Bahay ni Rizal


Ang ilalahad ko ngayong araw na ito ay ang pagbisita namin ng bunso kong kapatid sa bahay ng pambansang bayani nating is Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Naganap ang pagbisitang ito noong ika-28 ng Mayo pero ngayon lang sinipag ang inyong lingkod kaya ngayon niyo lang ito makikita. Nung una, alangan pa kaming pumasok kasi hindi namin alam kung may bayad pa o wala pero pumasok na din kami makaraang magtanong sa guwardiya at masiguradong walang bayad. Tara nang pumasok sa loob ng bahay ni Pepe!Pero bago mo masiyasat ang bahay ng mga Rizal, dapat lumagda ka muna sa listahan ng mga panauhin. Pagkatapos mong pumirma, pwede mo nang ikutin ang humble home ni Gat Rizal! Pagpasok pa lang makakakita ka na ng iba’t ibang kathang-larawan na nagsasalaysay kung paano lumaki at nabuhay si Pepe. May mga nakita din kaming guhit na likha nya. Naisipan na naming umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila Pepe. Pag-akyat namin, madami din kaming nakita (malamang lang, hehe) nakita namin ang hapag-kainan ng pamilyang Rizal. nakita rin namin ang kusina at mga imbakan ng pagkain!

at nakita rin namin ang isa sa kanilang mga silid. Kung susulitin mo ang kabuuan ng bahay pati kagamitan nila Pepe, masasabi mong ang kanilang mag-anak ay isang de buena familia. Hindi man sobrang mayaman subalit masasabing may kaya. Pagkatapos ng pag-iikot namin sa kanilang bahay, lumabas na kami sa may terasa at may nakita akong mukang pangkuha ng tubig sa balon at ito ay kinuhanan ko ng larawan.

Pagkatapos ay bumaba na kami sa may hagdan at nag-ikot sa kanilang bakuran at nakita namin ang estatwa ng maliit na si Pepe pati ang bahay-kubo na malimit nilang paglaruan nung sila’y bata pa.

Pagkatapos naming libutin ang bakuran nila Pepe, tiningnan naman namin ung mala-museong gusali/silid (basta un na un) na nasa loob din ng bakuran nila. Meron kaming nakitang pinaliit na beryson ng bahay nila.

May nakita din kaming mga mala-koleksyon ng mga produkto at likhang-guhit ng ating kapwa-Pilipino.

At syempre, nakita din namin ang mga iba’t ibang estatwa, larawan, at poster (anu bang tagalog ng poster?) ni Rizal kaya sinulit namin ang pagpapakuha ng larawan kasama ng mga yun!

Sa dami ng nabasa at nakita ko sa bahay ni Pepe para ko na din siyang nakilala ng personal. Pero syempre, nanatili pa din ang misteryo ng kanyang pagkatao dahil sabi nga sa Ingles “it takes a lifetime to know a person” at sa kaso ko, hindi ko na siya makikilala ng husto dahil matagal na siyang pumanaw.

hanggang sa muli!

****

dagdag impormasyon:

  • Ang Rizal Shrine ay matatagpuan sa Calamba, Laguna
  • Bukas ito ng Martes hanggang Linggo maliban sa Lunes mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon
  • Ang pagkuha ng larawan sa personal na gamit ay malugod na inaanyayahan
  • Para sa komersyal na layunin, makipag-ugnayan sa tauhan ng Dambana ni Rizal

Advertisements

Dahil ang Agosto ay Buwan ng Wika


Ang akdang ito ay naisulat bilang tugon sa paanyaya ng pagsasalin ng isang tulang Ingles sa wikang Pilipino na pinasinayaan ng isang binibinini na nasa likod ng doon po sa amin blog.

Mabuhay!

****

Casting a Spell

Learn a spell. It takes some time
First you must have the gift of rhyme,
New images, a melody.
Verse will do but poetry
Sometimes will come if you have luck.

Play tunes, blow trumpets, learn to pluck
The harp. The best of spells are cast
When you have written words to last,
Rich in subtle rhythms and
Right words which most will understand.

Casting a spell’s a secret skill
Which few learn fast, No act of will
On your part hands the gift to you.
Words must surprise yet ring true.

False sorcerers are everywhere
But the true magic’s deep and rare.

– Elizabeth Jennings
from the book, A Spell of Words
Macmillan, 1998

****

Paghahabi ng salamangka

Mag-aral ng mahika, ito’y pagtuunan ng panahon
Una ay dapat, may taglay na pagtutugmang dunong
Isang bagong imahe, isang musika
Taludtod ay maari subalit ang isang tula
Minsana’y dumarating kung ikaw ay pinagpala

Maglaro ng himig, hipan ang trumpeta, matutong kumalbit ng gitara
Gamit ang alpa, usalin ang makapangyarihang salamangka
Kung ika’y humabi ng mga salitang mananatili magpakailanman
Punuin ang ritmo ng kahiwagaan
Tumpak na salitang mauunawaan ng sangkatauhan

Ang salamangka ay isang lihim na kakayahan
Na pili lamang ang makakaalam at hindi bata’y sa kagustuhan
Sa iyong palad, matatagpuan ang regalong handog
Mga salita sa iyo’y mumulagat subalit magniningning ng taos

Matatagpuan saanman, bulaang manggagawa
Subalit ang dalisay na mahika’y pambihira at tunay na mahiwaga

– AuBu, the odd one out, since 2009

wishlist..


bata pa lang ako mahilig na ako magwish..
dati may nagsabi sakin, pag may wish daw ako, isulat ko sa papel
tapos itali ko ung papel sa lobo kasi mabilis daw un makakarating kay papa Jesus.
dahil bata pa lang, uto-uto na ako, ginawa ko un,
kinabukasan, napulot nung isa kong kalaro ung wish list ko,
binasa nya ng malakas,
nabadtrip ako, muntik ko sya suntukin
mula nun hindi ko na un inulit.

nung second year high school ako,
kasama sa wish list kong pansinin ako ng crush kong georgeous cold shoulder
sabi nung isa kong kakilala, para daw mapansin ako ni m******(surname nya),
dapat daw kumuha ako ng papel.
tapos pagpira-pirasuhin ko un ng 100 times
tapos isulat ko daw ung kumpleto nyang pangalan sa 100 pieces of paper na un.
dahil crush na crush ko si m******, ginawa ko ulit un. (hehe)
pero hindi ko 100 times sinulat ung name nya.
nilagay ko e******* *** m****** X 10 raise to the 10th power sa 1 papel.
oha, oha, lagpas 100 times pa un,
kinabukasan pinansin ako, (epektib!)haha
kung iniisip niyong inulit ko pa un, hindi na,
nakakapagod eh.
nung pinansin ako ni crush,
narealize kong hindi ko na pala siya super crush,
aun.

nung college, tuwing umaga,
laging kong wish na late ang prof kapag late na akong dumadating
minsan natutupad ung wish ko pero minsan hindi.

sa kasalukuyan, habang mas namumulat ako sa realidad ng buhay sa mundong ibabaw, mas dumami pa ung nadagdag sa wish list ko.

wish

Number 1 sa wish list ko ang world peace. Generic na sagot ng mga binibining sumasali sa beauty pageant. Pero eto ang ultimate wish. Pangarap kong mabuhay sa mundo ng kapayapaan. Walang gulo at kabagabagan. Petiks at parelax-relax lang.

Pangalawa ang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Nakakapagod manuod ng telebisyon kung saan puro pagdedebate, pagalingan at who’s who ang labanan. Bata pa lang ako pero pagod na ako sa puro pangakong napapako ng mga politikong trapo. Ilang botohan at taon na ba ang dumaan? Asan na ang pagbabago? Nakakaumay. Parang adobong nilagay sa refrigerator. (salamat kay tin at nagamit ko ang linya nya, hahaha)

Pangatlo sa wish list ko ang magkaroon ng sapat na trabaho na may disenteng sweldo at katerno sa tinapos na kurso ang mga bagong salta (kami un!) sa tunay na mundo (kuno) dito sa Pinas.. Hindi related sa business ang kursong tinapos ko, related sa health, pero asan ako? Kabilang ako sa libo-libong nursing graduates na humantong sa call center job dahil walang makuhang trabaho sa linya ng kurso tinapos.

Numero quatro sa listahan ko ang mas madaming masaya, kumpleto at malusog (literally and figuratively) na pamilyang Pilipino sa Pilipinas. Mas masayang pamilya, ibig sabihin mas onting batang mapapariwara at magiging emo pagtanda. Mababawasan ang mga adik at praning kasi kuntento sila sa buhay nila. Mas matatag na pundasyon ng pamilya, mas masayang lipunan ang kagigisnan ng mga susunod na henerasyon.

Pang lima sa pangarap ko ang malinis, maayos, maganda at organisadong kapaligiran. Sabi ni Bayani, Metro Gwapo sa 2010, pero bakit ganun, sa EDSA mas naging masikip, mas naging matrapik, mas naging barubal. Alam kong hindi pa 2010, pero ilang buwan na lang kaya at 2010 na. Bagong taon na naman. Asan ang kagwapuhan? Asan ang urbanidad? Balak nya bang magmagic over night para sa 2010, Metro Gwapo na? Alam kong hindi makatarungang isisi sa iisang tao ang kalagayan ng kapaligiran at kalunsuran, pero siya ang nasa posisyon at may kapangyarihan.

Madami pang nakalagay sa wish list ko kaso inaantok na ako eh.

Alam kong malayo sa katotohanan ang mga wishes ko sa kasalukuyan,

Pero may mga wish din akong mabibili lang sa pinakamalapit na tindahan gaya ng mga sumusunod:

bahay at lupa (hindi sa paso ah)
laptop (toshiba, HP or Lenovo would do)
PSP
IPOD touch
condo unit
Hummer or Sportivo
Naruto manga komiks and DVD’s
Bleach manga komiks and DVD’s
Jansport Back Pack
Roxy shoulder bag
Happy feet na sandals (7.5-8 ung size)
Nikon D5000
Free Cruise around the world (may allowance, may food, may libreng accomodations)
HP books complete set (hard bound)
Oakley/Levi’s eyeglass (50-50 ung grado)

O, diba mas malapit ito sa katotohanan kesa sa limang nakalista sa wish list ko? hehe

anu pang hinihintay niyo?

(baka gusto niyo akong bigyan)haha

(ito ang tinatawag na mangarap ka ng gising) 😛

signature2