pag-asa, umasa, walang pag-asa


nakausap ko kaninang tanghali ang mama ko na kasalukuyang nasa Tacloban. gaya ng sagot nya nung una, wala siyang balak lumuwas at iwan ang tirahan namin. naniniwala ang mama ko na may pag-asa ang lugar namin. tiwala lang. kaso nung nagkwento siya, nawalan naman ako ng tiwala kaagad.

naitanong ko sa mama ko kung paano niya naicharge ang cellphone niya samantalang wala pang kuryente sa buong Leyte. sabi ng mama ko nakicharge daw siya sa kapitbahay naming may generator. alam niyo kung magkano? tumataginting na 50PHP. oo, barya lang sa iba yon pero sa mga naapektuhan ng bagyong Yolanda gaya ng pamilya ko, ginto na yun. sabi ko sabi sa news may libreng charging stations daw na nakakalat sa buong probinsiya namin pero sabi niya, kung pipila siya aabutin siya ng siyam-siyam at kailangan niya pa maglakad ng mahaba ng ilang oras kasi sa may munisipyo daw yun. tsaka ung kapitbahay daw na may generator bumibili pa ng gasolina sa labas eh ginto daw ang presyo nun ngayon kaya ganun ang singil sa kanila. (sa kasalukuyan daw, walang bumabyaheng mga pampasaherong jeep, multicab or tricycle dahil sa kakulangan ng gasolina doon sa Tacloban)

galing din daw kanina sa palengke ang mama ko at naghahanap siya ng mabibilhan ng pagkain. at ang presyo ng bilihin?talaga namang nakakarimarim. dalawa lang ung nabanggit niyang bilihin sakin kanina kasi naputol na ang usapan namin dahil naubusan ako ng load.

presyo ng 1 kilong bigas: 80PHP
presyo ng 1 kilong asin: 65PHP

napamura ako ng wala sa panahon. paano pa kaya ang presyo ng tubig?

oo. nag-aral ako ng law of supply and demand. anong subject nga ba yon?economics?oo. economics nga. sabi sa law of supply and demands, pag tumaas ang demand at ang supply hindi nagbago, magkakaron ng shortage na magreresulta sa higher equilibrium price.

pero anak naman ng teteng. nasalanta na ng bagyo ang mga tao sa Tacloban tapos kukupalin pa ng mga hinayupak na may kakayanan sanang tumulong. (*insert malutong na mura here*). asan ang katarungan dun?

naisip kong kumustahin kung may relief operation sa lugar namin, meron naman daw. 3 kilong bigas, 2 latang sardinas, noodles at 500ml ng tubig (hindi ko lang alam kung ilang piraso) bawat isang pamilya. naisip ko, sa dami ng donasyon galing sa naglalakihang bansa, yun lang yung umabot samin?oo alam ko dapat magpasalamat ako at may umabot but I can’t help but be bitter. limpak na limpak na salapi ang itinulong ng iba’t ibang bansa, kung tutuusin, kaya sanang mamigay kahit sako-sako ng bigas sa bawat nasalantang pamilya pero bakit ganun?tinitipid ang mga biktima? nasan na kaya yung donasyon ng taga ibang bansa, ah, nasa bulsa siguro ng mga ungas na politiko. nyeta kayo.

sabi ng mama ko, marami pa din ang ayaw lumikas sa lugar namin. bakit?kasi umaasa sila na babangong muli ang Tacloban. sabi  nga sa isang campaign “Tindog Tacloban!”

nabanggit ng ate ko na ang projected rehabilitation ng Tacloban ay 2 months, sabi naman ng isa kong ate 1 year according sa balita. ewan ko na lang kung gaano katagal. siguro kung yung milyon-milyong donasyon ng iba’t ibang bansa igugugol sa rehabilitation ng mga lugar samin na naapektuhan ng bagyong Yolanda, mabilis pa sa alas kwatro, recovered na ang mga devastated areas. kaso asa naman ako noh. talamak ang mga gahaman sa mga nakaupo sa pwesto, kung yung mga simpleng relief goods at medical supplies nga hindi maideliver nang tama sa oras, yung mabusisi pang pagrehabilitate mapabilis?walang pag-asa. masyado silang busy kung ano ang gagawin nilang istilo sa susunod na eleksyon. putang-ama lang.

Advertisements

the iron butterfly..


While watching the television this afternoon, my housemate unintentionally changed channel into QTV11.
What caught out attention is that the usual tandem of Lucy Torres and Wilma Doesn’t, which oozes with confidence, is out of sight.
What we saw are two overly anxious hosts in need of a good cheer.
I was curious what made them that way so I tuned into their show longer.

After a few minutes, Imelda Marcos appears on the screen.
He was escorted by German Moreno.
Then, after what seemed like an eternity
Lucy and Wilma finally realize that their guest is already in.
I got a good laugh because the two hosts look like a high school students caught red-handed.
(You see, before Mrs. Imelda Marcos enters the set, the two hosts were talking about her as if they weren’t on air or on screen? Whichever it is.)

I wonder what would it feels like talking personally to the former first lady herself?
Of course, she wasn’t called the “Steel Butterfly” just for nothing isn’t it.
I, myself, would have been flabbergasted if it was I talking to her.
She still looks intimidating to me.
No wonder, the two hosts of The Sweet Life are almost tongue-tied in her presence.

Since the Iron Butterfly caught my interest, I decided to do a little research about her.
Source: wikipedia.org
Listed below are the things I learned about our very own Mrs. Imelda Marcos:

•She was born in July 2, 1929 in San Juan de Dios Hospital in Manila.
•She is of Visayan and Tagalog descent
•She earned her Bachelor’s degree at St. Paul’s College.
•She was given the title of “Rose of Tacloban” and “Miss Leyte” – this is due to her extravagant beauty and photogenic face.
•She was given the title of “Muse of Manila” by then, Manila Mayor Arsenio Lacson, after she protested her loss in the Miss Manila Beauty Pageant.
•She met Ferdinand Marcos in the year 1954. After their whirlwind romance they got married, and had four children wherein one is adopted.
•During the Former President Ferdinand Marcos term, she was appointed to various positions in the government, such as Governor of Metropolitan Manila, Minister of Human Settlement, and Ambassador Plenipotentiary and Extraordinary.
•She commissioned the construction of the following: Cultural Center of the Philippines, Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, Kidney Institute of the Philippines, Nayong Pilipino; Philippine International Convention Center, Folk Arts Theater, Coconut Palace, and the infamous Manila Film Center.
•On February 25, 1986, Mrs. Marcos and her family fled to Hawaii (via Guam) after her husband’s regime was toppled by the four-day People Power Revolution in EDSA.
•She was found to have left behind 15 mink coats, 508 gowns, 1000 handbags[11] and 3000 pairs of shoes after their family fled Malacañang Palace.
•A concept album “Here lies Love” was made in collaboration between David Byrne and Fatboy Slim about her life and her relationship with a servant from her childhood. The album features 22 vocalist including Tori Amos, Candie Payne and Martha Wainwright. It’s scene structure includes the following: Prologue, Act I: “Flashback – Early Days, Act II: The Climb to Power, Act III: The Turning Point, and Act IV: The Fall.
•In 1992, Mrs. Marcos ran and finished fifth in the seven-way presidential race.

My reaction: Wow. She’s one hell of a woman. Pretty ostentatious and definitely imeldific.

Since I am so attuned to her at the moment, I also gathered some quotable quotes from our very own former first lady.

“First of all, I am so happy and I thank the Lord that the 32 cases have been dismissed by the regional court here in Manila. This will subtract from the 9001 cases that were filed against the Marcoses.” Imelda Marcos (March, 2008) -whew, that’s a lot of cases huh.

“I have never been a material girl. My father always told me never to love anything that cannot love you back.” – Imelda Marcos (November 1996) – nice one. 😛

“As we were coming down Malacanang, Ferdinand held my hand and said, ‘Imelda, this is your fault.’ In shock, I asked, ‘Why, Ferdinand?’ He answered, ‘Because you gave me a heart.'” – on why Marcos refused to fire at the crowds on Edsa in 1986,
– is this for real? I though those in EDSA that time were brutally mistreated or should it be maltreated? (whatever)

“If you know how much you’ve got, you probably haven’t got much.”
Imelda Marcos – I think so too.

“I was born ostentatious. They will list my name in the dictionary someday. They will use ‘Imeldific’ to mean ostentatious extravagance.” – cited in an Associated Press report, April 1998 – I think she’s somewhat related to Nostradamus. haha. >:)

signature2

what I need to do versus what I want to do..


Mga bagay na kailangan kong gawin

Ifollow up ang aking nurse-volunteer application sa isang pampublikong hospital – para magkaroon ng sinasabi nilang “experience”.

Kunin ang aking IVT ID– nagtext ang kaibigan ko at sabi nya pwede na daw kuhain ang IVT card naming, whew, after 48 years naprocess din!

Ayusin ang visa application for Canada – baka sakali daw swertihin ako, pucha, bakit ba kasi kailangang mangibangbansa pa ang isang RN na gaya ko para lang kumita ng pera na makakabuhay ng pamilya. Kapag dito kasi, hay, barya lang ang kikitain ko, kumusta naman.

Look for nursing job abroad to earn more money to help my family – pera pera kasi ang labanan, kaso prerequisite ang lecheng experience na yan, 4 years of studying nursing and still, it wasn’t enough.

Clear up my mind of negative thoughts – isa akong buhay na negative chakra, pang-asar mang aminin pero sa loob ng katawan ko parang puro Yin ung laman. I find it miraculously that I can function normally in our society at all.

Change into a better me or into another person (parang pwede eh noh) – every year na pangarap pero parang walang nangyayari, same old brand new me, hahay, buhay,

Mga bagay na gusto kong gawin

Drink until I got a permanent amnesia to forget all the things that hurt – magbigay nga kayo ng alak na pwedeng laklakin na nagcacause ng permanenteng pagkalimot, baka naman may alam kayo, share nyo naman, I need it very badly, umaatake na naman ang sakit ko, I need to cry my heart out, Nafrufrustrate na ako sa sarili ko at sa buhay ko. hehe

Be selfish (at times) – unbelievably, I find it hard to say no when someone important to me ask me a favor (money etc), kahit minsan napapagod na ako, ginagawa ko pa din, tapos minsan pag tnatry ko magsay No sa mga favor nila, naguguilty lang ako and it makes me feel bad about myself. Takot akong makasakit ng ibang tao but in the end ako ung nasasaktan at nahihirapan. Saintly? Of course not, I curse, not them but my self, adik talaga ako

Procrastinate and relax -bohemian style na buhay, isang malaking pangarap, magliw-aliw ng bonggang bongga, haha

Sleep until I get tired of doing so – isa pang gustong-gusto kong gawin pero hindi ko magawa, gusto kong matulog hanggang sa hindi na ako bumangon..

Travel (here and abroad) – I want to explore!

Study arts and fashion/interior designing -gusto kong malinang, este mahasa ang aking creative side, (naks) hahaha

Enroll in a personality development class – pwede pa ba? May alam ba kayo? Magkano?

Be able to make a difference and be completely happy – my ultimate dream na parang napakaimposible sa kasalukuyan, (drama mode?hehe)

signature2

wishlist..


bata pa lang ako mahilig na ako magwish..
dati may nagsabi sakin, pag may wish daw ako, isulat ko sa papel
tapos itali ko ung papel sa lobo kasi mabilis daw un makakarating kay papa Jesus.
dahil bata pa lang, uto-uto na ako, ginawa ko un,
kinabukasan, napulot nung isa kong kalaro ung wish list ko,
binasa nya ng malakas,
nabadtrip ako, muntik ko sya suntukin
mula nun hindi ko na un inulit.

nung second year high school ako,
kasama sa wish list kong pansinin ako ng crush kong georgeous cold shoulder
sabi nung isa kong kakilala, para daw mapansin ako ni m******(surname nya),
dapat daw kumuha ako ng papel.
tapos pagpira-pirasuhin ko un ng 100 times
tapos isulat ko daw ung kumpleto nyang pangalan sa 100 pieces of paper na un.
dahil crush na crush ko si m******, ginawa ko ulit un. (hehe)
pero hindi ko 100 times sinulat ung name nya.
nilagay ko e******* *** m****** X 10 raise to the 10th power sa 1 papel.
oha, oha, lagpas 100 times pa un,
kinabukasan pinansin ako, (epektib!)haha
kung iniisip niyong inulit ko pa un, hindi na,
nakakapagod eh.
nung pinansin ako ni crush,
narealize kong hindi ko na pala siya super crush,
aun.

nung college, tuwing umaga,
laging kong wish na late ang prof kapag late na akong dumadating
minsan natutupad ung wish ko pero minsan hindi.

sa kasalukuyan, habang mas namumulat ako sa realidad ng buhay sa mundong ibabaw, mas dumami pa ung nadagdag sa wish list ko.

wish

Number 1 sa wish list ko ang world peace. Generic na sagot ng mga binibining sumasali sa beauty pageant. Pero eto ang ultimate wish. Pangarap kong mabuhay sa mundo ng kapayapaan. Walang gulo at kabagabagan. Petiks at parelax-relax lang.

Pangalawa ang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Nakakapagod manuod ng telebisyon kung saan puro pagdedebate, pagalingan at who’s who ang labanan. Bata pa lang ako pero pagod na ako sa puro pangakong napapako ng mga politikong trapo. Ilang botohan at taon na ba ang dumaan? Asan na ang pagbabago? Nakakaumay. Parang adobong nilagay sa refrigerator. (salamat kay tin at nagamit ko ang linya nya, hahaha)

Pangatlo sa wish list ko ang magkaroon ng sapat na trabaho na may disenteng sweldo at katerno sa tinapos na kurso ang mga bagong salta (kami un!) sa tunay na mundo (kuno) dito sa Pinas.. Hindi related sa business ang kursong tinapos ko, related sa health, pero asan ako? Kabilang ako sa libo-libong nursing graduates na humantong sa call center job dahil walang makuhang trabaho sa linya ng kurso tinapos.

Numero quatro sa listahan ko ang mas madaming masaya, kumpleto at malusog (literally and figuratively) na pamilyang Pilipino sa Pilipinas. Mas masayang pamilya, ibig sabihin mas onting batang mapapariwara at magiging emo pagtanda. Mababawasan ang mga adik at praning kasi kuntento sila sa buhay nila. Mas matatag na pundasyon ng pamilya, mas masayang lipunan ang kagigisnan ng mga susunod na henerasyon.

Pang lima sa pangarap ko ang malinis, maayos, maganda at organisadong kapaligiran. Sabi ni Bayani, Metro Gwapo sa 2010, pero bakit ganun, sa EDSA mas naging masikip, mas naging matrapik, mas naging barubal. Alam kong hindi pa 2010, pero ilang buwan na lang kaya at 2010 na. Bagong taon na naman. Asan ang kagwapuhan? Asan ang urbanidad? Balak nya bang magmagic over night para sa 2010, Metro Gwapo na? Alam kong hindi makatarungang isisi sa iisang tao ang kalagayan ng kapaligiran at kalunsuran, pero siya ang nasa posisyon at may kapangyarihan.

Madami pang nakalagay sa wish list ko kaso inaantok na ako eh.

Alam kong malayo sa katotohanan ang mga wishes ko sa kasalukuyan,

Pero may mga wish din akong mabibili lang sa pinakamalapit na tindahan gaya ng mga sumusunod:

bahay at lupa (hindi sa paso ah)
laptop (toshiba, HP or Lenovo would do)
PSP
IPOD touch
condo unit
Hummer or Sportivo
Naruto manga komiks and DVD’s
Bleach manga komiks and DVD’s
Jansport Back Pack
Roxy shoulder bag
Happy feet na sandals (7.5-8 ung size)
Nikon D5000
Free Cruise around the world (may allowance, may food, may libreng accomodations)
HP books complete set (hard bound)
Oakley/Levi’s eyeglass (50-50 ung grado)

O, diba mas malapit ito sa katotohanan kesa sa limang nakalista sa wish list ko? hehe

anu pang hinihintay niyo?

(baka gusto niyo akong bigyan)haha

(ito ang tinatawag na mangarap ka ng gising) 😛

signature2