just because


I posted my maternity photoshoot pictures before so now it’s my baby’s photoshoot snapshots this time😈😈😈

The photoshoot wasn’t as enjoyable as my maternity photoshoot was. My baby was very fussy and after the shoot, she developed rashes on her cheeks and forehead that I almost regret bringing her to the studio. Anyways, her photographs turned out nice so I guess it’s alright. She’s recovering from her rashes now, thank goodness.

img1458008366686

img1458008299752

img1458008220392

img1458008424246

Ain’t she an angel?😚

addicted


well, apparently, tunay na nakakabusy pala ang maging mommy. puyat wagas. ung naipon kong fats pawala na, ung sa tummy ko na lang ata natira pero katiting na din (nakakatuwa ung tyan ko parang sa mama ko anlambot,hahaha).

sa instagram lang ako karaniwan nakakapagupdate kasi microblogging dun diba. anyways, magpopost sana ako ulit nung mapagmasdan ko ung mga recent posts ko sa IG, halos puro piktyur ng anak ko, hahahaha,

Screenshot_2016-03-11-21-24-04

sorry naman pero #sorrynotsorry pa din, I’m one of those newbie mommy na walang magawa kundi titigan ang anak at kuhaan ng piktyur although mild lang naman ung akin, hahaha

DIY maternity shoot


my due date is fast approaching so maida and I decided to do a DIY maternity shoot.

here’s a sneak peek from our shoot this afternoon 📷

IMG_20160212_162113

DSC_0284_20160212224148773

DSC_0289

P.S

calligraphy props and decors are all made by my kb tropapips/sis-in-law maida. (as in wala kong contribution,hahaha, tamad na buntis)

metal mouth


mula nung makapasok ako sa clinic namin, ang tagal kong plinanong magpalagay ng braces,

after 359 days, nakapagpalagay din ako, wahaha,

Photo_00013inshallah matapos ang treatment ko kasabay ng tapos ng kontrata ko.

wala akong balak umuwi ng Pinas na may kawad sa ngipin dahil hindi ko maeenjoy ung mga pagkaing namiss ko.

anyhow carabao, aun lang muna sa ngaun, ciao!

kuya benjie’s traditional kare-kare


dati hindi ko trip ang pagkain ng kare-kare kasi nung isang beses na kumain ako nito sa isang resto sa may moa ampanget ng lasa pero nagustuhan ko din siya nung makatyempo ako ng masarap gaya nung kare-kare kina aling cora tsaka ni kuya benjie.

nung huwebes, nagyaya si ate sharon kay kuya benj na magluto ng kare-kare para daw matutunan nya lutuin. dahil assistant ako ni kuya benj, nakiluto din ako sa kanila.

paano nga ba lutuin ang tradional kare-kare ni kuya benj?

Una, ihanda muna natin ang mga sangkap:

  • pork belly
  • onting bigas
  • peanut butter
  • talong/eggplant
  • petchay/chinese cabbage
  • sitaw/string beans
  • sibuyas/onion
  • atsuete/annato (tunawin sa warm water para maging atsuete solution)
  • mantika/cooking oil
  • asin/salt
  • paminta/pepper
  • asukal/sugar

ikalawa, hiwain ang mga gulay at ihanda ang iba pang sangkap

ikatlo, pakuluan ang pork belly hanggang lumambot

Ika-apat, igisa ang onting bigas hanggang maging brownish ang kulay tapos iblender hanggang maging powdered-like ung consistency.

ika-lima, igisa ang sibuyas at isangkutsa ang pork belly kasama nung sibuyas at lagyan ng onting pamintang durog.

ika-anim, kapag medyo brownish na din ang isinasangkutsang pork, ilagay ang atsuete solution.

ika-pito, ilagay ang broth/stock (ung tubig kung saan pinakuluan ang pork belly)

tapos, ilagay ang peanut butter

hayaang kumulo ang niluluto at timplahan ng asin at asukal.

ilagay din ang iginisang bigas na bnlender para lumapot ang inyong kare-kare.

tapos, ilagay ang mga gulay (sitaw, talong at petchay)

hayaang kumulo ulit para maluto ang mga gulay.

kapag natiyak na luto na ang mga gulay, pwede na itong hanguin. 🙂

at syempre hindi mawawala ang piktyur ng finish product!

at pati na din ang piktyur ng cool na cool na cook na si kuya benj!

p.s.

wala akong piktyur kasi ako ang photographer, wahaha, feelingerang palaka lang. sabi nila kuya benj, may kulang pa daw na gulay sa niluto namin at un ang puso ng saging pero sa tingin ko okay lang, masarap pa din naman ung nailuto naming kare-kare, hehe. depende lang sa talaga sa trip nyo. alam niyo ba na isa ang kare-kare sa mga putaheng natutunan kong lutuin dito sa disyerto? I wish for more recipe to cook! salamat sa pagshshare ng alam mo sa kusina kuya benj!

when boredom strikes


I don’t have much to do today. I’ve watched movies. I’ve tried drawing. I’ve tried reading Grisham’s The Innocent Man. I’ve tried net surfing. I’ve tried almost anything just to kill some time actually.

Earlier this afternoon, ate Sharon and ate Tzie told me to try walking in the park near corniche (tabing-dagat) by myself. Yes. Alone. To tell you honestly, I have yet to gather enough courage travelling alone in this country. I’ve heard horrible stories enough to keep my itchy feet from wandering the streets of this desert. However, since boredom is killing me, I’ve decided to take a short walk at the park near our place.

I think I’ve walked for about 20 minutes. When I grew tired of walking, I just sat there on the bench, watched the calm sea and the birds flying freely.

Anyhow, I headed my way back when I noticed that it’s getting dark.

huling rampa


daig ko pa ang end credits ng pelikula sa huli kong blog post para sa aking second to the last day. kaya siguro naubusan ako ng sasabihin para sa huling araw ng aking rampa sa trabaho.

paano ko nga ba aalalahanin ang huling araw ko sa trabaho? alam kong masyadong palasak na ang salitang “memorable” pero ang masasabi ko lang ay “my last day at work was indeed memorable!” 😛

kumain kami sa paborito naming jollyjeep kina aling cora nung umaga.  kung gusto nyong kumain ng masarap na agahan at tanghalian na budget-friendly, aling cora is the place to go. FYI, ang best seller nila aling cora ay ang porkchop. madali lang siyang mahanap, malapit siya sa may may makati firestation. isa ito sa tunay na mamimiss ko; ang kumain doon kasama sila ate jaja, ate utchie, kuya berto atbp.

Pagkatapos naming kumain ay dumirecho kami kay manong na nagtitinda ng peyborit naming BJ. Madali lang ding mahanap si manong kasi dun siya lagi nagkukuta sa may tapat mismo ng makati firestation.

Pagkatapos naming kumain ng agahan, umakyat na kami sa opis para magtrabaho. Wala namang masyadong pagbabago sa usual naming ginagawa. Chats, emails and the likes. Medyo madami-dami akong escalations ngayon, siguro kahit ung mga customer nararamdamang gogora na ako kaya pati sila sumasabay. haha

Dumating at tanghalian at dun ulit kami kumain kina aling cora. (hindi naman halatang peyborit namin siya talaga, haha)

Pagkatapos ay umakyat na kami ulit at balik trabaho. (how exciting, haha) Wala na akong masyadong ginagawa sa station at nagbabasa lang ako ng kung anu-anong stories sa wattpad nung biglang nagsend ng IM si QAI sakin at sabi icheck ko daw ang jabber namin at ito ang nakita ko

aughhh, natouch talaga akong tunay.

Mas maagang naglog-out sakin ang ilan sa kanila  na morning shift at may mga yumakap sakin para magpaalam. (salamat ate sandy at ate bam, masaya din po ako at nakilala ko kayo).

Bago ako naglog out sa station ko, nagsend ako ng farewell letter na ginawa ko the day before. Nakakatuwa kasi nagreply na kagad karamihan. At nagkaron pa ako ng instant Incident Report courtesy of kuya berto. Nakakatawa kasi ung violation ko ay ung mga previous overbreaks ko na inamin ko sa farewell letter ko at ang kulit ng sanction ko, 1 year extension of tenureship as retention specialist. Ang taba talaga ng utak ni kuya berto. hahaha.

Habang naglolog-out, biglang lumapit sakin ung ex-QA ko nung bago pa ako, si Ms. Kat. Winish nya ako ng good luck at bigla na lang siyang naiyak. Tapos si kuya rey biglang kumanta ng “farewell to you my friend. we’ll see each other again”. Lalo tuloy naiyak si Ms. Kat. Nakakatuwa at nakakataba ng puso kasi sa totoo lang, low profile lang ako sa trabaho kaya feeling ko hindi masyadong mararamdaman ng karamihan ung pag-alis ko kaya grabe talaga ung pakiramdam na may makitang umiiyak dahil aalis na ako. It makes me feel more than special,hahaha. Tapos si kuya berto bigla ding lumapit at sabi “aubz, wag ka nang umiyak” (kahit hindi naman ako umiiyak, haha) sabay abot sakin ng 2 book. French for Idiots at novel ni Grisham. Nakakatuwa kasi may dedication pa ung isang book. Salamat ng madami kuya berto!

Pagkatapos ko maglog out sa station ko, nagpunta ako sa locker ko at tinapon ung mga kapapelan na nakatambak at kinuha ung mga gamit na iuuwi ko pa. Pagkatapos ay bumaba sa atm para iwithdraw ang natitirang kaperahan ko. Pagkatapos ay umakyat ulit sa opis at dumirecho sa HR para isurrender ang aking company ID, locker key, atm at intellicare cards.

Sa huling sandali ay dumaan ako sa department namin at nagpaalam sa mga tao dun. Ang hirap talaga magpaalam. Buti na lang hindi ako umiyak. haha. Nakakatuwa din kasi ung isa pa naming ex-SM na si ate Jelyn, nangilid din ang luha tapos niyakap ako at hinatid ako hanggang reception area. At si QAI ay nagyaya ng merienda at libre nya! Sa La Creperie niya ako nilibre! Salamat ng madami QAI! How lucky can I get?:-D

Pagkatapos ng libreng merienda ay umuwi na ako ng bahay dahil mag-eempake naman ako ng mga mga gamit dahil ako ay pansamantalang magkukuta muna sa bahay ng ate ko sa laguna.

Umalis ako ng opis namin na may matabang puso. Malungkot ako pero mas masaya dahil alam kong ang mga taong iiwanan ko ay all-out ang suporta sa gagawin kong adventure. Tapos may mga pabaon pang mga regalo at words of wisdom.

Sa lahat ng mga taga CCTID, I’ll see you when I see you at salamat sa lahat. ^_^

Sa building ng RCBC, babalik pa ako para sa backpay ko. hahaha

Paalam muna sa ngayon! 😉

All about me 10 day challenge – Day 9


OMG! (ang arte lang?haha) day 9 na!yehey!

Day 09 – Pictures of you and your family

I believe that family is a relative term. Most often that not, your family are those persons whom you share the same blood, genes and stuff. However, there are times that you call a crowd your family without even sharing a bit of any DNA linkage.

I’m very grateful to have been blessed with both. A family of my own by blood and a family to call by bond.

^^

^^

aubu's nieces & nephews ^^

^^

^^

^^

I may not be the most affectionate person there is but one thing I’m sure of, I love these guys truly. 🙂

****

yey!yey!yey! 1 to go and I’m done with the challenge!

All about me 10 day challenge – Day 3


Charan! Day 3 na! Dahil, nanonosebleed na akong tunay sa kakaingles, magtatagalog muna ako este Taglish, ay Pinglish na lang pala.

Day 03- Pictures of you and your friends

Supposedly, picture lang talaga so dapat isa lang pero wala naman akong picture na andun lahat ng kaibigan ko kaya ginawa kong pictures, haha. FYI. Hindi ako sociable na nilalang pero kahit paano may friends naman ako. hehe. FYI ulit. Random arrangement lang ung mga larawan na sumusunod,  (hindi base sa date or sino ang closest, labo-labo yan) yung ibang tao dyan nauulit pa, maliit lang kasi ang circle of friends ko. basta lahat ng nasa larawan na makikita niyo, tinuturing kong kaibigan ^^

super plural talaga ng pictures, haha, ngayon ko lang narealize, andami pala naming pictures nga mga kaibigan at tropapips ko. sa mga katropa at kaibigan na wala dito (mapaelem/hayskul/college/opis or tabi-tabi friends), inuunahan ko na kayo ng paumanhin, hindi ko pa naiscan ung ibang pix at pwedeng wala din kayong piktyur sakin na kasama nyo ako.

Sa lahat ng kaibigan ko, mapamababaw man sa ngayon o mapamalalim na ang ating mga samahan, labs ko kayo, mwahugs (wink)