quotable


dapat naghahanda ako para sa interview at exam na pupuntahan ko mamaya pero nakachat ko yung super duper friend ko na hindi maganda ang feedback ng account ng callcenter na pupuntahan ko dapat so pinagiisipan ko kung tutuloy pa ako.

meanwhile,  nagbbrowse lang ako sa fb nang makuha ng short clip ng interbyu ni DU30 ang atensyon ko, iniinterview siya ni Jessica Soho regarding censorship ek ek at media freedom, pero ung tumatak talaga sa utak ko ay ung sinabi nyang “I may not agree with what you have to say, but I will defend your right to say it. We’re a democratic country.” nakakatuwa lang mukhang wala namang martial law na magaganap. (Binasa ko ung caption ng video, ipapalabas pa lang pala ngayong araw yung interbyu na un kumbaga patikim lang.)

anyways nagkainteres ako kung sariling wordings nya ung mala-quote nyang sinabi, turns out he’s a wide reader. Galing sa book entitled “The Friends of Voltaire” na sinulat ni Evelyn Beatrice Hall ung phrase na sinabi nya, same meaning, slightly different wordings.

oo nga pala may gusto din akong sagot nya sa tanong ni ms J (hindi ko na ittype ang haba ng question panuorin nyo na lang) , “kelan ba ako nagmukhang anghel sa inyo“, at ayun na nga mukhang tablado sila ni presumtive President Digong. Mabuhay!

 

 

Advertisements

litanya #15


huwag kang masyadong dedepende at aasa sa ibang tao,

kung yung anino mo nga iniiwan ka pag madilim na, ano pa sila?

 

 

litanya #14


I don’t love to argue,

I’m just trying to make a point.

– sagot ko sa kinaiinisan kong doctor sa aming pagamutan nang tinanong nya ako kung bakit ang hilig kong sumagot at magrason.

litanya # 12


kapag tahimik nasa loob na kagad ang kulo?

hindi ba pwedeng, marunong kasi akong mag-isip bago kumibo?

– wahaha, ang lakas ng impluwensya sakin ng mga sarcastic na banat ngayon. 😛