aubu’s DFA adventure


Nakaiskedyul ako ngayong pumunta ng DFA para kuhain ang authenticated transcript of records ko.

Ala-siete pa lang ng umaga, gumayak na ako kasi inaasahan ko na ang mga aberya lalo pa’t perstaym ko pupunta ng DFA at mag-isa lang ako. Ang itinuro sakin, sasakay lang daw ako ng bus na may karatulang Baclaran DFA tapos bababa na ako dun mismo. Dala ang ngayo’y peyborit kong backpack, lakas-loob akong nagpunta mag-isa sa DFA.

Tama naman ung itinuro sakin at nakarating ako ng DFA na malapit sa moa. Excited akong pumasok sa DFA kasi nakarating ako ng maaga. Ang kaso, pagpasok ko at pagpresent ko ng claim stub sa guard nung tinanong nya ang intention ko, sabi maling DFA daw ung napuntahan ko kasi passport ang pinaprocess doon at sa lumang DFA daw ako dapat pumunta. Dalawa pala ang DFA, isang luma (old) at isang bago (new).

Dahil hindi ko alam kung san hahagilapin ung lumang DFA, nagtanong ako sa guard doon at sabi, sasakay daw ako ng jeep na pabaclaran at bababa ako ng edsa at sasakay ng jeep palibertad at sasabihin ko lang, DFA.

Nakarating naman ako ng mapayapa. May nakasabay akong manong na kukuha din ng authenticated documents para sa anak nya. Ibinaba kami ng manong drayber sa may gasolinahan malapit na daw sa DFA un. Pagbaba namin ng jeep, madami na kagad sumalubong at nag-alok ng kung ano-ano. May ballpen, ID picture service at kung ano-ano pa. Palinga-linga kami kung saan banda lalakad kasi parang intersection ung lugar na un, mula dun sa binabaan namin, pwede kang dumirecho, kumaliwa, kumanan or bumalik sa kung saan galing ung jeep na sinakyan mo. Tapos may naglalakad na lalake na napatingin samin (muka naman siyang baguhan din duon, may bitbit siyang long brown envelope na nakalagay sa long plastic envelope). Nagtanong siya samin nung manong na nakasabay ko,

“for releasing na lang din ba kayo?”, sabi nung lalake.

“oo.” mabilis naming sagot ni manong na kasabay ko.

“doon banda un oh, sa may maroon na building, 2nd floor”, sabi nung lalake.

Dahil hindi namin alam ni manong kung san eksakto, sumunod kami sa direksyon na binigay nung lalake. Pag-akyat namin, nagtaka na kagad ako kasi maliit lang ung building, malayo sa itsura nung new DFA na una kong napuntahan. Iginala ko ung mata ko sa second floor nung building na pinuntahan namin pero wala akong makitang anino ng logo ng DFA. Iginiya kami ni manong nung tao duon, sabi sa loob daw nung isang office sa second floor at sumunod naman kami.

Pagpasok, mas lalo akong nagtaka kasi ung office na pinapuntahan samin ni manong nung lalakeng nagsabi samin, mukang agency lang, tapos may logo akong nakita ng DFA pero mukang panahon pa ni mahoma tapos pinaupo kami malapit sa table. Kinuha ung claim stub namin ni manong. Buong akala namin, pag bigay nung claim stub, hahanapin na nila ung records namin tapos ibibigay na (kasi may katabing malaking drawer na parang lalagyan ng mga long folders) nung babae na nagentertain samin. Nagkatinginan na lang kami nung matandang manong.

“Naku, July 8 pala tong sayo, tanghali na, baka sa lunes mo na ito makuha ung docs mo.”, sabi nung babae na kumausap samin

Nagtaka ako kasi 8 naman ngayon at ang alam ko dapat makukuha ko na kagad un,

“Ah talaga po, bakit po ganun?” sabi ko

“tanghali na kasi, sana inagahan mo”, sabi nung babae.

“…..” tahimik lang si manong na kasabay ko, nakikiramdam.

Ung babaeng kumakausap samin, kinokopya na ung details sa claim stub namin. Tahimik pa din kami ni manong na kasabay ko.

“May babayaran pa po ba kami?” tanong ko.

“Ay meron, 700 dibale, eto nireresibuhan ko na nga kayo.” sabi nung babae.

Nagtaka ako kasi ang alam ko nagbayad na ako sa iskul namin tapos sabi nung superduperfriend dannahbear ko, 100 na lang ung babayaran. Tiningnan ko ung resibong ginagawa nung babae at napansin ko ung pangalan at logo dun sa resibo. Parang Maharlika something ung nabasa ko at iba ung logo, makulay pati ung resibo. (kamuka nya nga ung binebenta naming resibo sa tindahan namin dati)

“700 po?ang mahal naman. Wala pa po akong dalang 700 eh. Teka po, magwiwithdraw lang po ako.” sabi ko

“Ah, sige, meron dyan sa malapit, ano ba ung atm mo?” sabi nung babae.

“Ay ayus po pala kung meron dyan sa malapit, mabilis lang ako.” Ay teka po, kunin ko po muna yung claim stub ko” sabi ko sabay alis.

Yung manong na kasabay ko, umalis din at sumunod sakin pero dahil nga sa pagmamadali kong makalayo sa maroon na building, nakalimutan ko na siya.

Actually alibi ko lang yung sinabi kong magwiwithdraw ako kasi may 700 pa ako nun sa wallet ko, wala lang akong maisip na maidahilan kesa namang sabihin kong “Fixer kayo!Fixer!Mga Salbahe!” nung marealize kong may mali sa nangyayari. Edi malamang hindi na ako nakalabas ng buhay doon.

Nagpakalat-kalat ako doon sa street na yoon. Lakad dito, lakad doon. Tanong dito, tanong doon. Tapos may mga manong na naman na lumalapit sakin at inooferan ako ng ID picture kasi kailangan daw noon. Sabi ko madami na ako noon kahit wala. May super makulit na manong na talkies talaga ng buong giliw. Pilit nya akong kinukumbinsi na kailangan ng ID picture sa pagkuha ng red ribbon docs sumabay pa talaga sa paglalakad ko pero dedma lang. Tapos may bigla na lang na humila saking lola (nakapolo shirt at maong pants na may payong na blue)

“naku iha, wag kang magpapaniwala sa mga tao dito na may ID. Fixer yang mga yan. San ba ang punta mo?” sabi nung lola.

“kukuha lang naman po ako ng TOR ko na may red ribbon eh nakaiskedyul po ako” sabi ko naman.

“ay ganun ba? malapit ka na, direchuhin mo lang ito tapos kanan ka, DFA na un, ung luma” sabi nung lola.

“ay talaga po?kanina pa po ako pakalat-kalat dito eh, kung san-san po ako itinuturo” sabi ko.

“naku mag-iingat ka kasi madaming loko dito. Oh pano, sige, mauuna na ako iha, mag-ingat ka.” paalam nung lola.

“opo, salamat po!” nakangiting sabi ko.

Sinunod ko ung direksyong bigay ni lolang mabait at nakarating naman ako sa DFA na luma. At sigurado na akong DFA talaga un kasi malaki siyang building at sa gate pa lang kita na kagad ung name at logo gaya nung sa DFA na bago na napuntahan ko. Pagpasok ko ng gate, daan ulit kina kuya at ate guard, proud akong ipinakita ung claim stub ko at nakapasok na nga ako.

Pagpasok mo dun, ilalagay mo ung claim stub mo sa may table na may mga nakasulat na kategorya: Priority list (hindi ako sure), CHED/TESDA/DEP ED, LTO ata tapos (hind ko na matandaan), PRC/DOLE, tapos ung pang4th, hind ko na din matandaan. Gusto ko sana itong lapitan para picturan ng malapit kaso nahiya ako kasi mag-isa lang ako. hehe

Pagkatapos mong ilagay ung claim stub mo ayon dun sa kategoryang nakalagay sa may table, uupo ka at aantaying matawag ung pangalan mo. Kapag tinawag na ung pangalan mo, sasabihin kung saang window ka lalapit. Nung tinawag ako after 20 minutes, sa may window 50 ako pinapunta.

Huwag kakalimutan na kapag tinawag na ung pangalan mo, ihanda na ang valid ID. Pag nakalapit ka na sa mismong window, ibibigay sayo ung certificate mo, tingnan maigi ung pangalan mo at iba pang mahahalagang detalye. Mahirap nang maaberya. Kasama nung certificate ung resibo mo na dadalhin mo sa may cashier sa may gawing kanan (sori naman at walang picture)

Pagkatapos mo magbayad sa cashier, pupunta ka ng window 49. Iistaple ung resibo na kulay white (na may pagkapink) sa certificate na binigay sayo earlier. Tapos uupo ka ulit para antaying matawag ung pangalan mo.

Mga isang oras mahigit ang inantay ko bago matawag yung pangalan ko. Buti na lang may dala akong babasahin.

Makalipas ang mga isang oras, tinawag na din sa wakas ang pangalan ko. Tapos ang inatupag ko naman ay ang paghahanap ng exit. Buti na lang mga mga guard na pwedeng mapagtanungan lagi.

Ayun. Sa wakas, natapos din. Naglakad na ako pabalik sa may sakayan paLRT. At ung lalakeng nagturo samin nung manong na nakasabay ko, ayun, nakatayo pa din siya sa may tapat ng gasolinahan at nag-aabang ng mabibiktima. Gusto ko sana siyang picturan kaso inunahan ako ng takot, (ako na ang duwag, mas malaki kasi siya sakin ng hindi hamak).

Sumakay na lang ako kagad ng jeep at pasimpleng pinicturan ung gilid na kalsada kung saan kita ung maroon na building.

Ung may bilog na pula, ung ung building kung saan kami itinuro nung lalake. Paalala, huwag po kayo dun pupunta kasi sisingilin kayo ng 700 imbes na 100 lang ung babayaran.

Kung sa baclaran kayo sasakay papuntang lumang DFA, ung may karatulang DFA City Hall ung sakyan nyo. May terminal po sila dun banda sa baclaran halos tapat ng RCBC establishment doon. Sabi nung manong driver na nainterbyu ko at napagsumbungan din ng nangyari sakin, kung ang punta nyo daw ay sa may bagong DFA, meron daw terminal sa MOA na papunta dun pero kung sa luma, sa baclaran lang talaga. Pero kung trip nyong maglakad papuntang DFA na luma, pwede din kayong maglrt paLibertad at tahakin ang malubak na kalsada, hehe.

Sa katapusan ng araw ko, masaya ako at kahit may onting aberya sa simula, nakarating din ako sa dapat kong patunguhan. Maliban pa dun, mas naramdaman kong isa akong blessed individual. Hindi ako pinabayaan ng nasa itaas na malagasan ng 700. Pinadalhan nya pa ako ng fairy god mother sa katauhan ni lolang mabait. Nakauwi na akong ligtas samin, dagdag karanasan pa ito sakin!

Maligayang weekend sa ating lahat! ^^

confabulation of ideas at its best


sobrang antok na antok ako in the real essence of the word antok
kulang na lang maglatag ako ng banig sa ilalim ng station ko para humilata at matulog
kasalanan ito ng my girlfriend is a gumiho.
nag15minute break ako dahil ibang lebel na talaga ang antok na nararamdaman ko. Nakatulog naman ako, kala ko sobra 1 oras at overbreak na naman ako kasi nanaginip pa ako. Sabi na eh, proven and tested na may curse ang mga upuan sa lounge namin. Napanaginipan ko na antagal naming naghanapan ng utol kong bunso sa airport. At nang makita ko siya, mukha na siyang iiyak dahil hindi pa ako dumarating. Kung bakit ko nabanggit ang airport ay dahil susunduin ko siya sa loob ng ilang oras. Perstaym nyang mag-isang sasakay ng eroplano. Dati kasi lagi kaming magkakasama nila mama lalo na pag magbabakasyon sa probinsiya. Sa kasamaang-palad, hindi makakasama si mama dahil madami siyang inaasikaso. Kaya siguro napanaginipan ko ung utol ko. Siguro ako din kinakabahan, haha, sana maging okay lang siya. Pero sabagy malaki na ung mokong na yun. Pero maiba ako, in all fairness, hindi ako OB. haha

**

batiin nyo ako, monthsarry namin ng aking boypren kahapon
hindi ako mahilig magbilang ng kung ilang months, days, hours, minutes or seconds na kami.
basta alam ko lang pag 11 monthsarry namin,
pag sumaktong april tapos 11, anniversarry naman namin
may kakilala kasi ako na all week/month/year long celebration ang monthsarry nila
basta kakaiba siya, daysarry, weeksarry, monthsarry at anniversarry; andaming sarry
siguro kung may hoursarry, minutesarry, secondsarry at microsecondsarry, pinatos na din niya
sa status message ko sa facebook, sabi ko, ambilis ng buwan, kasi monthsarry na ulit namin
sabi ng boypren ko, oo nga, kasi 37 months na kami
hindi ko na napansin, haha, akalain mong matagal na pala kami
bigla ko tuloy naalala na ito ang pang-walong monthsarry namin na hindi na kami magkasama
lecheng distansya, panira ng moments 😦
anyhow, sa totoo lang hindi ko akalain na kami pa hanggang ngayon
alam nyo naman ang mga relasyon na nagiging long distance
pati feelings nila nagiging ocean’s apart din
pero nakakatuwa lang na kami pa din, hehe
(insert super smiling face here)
salamat sa celepono, facebook at skype
our love still thrives
it transcends through time and distance
anak ng! gumaganun pa ako, haha
bading na bading lang

**

sinusubukan kong gumawa ng lab istori ngayon base sa mga kaibigan at kakilala ko
may naisip na kong title ng series
Kingkong Barbie Series (sobrang pinag-isipan ko talaga to)
Bahay ni Tito Series (eto slight lang na pinag-isipan)
pangarap kong isend ito sa Philippines Heart Romance
at baka-sakali
nakikinita-kinita ko na madaming bibili ng series ko na ito
(yan ang tinatawag na self-confidence!haha)
kung kelan ko ito matatapos? mga after 20 years siguro, hehe
hindi ako magaling na manunulat
last time na gumawa ako ng lab istori,
sandamukal na tawa mula sa kaklase ang napala ko
pero gusto ko pa din subukang gumawa
wala namang time limit at pass the papers sa paggawa nito
anyhow, hindi naman ako professional writer
kung san may boss na nag-aantay ng manuscript
so wish me luck, wahaha

**

may sinalihan akong contest
isang malaking himala pag nanalo ako
pero sana maghimala pa din, haha
gusto ko pa naman ng kindle 3
dun ko balak ilagay ung mga manga na gusto kong basahin
alam kong pwede sa dsi ung manga kaso maliit kasi ung screen
kaya mas gusto ko na ung kindle kahit black and white
may nagsuggest na mag-Ipad na lang ako
kaso haler, ang mahal
so erase erase erase
pag hindi ako nanalo, magttyaga muna ako sa dsi ko

**

speaking of documents
dumating na ung package ko na galing ng prc at dumaan sa dfa
ito ang umubos ng 2 weeks worth of allowance ko sana
ito ang dahilan kung bakit puro hotta rice ang pagkain ko for 2 weeks
ako na ang bitter, haha
pero ang nakakatawa nung makita ko ung dokumento pagkagising
para lang akong timang, niyakap ko kagad ung dokumento
as if makakalipad na agad ako sa kung saan
gamit ang dokumento kong may pulang laso
dapat navideohan ako habang nagtatalon dahil hawak ko na un eh
muka lang akong batang binigyan ng peyborit nyang kendi

**

naalala ko
andami ko pang gala na dapat iblog
naku naku
ako na ang busy-busyhan
sana sipagin ako ulit gaya nito
para naman maiblog ko ng bonggang bongga ang mga dapat ko pang iblog