shaking off the drama


Nag-iisip ako ng positibong bagay sa buhay ko bago matulog para iwas nega vibes. Tapos naalala ko yung roll-over practice namin ng babylabs Sophia ko.

IMG_20160523_101237

Ayun, nakangiti akong matutulog.😊

 

the proposal


16/8/13Β  11 o’clock pm

– tonight is one of the best nights of my life. bakit? kasi this is the night the love of my life (ayiie) proposed to me. What was supposedly a birthday party at the hotel turns out to be a proposal at a cafe by the beach.

I was like super haggard because I just got off from work when my KB dabarkads/future sister-in-law (ahem) texted me that we’ll go to a birthday party. Her exact message were “Aubu, Maida to. Alis tayo, punta taung birthday party sa hotel. Suot ka ng medyo formal ha. Derecho ka sa bahay. Hintayin kita. Nauna na sila doon eh. Sowsyal, maexperience ntn”. I actually wasn’t in the mood to attend a party but knowing that maida would leave the desert soon, I decided to go and prepare as soon as I reach our flat. As ate Tzie says before, we should spend more time together and bond as much as we can while we still can.

While on my way to their house, Maida called and told me to head straight to RAK wedding hall because she went there already. I arrived at the back of the wedding hall a few minutes to 11 o’clock. I saw so much localsΒ  wearing conduras but no sign of Maida. I called her to ask if I’m in the right place then she told me that the place is actually opposite of the wedding hall which is the Costa Cafe. I checked out the place from afar since I can’t cross the streets yet and started wondering how come there were no signs of any happenings there. When I reach the place, I then saw kuya Benjie, ate Tzie and Dart in their usual comfy outfit. I was like, wow mali ba ito? bat ako lang nakadress? but nonetheless, I kept my composure, approached them and asked where is Maida and Ake (silently hoping that Maida would show up any minute wearing the same get up as mine) I remember kuya Benjie commenting “mainit ba?buti hindi ka pinagswimsuit ni Maida?” before telling me where they were to which I replied with a poker face because I don’t know what is going on. I started walking towards Maida and Ake, pointed specifically to what Maida was wearing (and guess what, she’s sporting her infamous style, shirts and jeans then slippers much to my dismay) I noticed that she’s taking a video of me as I walk towards them.Β  I turned my attention to Ake and there he was;silently sitting on the bench holding a long stemmed-rose which he gave me as soon as I stand next to him and gave me 3 yellow print paper. 3 words were there. One is “Will you marry me?”, next was “of course” and last was “yes”. I was so dumbfounded that I jokingly asked “ba’t walang no?” to which he replied “ayaw mo ata eh” but then I snatched the paper that says “of course”. He knelt down on one knee and offered me the box containing a golden ring, I felt a surge of butterflies in my stomach and the first words that I blurted was “anung gagawin ko?” I remember laughing like crazy because I don’t exactly know how to react. I mean, it’s not everyday that you get to have a marriage proposal isn’t it?and from a guy you love? aughhhh. I still can’t get over it. I’m officially engaged dude. I badly wanted to scream but they might think I’ve lost my sanity. Imagine me suppressing my kilig and smiling from ear to ear as I’m typing this entry on my phone. Waahh!kilig to the bones. Para kong gago. Always the late reaction.

After my labiduds’ proposal, Maida took some photos. While walking back to the cafe, she asked if I already had an idea about tonight to which I honestly answered that I have no idea at all. She has her doubts though. (ewan ko ba kung bakit feeling nya may alam ako eh wala naman talaga, pramis, mamatay man ako) Had I known about the proposal, I would have definitely put an effort to look pretty. Put a little make-up at least. But nil, I had none so I entered the battle with an oily face! (Heck, you could even fry an egg using that much oil in my face) I didn’t even combed my hair! darn it. aughh. but not that it matters. my labiduds doesn’t seem to mind. Amidst the disheveled hair, oily face, maton-like lakad, in the end, I’m still the one wearing the engagement ring. I’m so happy I could die anytime. (seriously, is this really me talking?)

Anyways, I saw that Maida already uploaded the video of the proposal in kuya Benj’s DartBench Photography page.

I have played the video a countless times today just to check if this were all a dream but it’s not. I’m wearing the ring as a hard core evidence!(insert uber smiling face here). This is by far, the most wonderful advance birthday present ever. Thank you God for giving me a wonderful guy for a fiancee. Thank you kuya Benjie. Thank you ate Tzie. Thank you Dart. Thank you Maida. Thank you bhe. I couldn’t thank you all enough. I just feel very blessed and loved.

ciao.

that one time…


11/01/13

that one time when the cinema was all ours to enjoy.

My photos1

there was a funny incident though. when the movie started, we were all so excited to know what Jack Reacher was all about when a big boat comes into the scene, one character starts singing then Hugh Jackman and Russel Crowe appeared and started singing as well. Maida asked “diba action ung papanuorin natin?”. We both checked out cinema tickets and it clearly say “Jack Reacher”. We laugh out heart out when we realized that the movie that was currently playing was Les Miserables. One of us mentioned (not sure who) “kanina ko pa inaantay, baka sakaling lumabas si Tom Cruise eh”. Turns out one of the staff switch the movies that was supposed to be played in another cinema. A Pinoy cinema staff came and apologized for what happened. πŸ˜€

huling rampa


daig ko pa ang end credits ng pelikula sa huli kong blog post para sa aking second to the last day. kaya siguro naubusan ako ng sasabihin para sa huling araw ng aking rampa sa trabaho.

paano ko nga ba aalalahanin ang huling araw ko sa trabaho? alam kong masyadong palasak na ang salitang “memorable” pero ang masasabi ko lang ay “my last day at work was indeed memorable!” πŸ˜›

kumain kami sa paborito naming jollyjeep kina aling cora nung umaga. Β kung gusto nyong kumain ng masarap na agahan at tanghalian na budget-friendly, aling cora is the place to go. FYI, ang best seller nila aling cora ay ang porkchop. madali lang siyang mahanap, malapit siya sa may may makati firestation. isa ito sa tunay na mamimiss ko; ang kumain doon kasama sila ate jaja, ate utchie, kuya berto atbp.

Pagkatapos naming kumain ay dumirecho kami kay manong na nagtitinda ng peyborit naming BJ. Madali lang ding mahanap si manong kasi dun siya lagi nagkukuta sa may tapat mismo ng makati firestation.

Pagkatapos naming kumain ng agahan, umakyat na kami sa opis para magtrabaho. Wala namang masyadong pagbabago sa usual naming ginagawa. Chats, emails and the likes. Medyo madami-dami akong escalations ngayon, siguro kahit ung mga customer nararamdamang gogora na ako kaya pati sila sumasabay. haha

Dumating at tanghalian at dun ulit kami kumain kina aling cora. (hindi naman halatang peyborit namin siya talaga, haha)

Pagkatapos ay umakyat na kami ulit at balik trabaho. (how exciting, haha) Wala na akong masyadong ginagawa sa station at nagbabasa lang ako ng kung anu-anong stories sa wattpad nung biglang nagsend ng IM si QAI sakin at sabi icheck ko daw ang jabber namin at ito ang nakita ko

aughhh, natouch talaga akong tunay.

Mas maagang naglog-out sakin ang ilan sa kanilaΒ  na morning shift at may mga yumakap sakin para magpaalam. (salamat ate sandy at ate bam, masaya din po ako at nakilala ko kayo).

Bago ako naglog out sa station ko, nagsend ako ng farewell letter na ginawa ko the day before. Nakakatuwa kasi nagreply na kagad karamihan. At nagkaron pa ako ng instant Incident Report courtesy of kuya berto. Nakakatawa kasi ung violation ko ay ung mga previous overbreaks ko na inamin ko sa farewell letter ko at ang kulit ng sanction ko, 1 year extension of tenureship as retention specialist. Ang taba talaga ng utak ni kuya berto. hahaha.

Habang naglolog-out, biglang lumapit sakin ung ex-QA ko nung bago pa ako, si Ms. Kat. Winish nya ako ng good luck at bigla na lang siyang naiyak. Tapos si kuya rey biglang kumanta ng “farewell to you my friend. we’ll see each other again”. Lalo tuloy naiyak si Ms. Kat. Nakakatuwa at nakakataba ng puso kasi sa totoo lang, low profile lang ako sa trabaho kaya feeling ko hindi masyadong mararamdaman ng karamihan ung pag-alis ko kaya grabe talaga ung pakiramdam na may makitang umiiyak dahil aalis na ako. It makes me feel more than special,hahaha. Tapos si kuya berto bigla ding lumapit at sabi “aubz, wag ka nang umiyak” (kahit hindi naman ako umiiyak, haha) sabay abot sakin ng 2 book. French for Idiots at novel ni Grisham. Nakakatuwa kasi may dedication pa ung isang book. Salamat ng madami kuya berto!

Pagkatapos ko maglog out sa station ko, nagpunta ako sa locker ko at tinapon ung mga kapapelan na nakatambak at kinuha ung mga gamit na iuuwi ko pa. Pagkatapos ay bumaba sa atm para iwithdraw ang natitirang kaperahan ko. Pagkatapos ay umakyat ulit sa opis at dumirecho sa HR para isurrender ang aking company ID, locker key, atm at intellicare cards.

Sa huling sandali ay dumaan ako sa department namin at nagpaalam sa mga tao dun. Ang hirap talaga magpaalam. Buti na lang hindi ako umiyak. haha. Nakakatuwa din kasi ung isa pa naming ex-SM na si ate Jelyn, nangilid din ang luha tapos niyakap ako at hinatid ako hanggang reception area. At si QAI ay nagyaya ng merienda at libre nya! Sa La Creperie niya ako nilibre! Salamat ng madami QAI! How lucky can I get?:-D

Pagkatapos ng libreng merienda ay umuwi na ako ng bahay dahil mag-eempake naman ako ng mga mga gamit dahil ako ay pansamantalang magkukuta muna sa bahay ng ate ko sa laguna.

Umalis ako ng opis namin na may matabang puso. Malungkot ako pero mas masaya dahil alam kong ang mga taong iiwanan ko ay all-out ang suporta sa gagawin kong adventure. Tapos may mga pabaon pang mga regalo at words of wisdom.

Sa lahat ng mga taga CCTID, I’ll see you when I see you at salamat sa lahat. ^_^

Sa building ng RCBC, babalik pa ako para sa backpay ko. hahaha

Paalam muna sa ngayon! πŸ˜‰

All about me 10 day challenge – Day 5


Naghihingalo na ako sa pagtapos ng 10 day challenge na ito, haha, congratulate me, I’m on my day 5.

Day 5 – Pictures of somewhere you’ve been to.

May mga gala akong na hindi na iblog (dahil sa katamaran) kaya ikinollage ko yung mga pictures at nilagay dito. >:)

Inuunahan ko na kayo, sasakit ang mata nyo sa madaming pictures.

Isa pang paalala, literal na pictures at caption lang ang makikita niyo. Hihiramin ko muna ung cliche na “a picture paints a thousand words” bilang alibi sa aking katamatan, haha.

BSP Metropolitan Museum - Metro Manila

Ayala Museum - Makati

National Museum - Metro Manila

Road trip to Vigan - Ilocos Sur

Blue Coral Resort - San Juan Batangas

Caluwayan Palm Island - Marabut, Samar

Camiguin

Puerto Princesa - Palawan

Sa totoo lang, muntik na akong sumuko sa pag-aupload ng mga collages na ginawa ko dahil sa aking crappy internet connection. Buti na lang nanaig ang kagustuhan kong matapos ang challenge, wahaha.

****

kaya ko to! 5 days to go! ^^

All about me 10 day challenge – Day 3


Charan! Day 3 na! Dahil, nanonosebleed na akong tunay sa kakaingles, magtatagalog muna ako este Taglish, ay Pinglish na lang pala.

Day 03- Pictures of you and your friends

Supposedly, picture lang talaga so dapat isa lang pero wala naman akong picture na andun lahat ng kaibigan ko kaya ginawa kong pictures, haha. FYI. Hindi ako sociable na nilalang pero kahit paano may friends naman ako. hehe. FYI ulit. Random arrangement lang ung mga larawan na sumusunod, Β (hindi base sa date or sino ang closest, labo-labo yan)Β yung ibang tao dyan nauulit pa, maliit lang kasi ang circle of friends ko. basta lahat ng nasa larawan na makikita niyo, tinuturing kong kaibigan ^^

super plural talaga ng pictures, haha, ngayon ko lang narealize, andami pala naming pictures nga mga kaibigan at tropapips ko. sa mga katropa at kaibigan na wala dito (mapaelem/hayskul/college/opis or tabi-tabi friends), inuunahan ko na kayo ng paumanhin, hindi ko pa naiscan ung ibang pix at pwedeng wala din kayong piktyur sakin na kasama nyo ako.

Sa lahat ng kaibigan ko, mapamababaw man sa ngayon o mapamalalim na ang ating mga samahan, labs ko kayo, mwahugs (wink)

Akyat sa Mt. Pulag (Part 3)


Sa wakas at sinapian ako ng kasipagan para ipost ang part 3 ng Mt. Pulag adventure ko na naganap noong Pebrero ng taong ito. (expired na expired post na, haha)

Para may koneksyon pa din sa huling Mt. Pulag blog entry ko, kinuha ko ulit ilang talata dun.

Pinilit na lang naming matulog kahit sobrang hirap. Partida, uminom pa kami ng the bar pero wa epek, nanunuod talaga ung lamig, tagos sa buto. At sa wakas, dumating na ang umaga..

Mga alas kwatro na ata nung nagsimula kaming gumayak papuntang summit. Sobrang excited na ako, ung cheer ko sa sarili ko nun ay “let’s get it on!”

Paglabas namin ng tent, sinubukan kong picturan ung langit at ito ang nakuhanan ko. Mukang umuulan ng nyebe na mukang madaming orbs. Sabi pag madaming orbs madami daw spirits, yay.

Pagkatapos kong makuhanan ng larawan ung langit, gumayak na kami para umakyat ng summit. Hindi na ako nag-abalang kumuha ng larawan along the way dahil madilim at dahil takot akong gumulong pababa. Ung dinadaanan naming trail ay makipot lang tapos madilim na ung ibang parte.

Out of curiosity, nagtanong ako kay ateng tour guide kung bangin na ba ung madilim na nakikita ko tabi ng trail na dinadaanan namin.

AuBu: Ate, bangin na ba ito? (sabay ilaw sa madilim na parteng tabi trail)

Ateng tour guide: Oo. (ang honest talaga ni ate!)

AuBu: ahh, bangin na pala (sabay lunok-laway)

Matapos ang isang oras mahigit, nakarating din kami ng summit at naghanap ng magandang mapupwestuhan para mapanuod ang pagsikat ng araw. Kasabay nito ay ang pagkuha ng madaming larawan.

Hindi ko na inilagay lahat ng larawan dahil mauumay kayo sa mukha ko at mukha nila. Pumetiks lang kami sa tuktok, ninamnam ang lamig na nanunuot sa jacket namin na tagos hanggang buto at inantay sumikat si haring araw.

At ilang sandali pa ay sumikat na si haring araw ng bonggang bongga!

tapos nagkuhaan kami ulit ng piktyur!

hehe, Nung andun kami sa summit, naastigan ako sa isang manong na member ng isang mountain climber team, hinubad nya halos lahat ng suot nya maliban sa boxers at nagpakuha ng piktyur. Humanga ako kasi ako nga, alisin lang ung guwantes sa kamay ko parang magyeyelo na ung kamay ko tapos hindi ko na maigalaw. Naisip ko baka ibang klase ng alak ang tinira ni manong. Unfortunately, hindi ko siya nakuhaan ng piktyur kundi andito din siya sa blog ko, haha

Bigla akong may naalala tungkol sa trip naming ito. Kung nagbabalak din kayong sumabak sa ganitong trippings, siguraduhin nyong kumpleto rekados ang gamit nyo. Nung umakyat kasi kami sa summit ang bitbit lang namin ay ung mga sarili namin na balot ng jacket at iniwan na lahat sa tent ung gamit namin. Wala kaming dalang termos na pangkape paakyat eh sakto ung iba naming kasabay meron, eh ako pa naman ung tao na karaniwang nagkakape sa umaga. Aun, nanigas ako sa inggit sa kanila habang nagkakape. Anyhow, nag-enjoy pa din ako, kape na lang ang kulang sa magandang view sa summit. πŸ˜›

Matapos ang ilang oras naming paglagi, pagkukwentuhan at pagpapakuha ng larawan sa summit, naisipan na naming bumaba at nagpicture-picture. Nakita ko na ung parte kung san pwede akong gumulong pababa kung sakaling mali ung pag-apak ko sa trail, haha

Tapos pikyur ulit. (sinulit talaga namin!este sinulit ko pala, ang piktyur-taking! haha)

Tapos inayos at iniligpit ung tent sa campsite tapos bumaba na ulit. Tapos pikyur ulit.

Eto, totoo na talaga, bumaba na kami ng bundok at aun, napagod, hehe, pero all in all, satisfied ako. Tapos may certificate pa akong nakuha na may nakalagay na isa na akong honorary climber na nakalista sa Mount Pulag book of climbers, sowsyal. πŸ˜› ung piktyur ng certificate? sa susunod na lang ulit, haha

ang nasabi ko na lang sa sarili ko nung makababa kami. “wow, buhay pa ako, akalain mong naakyat ko yun?” I survive!

****

dagdag impormasyon

  • Ang Mt. Pulag ay ikatlo sa pinakamatataas na bundok sa Pilipinas na nasasakop ang probinsya ng Benguet, Ifugao, at Nueva Vizcaya
  • May tatlong trail kayong pwedeng pagpiliian para makarating sa summit kung sa Benguet kayo: Ambangeg, Akiki, at Tawangan trails
  • Sinasabing ang buwan kung kelan the best umakyat ay ang buwan ng Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Nobyembre, at Disyembre.
  • Kung nais niyong umakyat at wala kayong kasama, maghanap kayo ng mountain climbers group o lakwatserong grupo na pwedeng sabitan. Sa kaso ko, ang grupong Itchy Feet Wanderings at Journey for a Cause ung sinamahan ko.
  • Kung madami pa kayong tanong na hindi matatagpuan dito, search google, hehe, (peace out)


 

Bahay ni Rizal


Ang ilalahad ko ngayong araw na ito ay ang pagbisita namin ng bunso kong kapatid sa bahay ng pambansang bayani nating is Dr. JosΓ© Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Naganap ang pagbisitang ito noong ika-28 ng Mayo pero ngayon lang sinipag ang inyong lingkod kaya ngayon niyo lang ito makikita. Nung una, alangan pa kaming pumasok kasi hindi namin alam kung may bayad pa o wala pero pumasok na din kami makaraang magtanong sa guwardiya at masiguradong walang bayad. Tara nang pumasok sa loob ng bahay ni Pepe!Pero bago mo masiyasat ang bahay ng mga Rizal, dapat lumagda ka muna sa listahan ng mga panauhin. Pagkatapos mong pumirma, pwede mo nang ikutin ang humble home ni Gat Rizal! Pagpasok pa lang makakakita ka na ng iba’t ibang kathang-larawan na nagsasalaysay kung paano lumaki at nabuhay si Pepe. May mga nakita din kaming guhit na likha nya. Naisipan na naming umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila Pepe. Pag-akyat namin, madami din kaming nakita (malamang lang, hehe) nakita namin ang hapag-kainan ng pamilyang Rizal. nakita rin namin ang kusina at mga imbakan ng pagkain!

at nakita rin namin ang isa sa kanilang mga silid. Kung susulitin mo ang kabuuan ng bahay pati kagamitan nila Pepe, masasabi mong ang kanilang mag-anak ay isang de buena familia. Hindi man sobrang mayaman subalit masasabing may kaya. Pagkatapos ng pag-iikot namin sa kanilang bahay, lumabas na kami sa may terasa at may nakita akong mukang pangkuha ng tubig sa balon at ito ay kinuhanan ko ng larawan.

Pagkatapos ay bumaba na kami sa may hagdan at nag-ikot sa kanilang bakuran at nakita namin ang estatwa ng maliit na si Pepe pati ang bahay-kubo na malimit nilang paglaruan nung sila’y bata pa.

Pagkatapos naming libutin ang bakuran nila Pepe, tiningnan naman namin ung mala-museong gusali/silid (basta un na un) na nasa loob din ng bakuran nila. Meron kaming nakitang pinaliit na beryson ng bahay nila.

May nakita din kaming mga mala-koleksyon ng mga produkto at likhang-guhit ng ating kapwa-Pilipino.

At syempre, nakita din namin ang mga iba’t ibang estatwa, larawan, at poster (anu bang tagalog ng poster?) ni Rizal kaya sinulit namin ang pagpapakuha ng larawan kasama ng mga yun!

Sa dami ng nabasa at nakita ko sa bahay ni Pepe para ko na din siyang nakilala ng personal. Pero syempre, nanatili pa din ang misteryo ng kanyang pagkatao dahil sabi nga sa Ingles “it takes a lifetime to know a person” at sa kaso ko, hindi ko na siya makikilala ng husto dahil matagal na siyang pumanaw.

hanggang sa muli!

****

dagdag impormasyon:

  • Ang Rizal Shrine ay matatagpuan sa Calamba, Laguna
  • Bukas ito ng Martes hanggang Linggo maliban sa Lunes mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon
  • Ang pagkuha ng larawan sa personal na gamit ay malugod na inaanyayahan
  • Para sa komersyal na layunin, makipag-ugnayan sa tauhan ng Dambana ni Rizal

dahil birthday namin ngayong Agosto


sabi ng isa kong tropa, andaming may birthday ng August kasi malamig nung November at December

at naniniwala ako dun, wahaha

kasi ang mahal kong boypren, August din ang birthday, August 20

ung pamangkin kong si Ira, August din, August 25

si Haw na kahousemate ko August din, August 14

si AJ na kapatid ni Haw, August din, August 4

si Inang Sion , August din, August 15

si Tito, August din, August 16

si Mike at Kuya Soi na kaklase at katropa ko, August din.

at ako, August din, August 22

Oh, diba ang dami naming August? hehe

at dahil birthday ko nga, lumuwas sila mama, auntie nita at auntie zenaida mula sa Tacloban

auntie nita at mama πŸ™‚

mama, auntie zeny, auntie nita at aubz

Nagpunta kami sa kung saan-saan, sa PRA

sa PRA

sa Glorietta at MOA

malling

at nakarating ng Calamba, Laguna

sa bahay nila ate evic πŸ˜›

Dinaanan lang namin sila ate evic sa bahay nila tapos pumunta na kami ng La Vista sa may Pansol, Laguna para mag-overnyt swimming

mabuhay!

sa La Vista

Nung nasa resort na kami, picture taking ang inatupag namin tapos nagvideoke tapos nagswimming!wahu!

Ms. Universe finalist (wahaha)

my mama while singing (with her chuwariwariwap girls, hehe)

ang birthday boy at birthday girl πŸ˜›

swimming sa pool! wahu!

kinaumagahan, nagswimming pa ulit kami ng pamangkin kong si kyle.

kinaumagahan πŸ˜›

sinulit namin ni Kyle ang swimming pool pero sila mama nanuod lang. Pagkatapos makapag-ayos, naprepare na kaming umuwi. Ang wish ko bago umalis sa resort ay maulit pa ung mga ganung trip namin. At sana sa susunod, mas madami pa kami para mas masaya! πŸ˜€

signature2

a trip to remember (part 3)


huling araw namin ito sa aming paraiso (nakanaks)
since huling araw na at back to reality na naman ang drama namin after ng galang ito,
palalagpasin ba namin ang pagkakataong magphotoshoot?
hehehe
πŸ˜›

for the last time..
charan!

first stop: Sandugo

DSC_0636 (Large)

Sandugo


DSC_0635 (Large)

Housemates at Sandugo πŸ™‚

next stop: Baclayon Church

DSC_0645 (Large)

Baclayon Church entrance


DSC_0649 (Large)

tatlong maria πŸ˜›

next stop ulit: Prony the Phyton

DSC_0684 (Large)

Prony the Phyton >:)


DSC_0682 (Large)

aubu and prony πŸ™‚


DSC_0680 (Large)

housemates at prony πŸ™‚


DSC_0687 (Large)

aubu at ang mini-gitara πŸ™‚


DSC_0688 (Large)

haw, aj, aubu, ate ching at tina

next stop na naman: Bohol Tarsier

DSC_0729 (Large)

signboard


DSC_0709 (Large)

ang tarsier, bow πŸ™‚


DSC_0695 (Large)

ako at ang 2 tarsier πŸ™‚

next stop ulit ulit! : Floating Resto at Loboc River

DSC_0737 (Large)

kain tayo!


DSC_0746 (Large)

plato endorser πŸ™‚


DSC_0772

ako πŸ™‚


DSC_0809 (Large)

mini-falls..


DSC_0817 (Large)

kami ulit!


DSC_0830 (Large)

aubu, haw at aj


DSC_0861 (Large)

aubu at ang loboc river


DSC_0853 (Large)

ang napakagandang Loboc river πŸ™‚

next stop pa ulit: Man-made forest

DSC_0877 (Large)

ang mahiwagang daan (hehehe)


DSC_0878 (Large)

magandang forest πŸ™‚


DSC_0883 (Large)

housemates @ man-made forest πŸ™‚

last stop: Chocolate hills

DSC_0897 (Large)

daan patungo sa Chocolate Hills


DSC_0899 (Large)

tsokolateng burol


DSC_0914

ayun!


DSC_0930

ako na naman πŸ˜›


DSC_0937

kami ulit!


DSC_0943

kami na naman!


DSC_0955

fusion!


DSC_0973

ako ulit!

hayan..
mas madami pa kaming picture talaga kumpara sa mga naiupload ko, kaso nakakapagod na tsaka mabagal ang net so ayan, hehe..

sa kabuuan, naging masaya ako ng bonggang bongga sa gala namin sa Bohol.

napagod ako, sumakit ang katawan, at natusta ang balat.

pero sa kabila ng lahat ng yun, hinding hindi ko ipagpapalit ang experience na ito. perstaym ko atang magtwo-piece sa buong buhay ko nung second day namin dun, hahaha..

signature2