tattooed and proud


may kasabihan na pagnanganak ka at nagkaroon ka ng stretchmarks, “you’re a tiger who earned her stripes.” o sige salamat pampalubag loob din yun, pero hindi naman ako tigre. saka ung baby tiger nga pinanganak na may stripes tapos nanganak lang ako sasabihin nang I earned my stripes, sus. okay, so much for my cynicism.

mas maganda siguro kung sasabihing, you got tattooed. a proof that you’re body is an instrument to a miracle. etchos. pero seriously, hindi ako nagagandahan sa stretchmarks ko no matter how many people romanticized about having them. edi sana hindi mabenta yung bio oil at cocoa butter sa market. hindi ako nagagandahan but it doesn’t mean I am ashamed of them. parang mga peklat at tattoo ko, they are meant to tell stories. if you’re not interested, wag mong tingnan.

anyways, I got tattooed long back and I’m planning to get another soon! (lakas maka-segue!) hahaha pag may budget na at may time, I actually wanted to put a tattoo on top of my tummy stretchmarks but I read online that it would hurt more than it should and it might not look good because it’s distended skin. baka sa legs na lang siguro or sa likod ulit.😈 gusto ko ng handprint or footprint ng anak ko.

img1458913456293

charan! andami kong sinabi pero actually gusto ko lang talaga ng dahilan para maipost ulit tong piktyur ko na to. Hahahaha this was taken a few pounds ago. (excuse me for my malantod na pose) I know that not all of the people on this planet are excited at getting inked but sabi nga nila kanya-kanyang trip yan (so please don’t give me bullcrap reasons why I should not get another tattoo) parang sa pagbubuntis at panganganak, madami ang may gusto meron ding ayaw. kanya-kanyang disposisyon at pananaw.

P.S

I was contemplating whether to put a picture of my pregnancy stretchmarks but I decided to keep my stripes to myself. Maybe if I’m wearing a two-piece and decided to show them off to the word, I’d post them one day for sure, hahahaha 😈

Advertisements

small handwriting equals low self-esteem?


Kanina sa training, pinagsulat kami ng top 3 values sa post-it paper

isulat daw namin at lagyan ng star sa tabi ng word ung top values that we can’t live without,

ung isinulat ko ay : professionalism, maturity at discipline

tapos ung nilagyan ko ng star ung professionalism

tapos nung tinatawag na kami isa-isa, gusto ko sanang palitan ng maturity ung professionalism

pero dahil kahiyaan na, pinangatawanan ko na lang ung una kong nilagay

second to the last akong natawag,

unang tumawag ng pansin sa trainer namin ung maliit kong sulat sa post-it paper

sabi nya, “Don’t get me wrong, there’s this notion that small handwriting equates low self-esteem. Does this mean that you’ve got low self-esteem?”

ako, “No? (parang di pa ako sigurado, hehe) That’s just how I write. It’s neater that way. (akala ko kasi talaga lalagyan pa ng explanation sa baba nung mga words na sinulat namin)

sabi nya, “Okay? (parang ayaw nya maniwala) So you’ve chosen professionalism. Please explain.

ako, “Ahm, I’ve chosen professionalism because it’s like an umbrella which routes to other values. If you’re professional, you’re mature and disciplined enough to handle difficult situations. For example, if I were to be placed in a world full of vices and one approached me and ask me for example (puro na lang for example, hehe), to smoke, I would be able to weigh the pros and cons of smoking, and, since I’m a professional, I would be able to decline the offer in a correct manner without actually offending the person himself.” (sabay hinga, whew, nakakaubos kaya ng english ang training na un)

sabi nya, “Great! (akala ko talaga okay na at wala nang follow up pero makalipas ang ilang segundo…) Actually, I was expecting a more enthusiastic answer like I chose professionalism, (in a cheerful and strong voice) because yada yada yada, nakalimutan ko na ung exact nyang sinabi. I’ll expect more from you. On the next workshop, you’ll be in the hot seat. (Smiles)

ako, lunok sabay tungo. (gudlak naman sakin, sana lang magtransform ako within 1 week noh)

naobsess ako ng onti kung anu nga ba ang ibig sabihin ng self-esteem.

high school at college pinag-aaralan na namin un, pero ngayon lang ako nagdoubt ng bonggang bongga sa self-esteem ko.

sabi dun sa isang nabasa ko, Self-esteem is the experience of being competent to cope with the basic challenges of life and being worthy of happiness.

hmm, napaisip ako, alam kong competent ako. (Please take note that I am not saying this stuff in retaliation to what the trainer said about me, defensive as it may sound but I assure you that it’s not)

give me a specific work or assignment and instruct me correctly how to do it and I’m 100% sure I would be able to do it.

actually, minsan nga nayayabangan ako sa sarili ko. Though, it’s not that obvious, there are times that I’m so full of myself.

A good example is the time when I was reviewing for the board exam while working in a call centre,

My family as well as our dean keep on saying then that I should quit my job to make sure that I’ll pass the board. Considering that I’m one of the so called the cream of the crop, they had such high hopes for me.

However, hard-headed that I was, I pursue my grand plan of working while reviewing.

And you can’t imagine how proud I am, that I was able to pass with a grade of 80+ in comparison to those who spent their full time reviewing. (Humility calling aubu), oha, oha, pero siyempre that is something na ipagyayabang ko lang kung kinakailangan.

Hindi naman batayan ng tao ang mataas na grado. Maliban sa hindi nakakain yun, madaming iba dyan na may brilliant minds pero bulok ang pagkatao.

Mabalik tayo sa self-esteem, dati siguro aminado ako na mababa ung confidence ko, but does it necessarily mean that I’ve got low self-esteem? I dunno. Ang alam medyo anti-social ako at loner pero kung pagtingin sa sarili ang usapan, aba eh, hindi ako palalamang dyan, hehe,

Anyhow, sabi ko naman sa sarili ko dati, kailangan ko ng personality development dahil nga medyo anti-social ako at hindi outspoken, baka ito nga yun kailangan ko at para na din sa ikakauunlad ko bilang tao. Nakanaks, wahaha

signature2

magkano ka?


tag

magkano ka tol?
mura lang, piso ata dun sa tindahan.
ngeks, grabe ang mura mo pala, dali, bibilhin na kita. hahaha

eto ung biruan namin nung mga katropa ko nung elementary.
Feeling kasi namin nun may presyo bawat kalaro namin, hehehe, either piso, dalawang piso, basta hindi lalagpas ng limang piso, kasi ang mahal mo na nun.

kanina nagkayayaan sa department namin..
inuman, sa top grill daw (libreng advertisement ulit)..
special shift ako so there’s no way I could go and I don’t have plans of doing so..
payapa akong nagttrabaho (kasama na ang pasimpleng pagbabasa ng manga at wordpress latest post)..
2 ang SM namin sa shift, tumawag ang DM habang payapa (payapa talaga eh noh), ang lahat..
nag-iimbita..
pumunta ang isa naming SM..
tapos after 1 hour, bumalik na siya..tipsy..
sabi nya pumunta din ung isa pang SM, for 1 hour lang din, at pinapasama ako..
special mention daw ako ng isa pa naming SM..(special?)haha..
sumama ako bilang pakisama..
at nang dumating ako dun, ung SM na nagrequest na sumama ako ay wala na pala..
nakainom na mga nilalang at mejo may tama na ang ilan nang dumating ako pati aking mga kasama..

usapang walang patutunguhan..

usapang green..

usapang babae..

sabi ng isang andun, may kakilala siyang babae na kung popormahan mo,
dapat may BMW ka at 30K sa wallet sa bawat labas nyo..
tapos may kakilala pa siya na tipong kahit may BMW ka at 100K, hindi ka pa din papatusin..
naisip ko, may tag price kaya ung mga babaeng yun?
san banda kaya nakalagay? sa noo? sa pisngi?
or dapat ba iswipe mo muna ung gadget na may violet na color para makita ung tag price nila..

nakinig ako sa 3 nag-uusap na kadepartment ko, tawagin natin silang B1, B2 at B3..

B1: virgin pa ba ung sinasabi mo?
B2: alam ko, hindi pa un nagkakaboypren eh,
B1: ay virgin? ayoko nun, mahirap un,
B3: uu nga, hindi pwedeng isang gamitan lang
B2: kailangan may half million ka
B3: tapos hindi pa dyan natatapos yan, clingy pa ung mga ganyan karaniwan
B1: haler, as if, kung ako ung girl, at virgin pa ako, papayag ba akong pagamit lang at maging kabit?

nakikinig lang ako ng mataman sa kanila,
nakakalungkot isipin na may mga taong pinepresyuhan ang iba pang tao..
nakakapanghinayang din na may mga taong sila mismo pinepresyuhan nila ang sarili nila..
may hundred thousand, 1 million, etc, etc,
na para bang sapat na ilang milyon sa gaya nila..

hindi nila alam mas mahalaga pa sila sa kahit na anung kayamanang nabibili ng pera..
ung thought lang na tao sila at buhay, hindi un kayang tumbasan ng kahit ano..
ung karangalan nila, ung dignidad nila, walang kahit anu mang bagay sa mundo na pwedeng ipalit dun…

minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga nilalang sa mundo..
one minute, paimportante..
sa susunod, pinepresyuhan ang sarili..

signature2

may issue siya, may issue ako, may issue tayong lahat..


Nitong mga nakaraang araw, palaging sumasakit ang ulo ko.
hindi ko alam kung dahil pala-isip ako ng mga bagay na kaisip-isip o nakakabobo lang talaga ung trabaho ko ngayon kaya puro hangin na laman ng utak ko kaya sumasakit ito. (kabag sa ulo?) naku, masama na ito.

recently, dahil sa bagyong ondoy, nabalitaan ko ung shout out ni jackie bermejo (agaw-eksena, alam kung paano magpakilala,ung nga lang sablay ung entrada kaya tuloy dumami ng biglaan ang mga fans nya.

Sabi niya according sa isang nabasa ko, “Buti n lng am hir in Dubai!maybe so many sinners bak der! so yeah deserving wat hapend!”..sumakit ulit ulo ko, pati puso, grabe siya. Alam ko namang everyone is entitled to his/her own opinion. Malaya kang tao, pero dapat alam mo kung paano gamitin ang karapatang iyon. Hindi dapat nawawalan ng respeto sa kapwa tao. Mantakin mo, Pilipino din siya, tapos ganun. Hindi nya ba naisip ung mga nawalan ng minamahal. Anung klase bang puso meron siya? Grabe diba. Siguro madami lang siyang issues sa buhay. Gaya mo, gaya ko, gaya nating lahat. Pero syempre, it won’t give any justice sa ginawa niya.

Isa pang kumurot (naks kumurot) sa puso ko ay using isang shout out sa twitter ng isang hilaw na koreana, si ugly yubin, sabi nya “i hope it keeps raining and die in floods like those filipino Monkeys,aba,kung kaharap ko ang isang ito, baka sabihin,sino kaya ang mas mukang monkey sa atin. Sapakan na lang, panigurado, tutumba 2, halimaw ba naman siya sa kaputlaan at kanipisan. Kaainit ng dugo. Siguro, isa pa itong may issue sa buhay. Kainis.

Puro issue, nakakainis, pero hindi naman tayo yumayaman sa nga issue na yan. Pero minsan, masayang sumawsaw.

Bigla ko tuloy naalala. (teka, diba puro hangin na nga lang laman ng utak ko?) so many memories.

Halimbawa na lang, may issue ako sa trabaho, ako lang nakakaalam, (feeling ko lang un) Nawawalan na ako ng gana (ganang magtrabaho, at pumasok) Nakakapagod. Kumikita ka pero wala pa rin namang nangyayari sa buhay mo. Isang kahig, isang tuka. Naalala ko na naman ang mga linya ng tatay kong si hitler. “You’re living from your head to foot” un ata un, or from hand to mouth? basta parang ganun. Issue na naman?

Investments. Ilang beses ako pinagsabihan nila ate at tita at mama na dapat maging wise ako sa pera. Dapat nag-iinvest ako. Sa 17 or 18 months na atang pagtttrabaho ko, anu ang napala ko? Nakabili ako ng solong electric fan, cellphone, damit, pants, shoes, slippers, undies, hankies, jackets, shades, eyeglass, bedframe, foam, bags and silver accessories. Nakapagbyahe sa baguio, palawan, tacloban, EK, bulacan, at starcity. Yan ang mga investments ko. Nakabili din ako ng aso, nakapag-aral ng French language sa UP, nakapagtraining ng IV therapy, nakapagpagregister ng PRC license, nabuhay kong mag-isa ang sarili ko sa loob ng halos 18 months nang hindi humihingi kahit piso sa magulang ko, (except sa libreng load na bigay ni mama paminsan-minsan)hehe..Ang hindi lang nila maintindihan, bakit hindi ako nakakaipon. Nako. Sabi ni ate oya, magastos daw ako. Aba, try nya kaya minsan makipagpalit ng kalagayan sa akin (bitter?), issue na naman.

Dahil graveyard at walang boss, at onti ang ginagawa ko, wala kong ginawa kundi makipagchat sa kashift ko. Aalis na pala siya. Sabagay, last time nya pa sinabi sakin. Sabi ko sasama ako, kahit sa maleta lang. Pupunta na siyang Maldives. Sarap. Hinanap ko sa wiki at sa google ung Maldives. Isang maliit na isla sa tabi ng Sri Lanka at India (un ung natatandaan ko). Ang ganda, parang paraiso. Sabagay, kung magppromote ka nga naman ng turismo sa bansa mo, syempre ung maganda sa paningin at hindi masakit sa mata ang ilalagay mo. Hayst, iiwan na nya kami. Wag mo kami kakalimutan ha. May FB at FS. Pag gusto mong after 48 years ung communication, pwede din snail mail.

Dahil nainspire ako sa kanya. Naisip kong magsurf at magsearch ng bonggang bongga related sa health and medicine. May mga nakita naman ako. Kaso, pusang-galang experience. Lagi na lang. Another issue. Anu bang inieexpect ng mga hospital na yan. Pagkagraduate ng isang estudyante, may experience na? What the heck. Kailangan ko na talaga ng experience. Tapos kailangan pa ng certificate na ganito na ganyan. Hahayst. 4 na taong ginugol sa eskwelahan, 2 years dun halos tumira na kami sa hospital, hindi pa ba un sapat? grrr….

Inaantok na ako. As in.

May issue sa sarili. May issue sa pamilya. May issue sa trabaho. May issue sa baranggay. May issue sa lungsod. May issue sa rehiyon. May issue sa Bansa. May issue sa buong mundo.

Sabi may darating na bagyo na naman. Abangan, ang mga eeksena at mga bibong bibida.

signature2

Rain, rain, go away..


Rain, rain, go away, come again, another day.
Rain, rain, go away, come again, another day.
(repeat from the beginning)

rain, rain, go away..

rain, rain, go away..

Ito ang kantang paulit ulit kong kinakanta nung bata pa ako kapag umuulan tapos gusto kong umaraw.Hindi pa uso ang sun dance nun kapag gusto nyong umaraw. Walang kamatayang pagkanta ng rain rain go away. Patibayan.

Laking baha ako. Sanggol pa lang ata ako, binabaha na ung bahay namin. Kaya no big deal ang mga baha na nakikita ko kapag umuulan. Ang pinakagrabeng baha na naranasan ko sa bahay namin sa QC dati ay hanggang dibdib nila ate evic. Laro lang lang ang paglilimas ng tubig-baha para sa akin. Nauubos naming 5 magkakapatid ung tubig baha sa kakalimas mula 7am-11am. Para maaliw, kunwari, nagtitinda kami ng champurado or lugaw, at dahil kami ni JL ung bata, kami ung taga takal. hehe

Sa ngayon, ung nakatira sa bahay namin sa QC ay ung pangalawa kong ate. Alam kong binabaha pa din ung bahay kapag umuulan ng malakas pero hindi na gaya ng dati. Akala ko lang pala un.

Kamakailan lang, nanalasa ang bagyong Ondoy. Nag-iwan ng malaking pinsala sa mahigit 30 probinsya at lungsod sa Pilipinas. Pati din pala kina ate ko. Grabe. Nung tumawag ako sa kanila, hanggang leeg na daw ung tubig. Buti na lang at mababait ung kapit-bahay namin at tinulungan sila ate. Naku, 4 ung anak niya at maliliit pa. Gustuhin ko mang pumunta dun nung mga panahong un, wala naman akong speed boat, at kung natuloy man ako, malamang, isa ako sa daan-daan or libo libong taong nastranded sa kung saan.

Isa pang magandang (tama ba?) halimbawa ng taong naapektuhan ng bagyo at baha ay si maida-sama. Grabe siya. Astig to the end power. Alam niyo ba, nilakad niya mula sa taft avenue mrt station hanggang taguig, makauwi lang. Sounds terrific but true! Ang kaso lang, dahil sa sobrang pagod sa paglalakad (2 oras ka ba naman maglakad with matching baha at bagyo, ewan ko na lang kung ndi ka mapagod), hindi siya nakapasok kinagabihan.

Isa pang kagilagilalas na pangyayari nung may bagyo ay ung ginawa ng mga katrabaho ko, ung 2 sa morning shift nung araw na un ay nagtriple shift. Yes. Triple shift. 9 hours per shift samin. 3 times 9 is equal to 27 hours. Lagpas 1 araw silang gising. At nagttrabaho.

May isa pang tao ang hindi ko kinaya ang drive sa pagpasok sa trabaho. Adik sa lahat ng adik. Dapat bigyan siya ng award. Sinuong nya ng buong tapang ang ulan. Take note. Taga montalban siya. At ayon sa napanuod ko sa TV, baha dun ng halimaw. Kasi ganito yan. Night shift siya nung sabado. Tapos aun nga, sinugod nya ung ulan, sumampa sa dump truck makarating lang ng buendia (wala kasing masakyan at kung meron man, tirik sa kalsada). At hindi pa dyan natapos yan, pagkadating nya sa buendia, naglakad pa siya, mula buendia to RCBC. After 48 years, nakarating siya sa 14th floor at ikinwento sa mga kadepartment namin ang experience nya. At ikinwento din nya ulit samin kaso kashift ko siya ngaun. 🙂

Grabe talaga ung bagyong Ondoy. Nakapagtala siya ng bagong record na 42.4 cm rain over 12 hour period against Typhoon Rosing’s record na 33.4 cm of rainfall over a 24-hour period. Mantakin mo naman, sa loob lang ng 12 oras, bumaha ng bonggang bongga sa iba’t ibang lugar sa Luzon. Tinalo nya pa ang Typhoon Rosing noong June 1967 na kinailangan ng 24 oras para magawa ang pagbahang nabanggit (Ito ay ayon sa wikipedia, kwento ng kaibigan at dala ng panunuod ng tv). Sinasabing 80% ng Metro Manila ay underwater dahil sa pananalasa ng bagyong dumaan.

Pero sabi nga, kahit gaano kalakas ang bagyo, aaraw at aaraw din, at lalabas ang haring araw at karaniwang kasama ang kanyang alalay na si bahaghari.

Pinoy ako. Pinoy ka. Pinoy tayong lahat. Kundi man sa balat ung iba, sa puso naman iisa. Pinanganak tayong malakas, masayahin at flexible (anu nga bang tagalog nito). Isa tayong kawayan na hanginin, bagyuhin, o bahain man, mananatiling naninindigan. Yumuyuko, OO. Gumegewang, OO. Pero mananatiling lumalaban.

Mabuhay!

Teka, san pala napunta ang action plan ng National Disaster Coordinating Council na pinagmamalaki ni Pareng Gibo? Ba’t sa tv, wala siyang ibang nasabi kundi “Wag magpanic”?

Gusto ko happy ending ang post pero wala eh, sabihin na lang nating bittersweet ending. Maladark chocolate at kapeng barakong walang asukal. naku. tama na nga. bangag lang ako.

Rain, rain, go away.
Come again another day.
Little Children wants to play.

signature2