relasyon nila, este lokohan pala nila. (aun kay ate yan)

Playgirl si ate. First year high school pa lang siya, saksing buhay ako kung panu sya magjump in 1 relationship to another relationship in a short span of time.

Madami siyang napaiyak na lalake. Misyon nya dating magpaiyak ng mga lalake para kahit man lang daw dun, makaganti siya sa mga kalahi ni Hitler.

Pero nung grumadweyt siya ng college, naging seryoso na siya sa buhay.

Siguro, it’s really very tiring to play in the fields.

Eventually mapapagod ka kasi alam mong walang patutunguhan ang lahat (kaya nga ako nagtataka kung bakit madami pading gumagawa nito)

Mabalik tayo sa kwento ko.

Aun nga, 3 years na ata sila ate at kuya gloc9.

Isang gabi, tinatry kontakin ni ate si kuya. Tapos walang sumasagot.

Nagtanong si ate sa karoomate ni kuya at sabi hindi pa umuuwi.

Umusok ang malapad na noo ni ate (mana ako sa kanya nuh)

Kinabukasan sa trabaho, nalaman ni ate na kinarir ni kuya ang syota ng bayan sa company nila.

Natulog sila together. (alam na, tsk, tsk, tsk)

Take note: kakilala yun ni ate. Ang saklap.

Dahil sa galit, sinugod ni ate si kuya gloc9, tapos sinugod din si ms. syota ng bayan.

Kinaladkad silang dalawa ni ate at pinaamin sa harap ng madlang pipol.

Take note ulit: hindi palaaway ang ate ko, mataray siya oo, pero hindi sya warfreak.

Linyang pampelikula ulit: Umamin kayo, totoo ba? (iyak, singhot, tulo luha)

2 taksil: tumango (sa ichurang nahihiya ng sobra)

Ate ko: Mga walang hiya kayo! Paano nyo nagawa sakin ‘to? (iyak, singot, iyak ulit)

Ate ko: Walangya kang lalake ka? Pinagtiwalaan kita! Gago ka! (sabay sampal at suntok kay kuya Gloc9)

2 taksil: walang palag, nakatungo lang, umiiyak.

Ate ko: Punyeta kang babae ka, malandi ka! (Sabay hablot sa buhok ng babae at sampal dito)

Ms. Syota ng bayan: wala pa ding palag (iyak na lang)

Ate ko: Leche ka *******! Ipagpapalit mo na land din ako, sa babae pang mukang paa! Hindi ka na nahiya sakin! Sana man lang kumuha ka ng babaeng disente. Hindi yang babaeng yan na Syota ng Bayan.

Gloc9: iyak lang ng iyak

Ate ko: Nakakadiri kayo! (Sabay sampal ulit sa 2 taksil sabay walk out)

After nun, hiniwalayan ni ate si kuya Gloc9. (tama lang yun)

Tnry ni kuya na balikan si ate. Kaso no can do. Basa na ang papel nya.

Tsaka asa sya nuh. Buti nga pinatulan sya ni ate (halata bang bitter ako at asar pa din?hehe)

Tsaka anung akala nya, martir si ate? Naku, yan ang malaking pagkakamali nya.

Sa ngayon, happily married si ate sa bestfriend nyang si kuya mike.

As for me (ba’t ako nasali dito?), kasalukuyan akong may boypren.

1 year and 6 months and counting kami.

Piping hiling ng puso ko ay huwag nyang tangkaing mangaliwa.

Kasi, babaha ng luha. (hehehe, oa na kung oa)

signature2

Feeling Photographer..


In ang Photography ngayon..

Hindi ko alam kung paano pero uso siya..

Halos lahat ng tao gusto ng camera at isa na ako dun..haha..

Pero hindi ung camera lang…gusto ko ung may video..

e2 ang pangarap kong camera..

d5000

Mahilig kasi akong kumuha ng bidyo..for documentation purposes..

Wala kasi akong tiwala sa memorya ko..

Baka balang araw makalimutan ko ang mga alaalang nagbigay kulay at buhay sa mundo ko..

dahil nga nagfeeling photographer ako, aun..

CSC_1040

nagpicture picture ako..hehe

e2 pa..

CSC_0937

at e2 pa..

DSC_1032

at e2 pa..

DSC_0584

at e2 pa ulit..

DSC_0586

at e2 pa ulit ulit..haha

DSC_0587

oha, oha..hahaha

pero teka..

hindi akin yang DSLR na yan..

kay maida..

hehehe..

balang araw..

magkakaron ako ng camera at video cam (2 in 1)

ang Nikon D5000..hahaha..

pero sa ngayon..

hanggang pangarap muna sya..:-D