balik Pinas


Mabuhay!

So, how long has it been?3 months it is since my last post!

pagkatapos ng dalawang taon at anim na buwan, nakauwi rin ako!wahu! (biglang tagalog eh noh)

nakain ko ulit ang lahat ng namiss kong pagkain!iba pa din talaga ang Pinas!kahit gaano katrapik, kahit gaano kadaming tao, mas masaya pa din dito!

DSC_0452

DSC_0391
IMG_20140614_212440

Ayan, actually umuwi lang talaga ako para lumamon, hahaha

 

 

……


sa totoo lang, ung natitira kong pera dito hindi aabot hanggang susunod na sweldo. naubos panload kakatawag sa Pinas. sa ate ko sa laguna. sa hinayupak na mga phone numbers na nakapost sa facebook at iba pang websites na may info regarding sa Yolanda survivors na kahit isang number wala akong napala (naubos lang ang load pati pera). pero keribels, may pagkain naman ako sa bahay. at isa pa, naglalakad lang naman ako papuntang clinic. I’ll get by. Malaman ko lang kung ano na ang nangyari sa pamilya ko sa Tacloban, kahit ilang daang load ang magastos  at kahit wala na akong makain okay lang.

hindi naman ako nabigo at nalaman kong okay silang lahat. hindi ko pa din nga lang sila makausap ng personal kasi total black out pa din ang buong Leyte. soon I hope. pitong araw na mula nung huli kong nakausap ang mama ko. namimiss ko na siya. ayoko nang manuod ng news coverage online kasi huli akong nanuod, hindi ako nakatulog kakaisip kung ano na ang nangyayari samin. nakakapraning.

anyways, kanina sa clinic, bigla akong tinawag ni Jerrabeck, isa sa mga katrabaho/kaibigan ko clinic namin. sabi niya may hihingin daw siyang stock sakin (stock controller din kasi ko sa clinic namin). Pagkasunod ko sa kanya sa 1st room, bigla siyang may iniabot na maliit na papel na nakatupi. sabi niya basahin ko yung sulat. may nakalagay “aubu, pagpasensyahan mo na itong abot ko sayo. pambili mo yan ng load pantawag sa inyo”. pagbuklat ko ng papel, may pera sa loob. sa totoo lang, ayoko talaga tanggapin kasi nahihiya ako. hindi kasi ako sanay na tumatanggap ng pera galing sa ibang tao tsaka alam ko kailangan niya din yun, visayas area din kasi ung family niya pero sabi niya mas kailangan ko daw yun kasi hindi naman daw gravely affected ung lugar nila. wala akong nasabi kundi thank you kasi alam ko parehas naman kaming hindi mayaman pero nagawa pa din nyang tumulong sakin. wala lang. touch ako ng sobra. muntik na akong maiyak.

kahit na andami-dami kong problemang iniisip ngayon, nararamdaman kong blessed pa din ako. mula sa boyfriend ko, sa pamilya niya, sa mga kaibigan ko sa Pinas at dito sa disyerto na sumuporta at nanalangin para sa kaligtasan ng buo kong pamilya hanggang sa mga katrabaho ko na pinapalakas ng husto ang loob ko nung mga panahong wala akong balita sa pamilya ko. maraming salamat po. hindi ko po alam kung anung ginawa kong kabutihan sa buhay ko ngayon or nakaraan kong buhay para magkaroon ako ng mga mabubuting taong gaya nyo sa paligid ko.

sa kabila ng mga pangyayari, alam kong malalagpasan namin to. kapit lang sa matatag.

sana talaga maging maayos na ang lahat.

All about me 10 day challenge – Day 5


Naghihingalo na ako sa pagtapos ng 10 day challenge na ito, haha, congratulate me, I’m on my day 5.

Day 5 – Pictures of somewhere you’ve been to.

May mga gala akong na hindi na iblog (dahil sa katamaran) kaya ikinollage ko yung mga pictures at nilagay dito. >:)

Inuunahan ko na kayo, sasakit ang mata nyo sa madaming pictures.

Isa pang paalala, literal na pictures at caption lang ang makikita niyo. Hihiramin ko muna ung cliche na “a picture paints a thousand words” bilang alibi sa aking katamatan, haha.

BSP Metropolitan Museum - Metro Manila

Ayala Museum - Makati

National Museum - Metro Manila

Road trip to Vigan - Ilocos Sur

Blue Coral Resort - San Juan Batangas

Caluwayan Palm Island - Marabut, Samar

Camiguin

Puerto Princesa - Palawan

Sa totoo lang, muntik na akong sumuko sa pag-aupload ng mga collages na ginawa ko dahil sa aking crappy internet connection. Buti na lang nanaig ang kagustuhan kong matapos ang challenge, wahaha.

****

kaya ko to! 5 days to go! ^^

Akyat sa Mt. Pulag (Part 3)


Sa wakas at sinapian ako ng kasipagan para ipost ang part 3 ng Mt. Pulag adventure ko na naganap noong Pebrero ng taong ito. (expired na expired post na, haha)

Para may koneksyon pa din sa huling Mt. Pulag blog entry ko, kinuha ko ulit ilang talata dun.

Pinilit na lang naming matulog kahit sobrang hirap. Partida, uminom pa kami ng the bar pero wa epek, nanunuod talaga ung lamig, tagos sa buto. At sa wakas, dumating na ang umaga..

Mga alas kwatro na ata nung nagsimula kaming gumayak papuntang summit. Sobrang excited na ako, ung cheer ko sa sarili ko nun ay “let’s get it on!”

Paglabas namin ng tent, sinubukan kong picturan ung langit at ito ang nakuhanan ko. Mukang umuulan ng nyebe na mukang madaming orbs. Sabi pag madaming orbs madami daw spirits, yay.

Pagkatapos kong makuhanan ng larawan ung langit, gumayak na kami para umakyat ng summit. Hindi na ako nag-abalang kumuha ng larawan along the way dahil madilim at dahil takot akong gumulong pababa. Ung dinadaanan naming trail ay makipot lang tapos madilim na ung ibang parte.

Out of curiosity, nagtanong ako kay ateng tour guide kung bangin na ba ung madilim na nakikita ko tabi ng trail na dinadaanan namin.

AuBu: Ate, bangin na ba ito? (sabay ilaw sa madilim na parteng tabi trail)

Ateng tour guide: Oo. (ang honest talaga ni ate!)

AuBu: ahh, bangin na pala (sabay lunok-laway)

Matapos ang isang oras mahigit, nakarating din kami ng summit at naghanap ng magandang mapupwestuhan para mapanuod ang pagsikat ng araw. Kasabay nito ay ang pagkuha ng madaming larawan.

Hindi ko na inilagay lahat ng larawan dahil mauumay kayo sa mukha ko at mukha nila. Pumetiks lang kami sa tuktok, ninamnam ang lamig na nanunuot sa jacket namin na tagos hanggang buto at inantay sumikat si haring araw.

At ilang sandali pa ay sumikat na si haring araw ng bonggang bongga!

tapos nagkuhaan kami ulit ng piktyur!

hehe, Nung andun kami sa summit, naastigan ako sa isang manong na member ng isang mountain climber team, hinubad nya halos lahat ng suot nya maliban sa boxers at nagpakuha ng piktyur. Humanga ako kasi ako nga, alisin lang ung guwantes sa kamay ko parang magyeyelo na ung kamay ko tapos hindi ko na maigalaw. Naisip ko baka ibang klase ng alak ang tinira ni manong. Unfortunately, hindi ko siya nakuhaan ng piktyur kundi andito din siya sa blog ko, haha

Bigla akong may naalala tungkol sa trip naming ito. Kung nagbabalak din kayong sumabak sa ganitong trippings, siguraduhin nyong kumpleto rekados ang gamit nyo. Nung umakyat kasi kami sa summit ang bitbit lang namin ay ung mga sarili namin na balot ng jacket at iniwan na lahat sa tent ung gamit namin. Wala kaming dalang termos na pangkape paakyat eh sakto ung iba naming kasabay meron, eh ako pa naman ung tao na karaniwang nagkakape sa umaga. Aun, nanigas ako sa inggit sa kanila habang nagkakape. Anyhow, nag-enjoy pa din ako, kape na lang ang kulang sa magandang view sa summit. 😛

Matapos ang ilang oras naming paglagi, pagkukwentuhan at pagpapakuha ng larawan sa summit, naisipan na naming bumaba at nagpicture-picture. Nakita ko na ung parte kung san pwede akong gumulong pababa kung sakaling mali ung pag-apak ko sa trail, haha

Tapos pikyur ulit. (sinulit talaga namin!este sinulit ko pala, ang piktyur-taking! haha)

Tapos inayos at iniligpit ung tent sa campsite tapos bumaba na ulit. Tapos pikyur ulit.

Eto, totoo na talaga, bumaba na kami ng bundok at aun, napagod, hehe, pero all in all, satisfied ako. Tapos may certificate pa akong nakuha na may nakalagay na isa na akong honorary climber na nakalista sa Mount Pulag book of climbers, sowsyal. 😛 ung piktyur ng certificate? sa susunod na lang ulit, haha

ang nasabi ko na lang sa sarili ko nung makababa kami. “wow, buhay pa ako, akalain mong naakyat ko yun?” I survive!

****

dagdag impormasyon

  • Ang Mt. Pulag ay ikatlo sa pinakamatataas na bundok sa Pilipinas na nasasakop ang probinsya ng Benguet, Ifugao, at Nueva Vizcaya
  • May tatlong trail kayong pwedeng pagpiliian para makarating sa summit kung sa Benguet kayo: Ambangeg, Akiki, at Tawangan trails
  • Sinasabing ang buwan kung kelan the best umakyat ay ang buwan ng Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Nobyembre, at Disyembre.
  • Kung nais niyong umakyat at wala kayong kasama, maghanap kayo ng mountain climbers group o lakwatserong grupo na pwedeng sabitan. Sa kaso ko, ang grupong Itchy Feet Wanderings at Journey for a Cause ung sinamahan ko.
  • Kung madami pa kayong tanong na hindi matatagpuan dito, search google, hehe, (peace out)


 

Bahay ni Rizal


Ang ilalahad ko ngayong araw na ito ay ang pagbisita namin ng bunso kong kapatid sa bahay ng pambansang bayani nating is Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Naganap ang pagbisitang ito noong ika-28 ng Mayo pero ngayon lang sinipag ang inyong lingkod kaya ngayon niyo lang ito makikita. Nung una, alangan pa kaming pumasok kasi hindi namin alam kung may bayad pa o wala pero pumasok na din kami makaraang magtanong sa guwardiya at masiguradong walang bayad. Tara nang pumasok sa loob ng bahay ni Pepe!Pero bago mo masiyasat ang bahay ng mga Rizal, dapat lumagda ka muna sa listahan ng mga panauhin. Pagkatapos mong pumirma, pwede mo nang ikutin ang humble home ni Gat Rizal! Pagpasok pa lang makakakita ka na ng iba’t ibang kathang-larawan na nagsasalaysay kung paano lumaki at nabuhay si Pepe. May mga nakita din kaming guhit na likha nya. Naisipan na naming umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila Pepe. Pag-akyat namin, madami din kaming nakita (malamang lang, hehe) nakita namin ang hapag-kainan ng pamilyang Rizal. nakita rin namin ang kusina at mga imbakan ng pagkain!

at nakita rin namin ang isa sa kanilang mga silid. Kung susulitin mo ang kabuuan ng bahay pati kagamitan nila Pepe, masasabi mong ang kanilang mag-anak ay isang de buena familia. Hindi man sobrang mayaman subalit masasabing may kaya. Pagkatapos ng pag-iikot namin sa kanilang bahay, lumabas na kami sa may terasa at may nakita akong mukang pangkuha ng tubig sa balon at ito ay kinuhanan ko ng larawan.

Pagkatapos ay bumaba na kami sa may hagdan at nag-ikot sa kanilang bakuran at nakita namin ang estatwa ng maliit na si Pepe pati ang bahay-kubo na malimit nilang paglaruan nung sila’y bata pa.

Pagkatapos naming libutin ang bakuran nila Pepe, tiningnan naman namin ung mala-museong gusali/silid (basta un na un) na nasa loob din ng bakuran nila. Meron kaming nakitang pinaliit na beryson ng bahay nila.

May nakita din kaming mga mala-koleksyon ng mga produkto at likhang-guhit ng ating kapwa-Pilipino.

At syempre, nakita din namin ang mga iba’t ibang estatwa, larawan, at poster (anu bang tagalog ng poster?) ni Rizal kaya sinulit namin ang pagpapakuha ng larawan kasama ng mga yun!

Sa dami ng nabasa at nakita ko sa bahay ni Pepe para ko na din siyang nakilala ng personal. Pero syempre, nanatili pa din ang misteryo ng kanyang pagkatao dahil sabi nga sa Ingles “it takes a lifetime to know a person” at sa kaso ko, hindi ko na siya makikilala ng husto dahil matagal na siyang pumanaw.

hanggang sa muli!

****

dagdag impormasyon:

  • Ang Rizal Shrine ay matatagpuan sa Calamba, Laguna
  • Bukas ito ng Martes hanggang Linggo maliban sa Lunes mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon
  • Ang pagkuha ng larawan sa personal na gamit ay malugod na inaanyayahan
  • Para sa komersyal na layunin, makipag-ugnayan sa tauhan ng Dambana ni Rizal

Akyat sa Mt. Pulag (Part 2)


Oo. Masyadong late na ang part 2 ng Mt. Pulag trip ko.

Pero sabi nga nila, huli man daw at magaling, huli pa din, haha

kinuha ko ang isang paragraph mula sa huli kong blog entry para hindi masira ang koneksyon, (may ganun?)

Tinapos muna ng bawat isa ang mga ritwal (na naman) bago kami nagsimulang magtrek. Bago magkalimutan, kumuha ang grupo namin ng 2 porter tagabuhat ng tent at mga camping utensils. Si Heidi kumuha ng sariling porter kasi galing pa ng night shift at pagod talaga.

Nung ayos na ang mga buto-buto nagsimula na kaming maglakad papuntang trail. Tapos…

Ay teka, nagpapicture muna pala ulit kami bago kami nagsimulang maglakad, hehe.

FYI: ung easiest trail ang tinahak namin paakyat ng Mt.Pulag, ang Ambangeg-route.

At nagsimula na ang madugong lakaran. Pero syempre sa una hindi pa namin ramdam kasi fresh from pahinga at kain kaming lahat.

Pero halimaw ung unang ilang minuto ng pagkahapo (naks, ang lalim) ko. Ung tipong sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko nung mga panahong un, pakiramdam ko asa lalamunan ko na ung puso ko at anytime, iluluwa ko na sya sa sobrang pagod. Sabi ni AI, nag-aadjust pa lang daw kasi ung katawan ko kasi hindi naman sanay sa strenous activities.

Kasabay nang lakad ay ang pag-iinterview namin kay ateng porter. Nalaman namin na 2 ang camp site sa Ambangeg route. Dun kami sa may camp site na mas malapit sa pag-akyat sa summit. Kung hindi ako nagkakamali, mga 2.5 hours ata naming nilakad ung pacamp1. Grabe ung saya ko nung maabot namin ung camp 1, parang gusto ko nga dun na lang ako eh, haha

Nung makarating kami sa camp 1, naupo muna kami at nagpahinga ng bongga, buti na lang may parang kubo dun na may upuan at mesa. Nagrecharge muna kaming lahat, kwentuhan at picture taking.

matapos ang ilang minuto ng pahinga, rumampa na kami ulit sa dako pa roon..

Nung paakyat na kami sa camp 2, pakiramdam ko asa ibang dimensyon na ako (dimensyon talaga?haha) Parang papunta ako sa isang fantasy land kung saan may makikita akong mga duwende, diwata at kung anu pang lamang-lupa or maligno. Masyado na kasing mahamog paakyat tapos ung mga puno at halaman parang sa pelikula ung dating. Fortunately, nakarating na kami sa camp site 2, wala naman akong nakitang maligno, hehe

At nakarating din kami, grabeng pagod pero fulfilling dun pa lang, kasi sa panahon na umaakyat kami, halimaw na ung pagod ko. Ngani-ngani kong batukan ung sarili ko dahil pinapagod ko nga ng bongga ang katawan ko. Ung unang lagok ko ng tubig nung nakapahinga kami pagdating ay masasabi kong heaven, haha. Pakonti-konti lang kasi ung inom ko ng tubig nung paakyat kasi pakiramdam ko lalo akong napapagod.

Naupo muna kami saglit sa damuhan at nagpahinga, ilang sandali, inihanda na namin ung mga tent na tutulugan namin.

Perstaym kong magcamping at tumulong sa pag-seset up ng tent. Nung elementary kasi tsaka highschool hindi ako pinapayagan sa mga jamboree. Kaya kahit nagalusan ung kamay at daliri ko sa akyat naming ito, naging masaya ako. 😀

Mga 5pm ata or mag 6pm nagsilatag na kami, pero kumain muna kami bago un,pero sa sobrang lamig, 9pm pa lang gising na kami, sa totoo lang, wala ata kahit sino samin ang may matinong tulog, pabiling-biling at pagising-gising kami, yun ang pinakamahabang gabi ng buhay ko. Nagkuwentuhan na kami ng nakakatakot at kung ano-ano pa. Parang may nagparamdam pa nga samin eh.

Pinilit na lang naming matulog kahit sobrang hirap. Partida, uminom pa kami ng the bar pero wa epek, nanunuod talaga ung lamig, tagos sa buto. At sa wakas, dumating na ang umaga..

next post ulit (haha, abangan, baka sa sunod na buwan na yun)

Akyat sa Mt. Pulag


Wala talaga sa plano ko ang sumamang umakyat ng Mt.Pulag sa Journey for a Cause matapos ang nakakapagod na pagakyat namin sa Mt. Pinatubo nung nakaraang Enero.

Sabi ko sa sarili ko, hindi muna ako tatapak ng kahit anung bundok dahil sa sobrang sakit ng katawan na inabot ko.

Pero dahil malungkot ako nung mga nakaraang linggo bago ung petsa (ika-24-46 ng Pebrero) na itinakda ng pag-akyat sa Mt. Pulag, napagtripan kong sumama. Naisip ko, a breath of fresh air is all I need for this sadness to pass. (nakanaks, hehe). In addition to that, may basbas ng aking inang mother at fairy god mother auntie. >:)

Ang mga bida sa pag-akyat sa Mt. Pulag ay ang mga sumusunod:

  • JC from Itchy Feet Wanderings group
  • AI from Journey for a cause/WHO
  • Kuya Jimmy, Kuya Jepa, Ate Jing at Heidi from kapit-bahay na department
  • Ate Cha at Ate Jelyn from isa pang kapit-bahay na department
  • at AuBu (ako na saling pusa, wahaha)

Kasabay kong pumunta ng Victory Liner sila ate Cha, ate Jelyn, ate Jing at kuya Jimmy. Literal na hinahabol na namin ung bus pagdating ng terminal sa cubao dahil paalis na ito. Nagtaxi kasi kami mula RCBC eh mga 9:40 ata kami nakasakay tapos ung alis nung bus 10:10 tapos sakto natapat na isasara na nung mga time na un ung ayala para sa EDSA celebration. Buti na lang si manong taxi driver, maparaan, pwedeng pangdrag race at sa tulong nya nakahabol kami sa bus kundi nalate talaga kami (parang may kahawig na eksena ito, haha)

Pagsakay ng bus, nagkwentuhan lang kami ng konti at nagsitulugan na. Sa mga stop-overs, gigising saglit para mag-CR or bumili ng pagkaing mangunguya,

Mabilis lang ung byahe namin, siguro mga 3:30 asa Baguio na kami. Halimaw ung lamig na sumalubong samin dun kaya kumpol-kumpol muna kagad kami habang nag-aantay sa sundo.

Nung dumating ung sundo namin, dumirecho kami sa Good Taste restaurant para mag-agahan at bumili na din ng tanghaliang babaunin pa Ranger Station ng Mt. Pulag.

Umorder kami ng madaming pagkain. 2 bandehadong kanin (as in madaming kanin), beef broccoli, buttered garlic chicken or garlic buttered (basta chicken na may butter at garlic), chopsuey at sweet and sour pork.

Madami ung servings sa resto na un at ang totoo nyan, sa sobrang dami, gusto ko pang kumuha ng madami pero dahil inaalala ko ang aking tyan, nagkasya na ako dito.

At dagdag na kanin at onting ulam after ng serving na ito, haha

Pagkatapos naming mag-agahan, sinabihan na kaming magbawas ng kung anumang babawasin namin. Madaming successful pero ako, walang nabawas, Isip-isip ko bahala na si batman, sabi nga nung sa lumang commercial ng joy (sa bukid walang papel, ikiskis mo sa pilapil). Ang kaso lang hindi bukid ung pupuntahan namin kundi bundok. >:)

Nung matapos na ang aming mga ritwal, sumakay na kami kay Lost in Love. Teka, bago mahuli ang lahat, ipinapakilala ko si Lost in Love. Charan!

Hindi na ako aware sa time nung sumakay kami kay Lost in Love, basta alam ko umaga na nun, este maliwanag na nung papunta na kaming Benguet. Hindi ko din pansin kung gaano katagal ung byahe, nabusy ako sa mga nakikita ko sa daan, feeling ko nasa ituktok ako ng mundo ung kalsadang dinadaanan ni Lost in Love. At sa sobrang busy ko ndi na din ako nakakuha ng mga pictures sa daan.

Ang alam ko talaga derecho kami sa ranger station. Yun pala dun muna sa Protected Area Office ng Mt.Pulag  kasi magoorientation pa kami for the do’s and don’t sa pag-akyat ng Mt. Pulag tsaka magreregister ng trek group. Ung nag-orient samin si Ma’am Emerita (nakalimutan ko na ung apelyido kasi 2 ung apelyidong binanggit nya, ung sa pagkadalaga at ung may asawa. Natandaan ko sa kanya naasar siya dun sa apelyido ng asawa nya. Aun. Ang natatandaan ko sa orientation, bawal hawakan ang mga vegetation. Bawal ang maghagis ng kung anu-anong buto ng kung anung halaman dun kasi masisira ung homeostasis ng lugar. May term na ginamit si Ma’am Emerita eh, genetic erosion ata, basta parang ganun. Bawal din daw ung sumigaw kasi makakaistorbo kami sa mga spirit/anito ng Mt.Pulag. Bawal gumawa ng kahalayan. Sabi Ma’am Emerita, kung magjowa daw sa loob ng tent gumawa ng milagro dahil di pwede sa labas. hehe, tamang adik lang.

Nung matapos ung orientation, sumakay na ulit kami kay Lost in Love tapos naglakbay paRanger Station. Buong akala namin malapit na malayo pa pala. Mga hapit lang. Halimaw ung daan papuntang Ranger Station. Rough Road kung rough road. Ung tipong pati kaluluwa mo maaalog ng bongga. Ilan samin ung nahulog sa upuan kahit nakakapit na sa rail ng jeep. Mas extreme ang rough road na ito kumpara sa dinaanan ng 4×4 sa Mt. Pinatubo. Hindi pa man, masakit na ung mga katawan namin.

Nung dumating kami, kumain kami ng binili naming tanghalian sa Good Taste at nagcr at nagprepare na din for the trek.

Tinapos muna ng bawat isa ang mga ritwal (na naman) bago kami nagsimulang magtrek. Bago magkalimutan, kumuha ang grupo namin ng 2 porter tagabuhat ng tent at mga camping utensils. Si Heidi kumuha ng sariling porter kasi galing pa ng night shift at pagod talaga.

Nung ayos na ang mga buto-buto nagsimula na kaming maglakad papuntang trail. Tapos…

Itutuloy…

Abangan sa susunod kong blog entry ang literal na breath taking trekking, zero degrees temperature overnight at first summit experience namin! Hanggang sa muli! 😉

akyat for a cause


literal kong hinihila ang katawan ko pauwi kagabi

sobrang sakit ng buong katawan ko mula balikat hanggang paa

at ito ang dahilan

tatlo hanggang apat na oras ang ginugol ng grupo namin makita lang ang napakagandang crater lake ng Mt. Pinatubo

sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko ikkwento ng maayos ung adventure ko/namin kahapon papuntang Pinatubo

matagal nang plano ang pagpunta dun, baguhan pa lang ako sa opis, niyayaya na kami nila kuya bert

at sa wakas, eto na nga, natuloy din,

ang mga kasama ko pag-akyat ay ilang kadepartment (kuya bert, ate utchie at QAI) kaopis meyt (kuya erick, kuya jimmy, kuya bryan, ate mase at clarisse), kabatch nung highschool (romar), at ilang kakilala ng ibang kaopismeyt din.

nagkita-kita muna kami sa ortigas, nagsidetrip sa banchetto at dumirecho ng El Pueblo Mcdo dahil ung ang meeting place

umalis kami ng mcdo ng mga 3:30 am at lumarga paCapaz.

dahil kulang ako sa tulog, plakda ako sa buong panahon halos ng biyahe

nagising ako mejo maliwanag na ang daan, ang pagkakatanda ko, naligaw pa kami ng onti pero dedma lang kami

mga 6 something na ata kami nakarating ng Capaz, Tarlac.

Pagdating dun, CR tapos aus ng onti, registration at briefing muna

tapos binigyan kami ng water at gatorade at presto! good to go na

sumakay na kami ng (4x perstaym ko un!) at sa front seat ako umupo

mamaw, rough road kung rough road, buti na lang batak ako sa mahabang byahe kaya keri pa din kaso masakit tlaga sa pwet ang malubak na daan

mga lagpas isang oras ata ung byahe ng 4X4, dapat mas mahaba pa dun ung bbyahihin ng 4×4 kaso sira ung skyway na usual nilang dinadaanan

so dun kami dinala sa ruta ng long cut na siyang ikinagulat naming lahat

(kasi ang alam talaga namin mga 45minutes lang ang trekking)

pagkababa ng 4×4, picture taking ng konti at nagsimula na kaming maglakad

mga unang oras ng akyat, upbeat pa kaming lahat, go na go

mega kwentuhan, kulitan at asaran,

pagkalipas ng isang oras at mga ilang minuto,

nagsimula na kami sa mga linyang “kuya malayo pa?”

ung iba naman “are we there yet?”, may isa pa na, “ilang minuto na lang”?

sasabihin naman ng manong, mga 45 minutes pa (basta ang tanda kong sagot nila ganito eh, nagbago lang nung medyo malapit na kami)

lakad pa ulit, akyat sa mga bato, tawid sa matubig na daan,

pahinga ng ilang minuto at piktyur-piktyuran

at balik lakad at akyat

may natanaw na kaming paakyat na trail at kung titignan mu parang pauka na palalim ung ichura sa malayo

biglang excited na ulit lahat dahil akala namin, ito na, ito na ung crater,

pag-akyat namin at pagkarating namin dun, hanep, mas malawak na trail pa ulit

at sa malayo may 2 maliit na bundo na matatanaw,

may nagtanong na isa sa manong guide, “kuya banda dun na sa dalawang bundok na un noh?”

sabi ng manong, “ah, nakikita nyo ung 2 bundok na yan, sa kabila pa nung pangalawang bundok ung crater”

windang kami, naisip ko, pwedeng bumalik at umuwi? (wahaha, kapag kulang sa tulog at haggard, nega talaga siguro lagi ung naiisip)

may natanaw kaming helicopter, kaway kami ng kaway, kunwari humihingi ng tulong, dedma lng naman ung helicopter, haha

lakad pa ulit, akyat, pahinga, lakad, piktyur, lakad, pahinga

(isshortcut ko na kasi pagod na ako, haha)

pagdating namin, may nakita kaming shed at may sign na kahoy

umupo muna kami saglit sa sementadong shed, tapos lapit sa may sign

anak ng tokwa, ang nakalagay “Your trek starts here”

tapos may nakalagay na minutes na nakatapat sa age bracket

15 minutes – young age, 18 minutes -middle age, 20 minutes (senior citizen) – e2 ay ung pagkakatanda ko ah

lahat kami parang lalong nawindang

anung tawag sa mahigit 2 oras na lakad-akyat na ginawa namin? hindi pa ba trek un?

pero syempre wala namang magagawa, we’re here for the crater and the adventure and the challenge pero higit sa lahat ay makakuha ng picture pamprofile pic sa facebook (wahaha, adik lang)

nagpapicture ako sa sign na un, isip-isip ko sa 15 minutes lang ako, dahil young age pa ako

inorasan namin ung trekking namin papunta na nga sa crater lake

ang kaso, wala pa ata kami sa kalahati ng isaw na trail pacrater lake, ubos na ung 15 minutes

sabi nung iba baka daw naligaw kami at kailangan na naming baliktarin ung mga damit namin

pero sa awa ng Diyos, may nakita ulit kaming sign board na nagsasabing “take nothing but pictures and leave nothing but memories” – ibig sabihin hindi kami naliligaw

lakad pa ulit, talon kapag medyo malaki ung gap ng bato sa isa pang bato

akyat, lakad, talon pag ayaw lumusong sa tubig

at sa wakas, may nakita na naman kaming trail na paakyat,

pag-akyat namin, wow, totoo na ito,

pag-akyat namin sa pataas na hagdan, as in, parang nawala ung pagod namin kasi eto na,

with our very own eyes, kita na talaga namin ung kabuuan ng crater lake,

ang kaso, may pababa pa ulit na hagdan para makapunta ulit sa lake pero nonetheless mas malapit nang di hamak ung lalakarin kesa sa nauna naming lakad

pagbaba, may shed ulit na malapit mismo ng shore ng lake, umupo kami at nagpahinga ng konti

binigyan kami ng yum burger at mga kutkutin ng organizer,

pakiramdam naming lahat, ung yum burger na kinain namin dun ang pinakamasarap na burger sa buong mundo na natikman namin, at ung tubig at gatorade na bigay samin ay ang most refreshing drink na nainom namin sa tanang buhay namin.

nuon ko lang din naramdaman na napakasarap pala maliliman ng shed at makaupo ng direcho sa sementadong sahig

ilang minutong pahinga at tinawag na ulit kami nung isa sa organizer, nagtatanung kung sino ung unang gustong sumabak sa

kayaking, syempre, dahil hapit kami, nagvolunteer kagad kami,

ako, si te utchie, si kuya bert, si kuya erick, si romar, at 2 pa na nakalimutan ko ung pangalan, haha, sori naman,

ung kayak nila ay gawa sa kahoy na may nakakabit nang pangsagwan at si kuya manong lang na taga dun ung nagsasagwan

sabi ni kuya manong, nasa 350 feet ung isang part nang lake pero ung ibang part undetermined pa din ung lalim

nagtanong kami kung may isda dun, sabi ni manong, wala daw, kasi patay ung isda pag napunta dun

nagtanong kung may nalunod na, kasi sa grupo namin na nagmaunang sumakay sa kayak, 1 lang ata marunong lumangoy, haha

pagdating dun sa kabilang side ng pinatubo, may nakita kaming nagsswimming na,

epal na buhay yan, hindi man lang kami nasabihan na pwede nang magmiming dun sa kabila eh ung mga damitan namin ay nasa kabilang ibayo pa, so nakuha na lang kami sa pagtampi-tampisaw

nakakatuwa ung kabilang side kasi ung tubig na malapit sa buhangin, uber init, pwede ka nang maglaga ng itlog

kita mo ung pag-usok ng buhangin at pagkulo ng tubig

pagdun ka umupo para kang nagsasauna pero pag lumayo ka na ng ilang lakad, malamig na ung tubig

piktyur taking, kwentuhan at kulitan with manong duon

tapos dumating ung 2 pang kayak na kagrupo din namin, tapos piktyur taking ulit

sila kuya manong batak sa pagkuha ng piktyur, may jumpshot kaming astig sa is-el-ar ni QAI at ate utchie

sakto lahat nakatalon at maayos ang kuha nila manong

(sa sunod ko na ipost ung magandang kuha kasi wala pa akong kopya galing mga kasama kong may is-el-ar,)

may piktyur din kami kasama nung tarpaulin na Akyat for a Cause

para mabigyan ko kayo ng background, ang Akyat for a Cause ay pinauso ni QAI namin, part ng bayad namin sa akyat for a cause na ito ay mapupunta sa funds ng Journey for a Cause, non-gov group (si QAI din ang nagsimula) na naglalayong magbigay tulong sa ilang nangangailangan kasabay nang paggala, (aus diba?)

pagkatapos tumambay nang ilang minuto sa kabilang dako ng Mt.Pinatubo

bumalik na kami sa kabila pa ulit, pikyur-piktyur

kwentuhan, tambay mode, kain ng chichirya, piktyur ulit

after nung onting pahinga, tinahak na namin ang daan pauwi

pero syempre pareho pa ding ruta

ang pinakamotivator namin ay ang lunch at shower

ung sobra 3 oras na pag-akyat namin, mga sobra 2 oras na lang ata

andami naming nakasabay pababa, mga korean na babae na parang malling ang ipinunta sa pinatubo kasi parang saglit lang sila dun tapos baba kagad, nagovertake pa samin, parang batak na batak sa trekking

may mga kano at negro din kaming nakasalubong na navideohan pa ata kami,

mas mabilis ung pagbaba namin, epektib tlagang motivator ang pagkain, haha

aun nga lang, inabot kami ng ulan pababa, pero mabuti na lang at malapit na kami sa 4×4 nun

pagsakay sa 4×4 para kaming lantang gulay,

nakatulog pa ako sa 4×4 habang nakakapit ng mahigpit ang kaliwang kamay sa rail

buti na lng ginising ako ni te utchie, kabilin-bilinan pa naman samin bago ung trek ay wag matulog sa 4×4

dahil malaki ang chance na mahulog dahil wala namang seatbealt at rough road ang daan

after what seemed like an eternity, nakabalik kami sa Pinatubo spa town, ang aming point of origin

pagdating, sinalubong kami nung Mt.Pinatubo tour manager ata un

tapos iniabot samin ang aming diploma este certificate,

astig, para kong grumadweyt, super proud ako sa sarili ko

ung piktyur? sa susunod na kasi ndi ko pa nakuha kay te utchie (wanted ka na sa blog ko, haha)

pagkatapos nun ay dumirecho na kami sa shower room, maganda ung shower room pati service

may towel at soap na ibinigay samin,

pagkatapos makaligo at makapagbihis

derecho restaurant dun at umupo na sa hapag

pagkalapag na pagkalapag ng soup, binanatan na namin

sabi nung isa naming kasama, ung crab and corn soup na hinain samin ay ang pinakamasarap na soup na natikman nya

ung mga pagkain pang hinanda samin ay parang chicken inasal, chopsuey, pansit, kangkong, dalandan at kanin syempre

taob ang dalawang serving ng kanin sa grupo namin nila kuya bert

humingi pa kami sa kabilang table, nag-order pa kasi ng additional rice kaso iluluto pa lang kaya hindi na naantay

pagtapos, lumapit si QAI at nagtanong kung napiktyuran daw ung pagkain namin

natawa kami kasi wala atang nakaisip gumawa nun dahil sa gutom at pagod

pagkatapos, dumaan kmi sa souvenir shop dun

ang kaso, wala namang masyadong mabibili, ung shirt parang so so lang ung print

ung mga bags parang makikita mo din sa divi at quiapo

so isang pirasong keychain lang ung nabili ko para man lang souvenir kahit hindi siya masyadong maganda (mamintas daw ba, haha)

pero kung ako ay taga dun, siguro ung mga bato na pakalat-kalat dun sa trail, papakinisin ko or kundi mapakinis, lalagyan ko na design para magsilbing souvenir, parang sa may biak na bato nung nagpunta kami, ganun kasi ung mga souvenir items nila

after magpunta sa souvenir shop, nagprepare na kami umuwi

sabi nga nila bawat lakad, hindi nawawala ung downside, ung isang kasamahan namin ay nawalan ng wallet, hindi nya matandaan kung san nahulog kasi nasa back pocket ata ng pants nya un pauwi hindi na nya namalayan na nawala dahil sa pagod

buti na lang kulang 1 libo lang ung laman ng wallet nya, andun nga lang lahat ng ID’s nya at atm

inisip na lang nya, extra payment ung 1k, hehe

at ayun, sumakay na kami ng van, pagkasakay, excited lahat tumingin ng pictures, swap swap ng kamera ni ganto at ni ganto

makalipas ang ilang minuto, wala nang nagsasalita kasi tulog na kami lahat, hahaha, plakda tlaga, sandal kay ganito kay ganyan, kanya kanyang position of comfort, keber keber na sa pwesto at kaldag ng sasakyan.

bumaba ako sa may quezon ave mrt station at nagmrt paayala at sumakayt ng bus pauwi,

pagdating ng bahay, bihis at higa sa kama, hindi ko akalain na ganito kasarap humiga sa kama ko, haha

kung tatanungin ko ako kung uulit pa ako, ang sagot ko? OO naman! pero kailangan ko munang makarecover sa sakit ng katawan

at pramis magwawarm up muna ako ng isang linggo bago ako ulit sumabak sa mga trek na ganito,

at bago matapos ang pagkkwento ko, gusto ko palang magpasalamat sa mga sponsor ng adventure kong ito,

sa jansport, sa islander, viva mineral water at gatorade, sori kung wala kayong eksena sa piktyur, sa susunod na, wahaha

 

 

 

 

 

 

 

hindi ko alam kung anung magandang title..


dumaan ang taong 2010 nang hindi ko man lang namalayan

pakiramdam ko, isang tulog ko lang ung nagawa ko, 2011 na agad

hindi ko pa pla nakwento kung paano ko sinelebreyt ang new year ko sa tacloban (nagbakasyon kasi ako dun ng apat na araw)

pero isa lang ang masasabi ko, ito ang new year’s eve na hindi ko makakalimutan

paano ba naman, sinelebreyt ko ang new year sa higaan

oo, as in nagseselebreyt sila mama at mga kapatid ko at ako bonggang bonggang tulog

sabi nga ng bunso kong utol, dumayo lang ako ng tulog

nag new year ako sa panaginip

***

sa apat na araw na itinagal ko dun, walang tigil ang ulan

kaya hindi ako masyadong nakagala

ang napuntahan ko lang dun ay puro malls (robinson at gaisano), musta naman un haha

onti lang din ang piktyur ko dun,

pero masaya pa din dahil nakasama ko ang aking pamilya

***

sa apat na araw ko dun ay naramdaman ko na nagmature na ako kahit papaano

naging  instant sta.claus din ako (kahit wala sakin nun)

sinagot ko ang handa sa new year namin

binigyan si mama ng bagong washing machine, binilhan ng celeponong may camera ang bunso kong utol na si JL

sapatos kay Jyrus, damit kay kuya at ariana, polo kay hitler, bracelets kina auntie at toys sa mga bata kong pinsan,

***

sa 3 sa 4 na araw kong andun, instant nanay ako ng bunso kong utol at nakababata kong pinsan

taga-gising sa umaga, tagapagluto ng agahan at taga-plantsa na uniform nila sa iskul

(parang hindi bakasyon ang ipinunta ko dun, ayaw na nga nila ako paalisin eh, haha)

***

sa araw na itinagal ko dun, gumaan ang pakiramdam ko pero bumigat ang balikat

mas tumatak sa utak ko na isa na akong slight breadwinner (kahit idinedeny ko pa din hanggang ngayon pero sabi ni ate ching, aun daw ako pati siya pero hindi lang namin masyado nararamdaman kasi hindi naman demanding ang mama namin pareho)

mas nagkaron tuloy ako ng drive na mag-abroad at magpayaman, (haha)

harinawa’y mas lalo pang bumait sakin ang tadhana sa taong 2011, ajah aubu!

Zambales Season 2: Ang Pagbabalik


Natatandaan ko pa nung una kaming pumunta ng San Antonio, Pundaquit, Zambales ng mga kabatchmates ko right after graduation.

Doon sa isang resort na wala pang pangalan at walang kahit ano maliban sa dalampasigan, tubig-dagat, mga puno at isang medyo malaking bahay-kubo.

Sandali naming iniwan ang magulong buhay sa lungsod. 3 gabi at dalawang araw naming ninamnam ang kapayapaan.

Isa yun sa mga alaalang hindi naming malilimutan. (Alam niyo kasi, ung batch naming ung medyo black sheep, often misunderstood at may attitude daw, mangilan-ngilan lang ang mga sipsip sa mga prof, at dahil grupo-grupo, sinasabi nila na divided batch kami, walang pagkakaisa)

Pero nung nagpunta kami sa Zambales at doon ay nagkasiyahan at nagkwentuhan, pinatunayan naming mali sila.

Kaya nung nagkaroon ng panahon, naisip naming bumalik dun. Yun nga lang, dahil magkakaiba na kami ng buhay sa ngayon, kulang-kulang kami. As in literal na kulang-kulang. Mula sa mahigit 20 kataong sumama sa Zambales getaway namin taong 2008, nauwi sa 7 katao na lang. Pero syempre, likas samin ang pagiging masiyahin kaya hindi ito hadlang sa aming kasiyahan.

Kaya heto ang mga larawan ng aming Zambales trip Season 2: Ang Pagbabalik. Inihahandog ng inyong lingkod, the odd one out.

Habang asa bus kami ni Jeremy, wala kaming ginawa kundi kumuha ng larawan sa labas ng bintana, eh sumakto na may magsyota (ata) na parang seryosong nag-uusap kaya eto, hehe..

lovebirds


Nagstop-over ang bus at dahil gutom kami, lumamon muna kami pansamantala, nabadtrip pa kami dahil habang ninanamnam namin ung pagkain namin, biglang bumusina ung bus na sinasakyan namin at sabi aalis na daw.

Double Happiness daw


nakarating din kami, pero dahil nagpunta pa sila virax sa subic (nagtreetop adventure sila), inantay muna namin sa sa waiting shed dun, kaya piktyur-piktyur ulit kami.

si ako at si jemery >:)


si Jeremy (kunwari di alam) hehe


ako >:)


monumento ng isang heneral (sori nakalimutan ko kung sino)


(ayaw naman namin ng sepia nyan, haha)
nung dumating sila virax, dumirecho kami kina chum tapos sumakay ng tricycle papunta sa resort!wuhoo…Nung makarating kami, eto ang tumambad samin..

charan! may pangalan na ung resort!


tapos ung dating malawak lang na kapatagan (lalim) meron nang mga kubo na cottage!basta un!

oha, oha, asensado na talaga


Pagdating namin, manghang-mangha talaga kami kasi dami nagbago. Napagpasyahan nila virax mamalengke muna para sa dinner namin. Kami naman nila Jabeng, nagpunta sa dalampasigan para magliw-aliw. Tapos nung dumating sila, nagluto si Jem ng adobo, nagsinangag si jabeng, nagbalat ako ng manga, nagprito ng hotdog si vrax, nagsaing si chum, (ndi ko na matandaan ginawa nila maui at dio)

si jabeng at ang adobo at si jeremy


si maui, si dio at si jabeng


Pagkatapos namin kumain, naghugas ako ng plato, tapos nagkwentuhan kami sa isa sa mga kubo habang kumakain ng chichirya with matching psych tests (courtesy of Jeremy)Nung matapos ang napakahabang psych test (saka ko na ikkwento, ang haba eh), nagstar-gazing kami.

higa-higa muna sa buhangin >)


aun!


After ng star-gazing, nakatulog na ako, ginising na lang nila ako para pumasok sa kwarto namin. Tapos nung kinaumagahan, nagready na kami for island hopping!

jem, maui, jabeng at aubu


Island Hopping na!


tapos sumakay na kami ng bangka..

piktyur piktyur ulit!


pers stap, anawangin cove, ito din ung pinuntahan namin dati, merong lugar d2 na mala-twilight ung dating kasi daming malalaking puno. At syempre, palalagpasin ba namin ang pagkakataong magpiktyur-piktyur ulit.

snap shot (haha)


aun ung mga puno na parang sa twilight!


pagkatapos sa anawangin cove, nagpunta naman kami sa talisayin

mga amazona >:)


>:)


kami ulit


nagtrek din kami, uber kapagod pero worth it..

mga hiker >:)


I'm the queen of the mountain!


kaming lahat sa view deck (overlooking sa dagat)


at sa hinaba-haba ng aming adventure, syempre, uuwi din kami,

pauwi na...


napagod kami ng bonggang bongga, medyo nabadtrip nung umpisa dahil andaming nang-indyan saming mga kaklase at tropa, pero sabi nga nila, nasa sa amin na un kung papaapekto kami at pinili naming maging masaya, hahaha, sana sa susunod mas madami pa kami, at sigurado pag bumalik kami ulit dun, mas maganda pa ang villa janella >:)wuhooo

signature2