pakasalan mo yung taong mabubusog ka


sabi nila hindi nakakain ang panglabas na ichura, sabi pa nga ni Andrew E. humanap ka ng panget at ibigin mong tunay.

pero siguro swerte ako kasi yung taong pinakasalan ko nakakabusog na ang ichura nakakabusog pa ng puso at sikmura.

FB_IMG_1464443453473

Sa tuwing nakikita ko ang asawa ko, gusto kong umeksena ng linyang “thank you Lord ha, pandesal lang naman hiningi ko, hamburger binigay nyo, may fries pa!” oo na, masyado kong literal, mukha lang akong palaisip pero ganyan ako kababaw, hahahaha 

but on a serious note, sa tuwing nakikita ko yung asawa ko, yung pakiramdam na ihahain na sayo yung pinakapaborito at pinakamasarap na pagkain para sayo (sa panahon na abot langit ung gutom mo) yun ang nararamdaman ko lalo na pag may dala siyang pagkain para sa akin hahaha (pero syempre gaguhan na lang kung sasabihin kong ganun parati, ano to, librong may ending tapos happily ever after.😈)

pakasalan mo yung taong bubusugin hindi lang ang sikmura mo kundi pati puso, kasi tandaan ang pagkain nabubulok, minsan hindi nauubos at yung tira-tira tinatapon. guilty ako sa part na to, kasi yung asawa ko nakakabusog, ako naman nakakagutom, maliban sa hindi ako mahilig at hindi masarap magluto, nung nagpaulan ata ng sweetness sa mundo, ang himbing ng tulog ko. nakakatuwa lang na understanding yung mister ko.

anyhow, sa sweetness lang ba nasusukat kung sino ang mas nagmamahal? hindi siguro? kasi kahit hindi ako sweet, hindi clingy, mas madalas na parang walang pakialam pero kung tatanungin niyo ko kung mahal ko yung asawa ko ?abay mahigit pa sa 100% porsyento ni taguro sasabihin kong Oo.

mamahalin ko siya sa paraang alam ko at walang makapipigil sakin sa ngalan ng buwan. ayy thank you.

oops hindi pa namin Anniversary, napagtripan ko lang umarte nakakainspire kasi si MEGumiho, ayan tuloy😸😻

paru-paro


pagkatapos kong pagalingin ang ego kong sugatan sa recent rejection sa isang job application, sumabak na naman ako sa oplan hanap trabaho.

sa totoo lang hindi ko na din sigurado kung anong trabaho ung gusto kong patusin, sabi nga nung isa kong kaibigan ko magulo daw ako, sabi ko naman edi kayo na may direksyon sa buhay. hahaha. gusto kong subukan magtrabaho sa ospital pero yung huling tumawag sakin eh parang joke time ung salary offer, kahit ata sarili ko hindi ko mabubuhay sa ganung sweldo. Yung isang sikat naman na ospital, aba inimbitahan ako sa exam at interview eh anak ng tokwa, pagkatapos mo pala ipasa yung mga yun magbabayad ka muna ng 10 libo para sa training at depende sa performance mo kung iaabsorb ka nila. Edi wow. so saan ba pupunta ang isang katulong ng doktor na ex-ofw para maghanap ng trabahong pwedeng makabuhay ng pamilya kahit papaano , edi ang in na in na trabaho sa Pinas, call center. Bow.

Galing na kong callcenter bago pa ko nangibang bayan, pero nung panahon na un hindi pa naman ganun kagrabe ung Application process. Ngayon halimaw, natatandaan ko nun, petiks mode naman ung application at recruitment process namin nun. Hassle free at walang stress. Eh yung pinakarecent na inaplayan ko eh one day application daw eh nak ng pusa ung lalamunan ko sumakit ng husto. May initial interview tapos computer exam tapos phone interview (hati pa sa dalawa yan) tapos Versant (yung computer generated ek ek na nagggauge sa Communication skills mo daw) tapos typing test, tapos phone interview ulit tapos final interview (na parang lahat ng tanong sa isang interview naitanong na niya at lahat ng pwedeng scenario sa trabaho na naexperience mo ay gusto niyang ipakwento. Anyways siguro may swerte, naipasa ko naman lahat. Pero nakakahaggard na tunay.

Nung lumabas ako ng Company building para maglunch,may paru-paro na dumapo sa daliri at kahit anung gawin ko ayaw umalis. Ayun naisipan kong piktyuran.

img1464275496419.jpg

sabi nila, ang mga paru-paro ay mga mahal mo sa buhay na pumanaw at muling dumadalaw. parang ang creepy pero nakakatuwa din isipin.

naisip ko, parang ako yung paru-paro, palipad-lipad, palipat-lipat. mula Pinas nagpunta ng disyerto tapos balik sa lupang sinilangan. naisip ko bigla, sana dumating yung panahon na may iisang bulaklak lang akong tutuntungan.

dahil mas marami pang mahalagang bagay kesa pag-eemote


Habang nakahiga ako katabi ng anak kong payapang natutulog na may konting paghihilik on the side, iniisip ko kung saan ako nagkamali sa pagsagot sa interview at exam ko kahapon sa isang kumpanya. andaming tanong bigla sa utak ko. bakit kaya hindi pa sila nagtetext. zero ba ko sa exam? hindi nila feel ang aura ko? pati ba naman sa non-voice bokya ako? hanggang mapunta sa saan ba ko nagkamali ng desisyon sa buhay at struggling pa din ako? nakakaguilty bigla na nag-anak ako pero hindi ko pa siya kayang bigyan ng magandang buhay na tutugma sa ideal na magandang buhay sa isip ko.

hanggang sa naalala ko hindi ko pa pala napaplantsa yung damit ng baby ko na nilabhan ni daddylabs. 

tapos may narinig ako sa isip ko na nagsabing “Cut! OA na!”

oo na, eto na nga, magpaplantsa na.

namimiss kita


dear fresh-grad me,

It’s been a while. Hindi na siguro tayo magkikita. Baka sa panaginip na lang. Nakakamiss ka naman. Nakakamiss yung positive outlook mo sa kinabukasan. Yung kainosentehan mo sa real world after graduation. Yung curiosity mo sa mga bagay na hindi mo pa napagdaanan at naranasan. Gaano na ba katagal?walong taon na ba?magsisiyam?halos isang dekada na pala. Kung magkikita kaya tayo ngayon anong sasabihin mo sakin?matutuwa ka kaya?

alam mo nakapag-abroad tayo. may nadagdag sa kakaonting kaibigan na meron tayo. tapos nagkapamilya din tayo sa edad na 27 gaya ng plano mo nun. kung tatanungin mo ako kung natagpuan ko na ang forever, hindi ako sigurado. pero gusto kong malaman mo na matapos ang ilang taon naming magkasintahan at isang taon mahigit na mag-asawa, yung paru-paro sa sikmura, andun pa din. gusto ko yung idea ng forever pero masyadong too good to be true yun. wala namang nabubuhay forever. kapag umabot kami sa puntong puti na ang buhok at nagmamahalan pa din, susulatan kita ulit at sasabihin kong eto na nga ata yun. 

oo nga pala, nagka-anak ka sa edad na 28. ang cute cute ng anak mo. ayan hindi ka tatandang-dalaga gaya ng hula mo. hindi mo na kailangang magimagine kung magiging kamukha mo ang anak mo if ever kasi nakikita mo siya araw-araw na unti-unting lumalaki.

ay oo nga pala hindi ka pa din milyonaryo. wala ka pang bahay at lupa, walang investment at walang savings (paubos na eh). Oo. Magttrenta ka na pero struggling ka pa din.  Sorry ha. Hindi tayo sinuwerte sa trabaho eh at sorry kasi hindi ako ganun kawais sa pera. Nakalimutan ko na isa sa listahan mo nun ay ang magkaroon ng sariling bahay at lupa bago magasawa. Pero wag kang mag-alala, nakalibot naman tayo sa Pinas kahit paano. Hindi lang kasi talaga kinaya ng sweldo ko na makabili ng bahay at lupa kasabay ng paglalagalag natin nun eh. Pero hayaan mo naghahanap ako ng trabaho. Tiwala lang. Makakabili rin kami nun. Sa ngayon bahay at lupa sa larawan muna ha.

at oo nga pala ulit, burdado ka na, isa ka na sa mga posibleng mahatulang adik dahil lang may tattoo ka. pero wala kang pakialam kaya keri lang. Gusto mo pa ngang dagdagan eh.

oo nga pala,sa kasalukuyan isa tayong dakilang tambay. Wala kong ginagawa kundi asikasuhin ang anak natin. Hindi ko alam kung epekto ng panganganak to or yung punyemas na hormones pero nadedepress ako. Lalo na kapag dumadating yung gabi , ung pipikit na lang at matutulog biglang gising ung diwa mo. Those negative thoughts are like molds slowly eating my brain piece by piece. Alam mo kasi kahit yung mga motivational quotes na nababasa ko these past few days hindi naauplift yung espirito ko. ano bang life crisis ang tawag dito? 

anyways, bago ka magmukmok at madepress nang slight, hindi ka naman minalas sa buhay mo. Madaming taong nagmamahal ang nakapaligid sayo, madaming opportunities ang inilatag sayo, madaming exciting adventures ding sinagupa ka at eto buhay pa tayo. siguro, kung babalikan kita ngayon, gusto kong hiramin ulit ung mata mo, para fresh ulit ang pagtingin ko sa mundo. kasi kahit naman cynical tayo since time immemorial, there’s something pristine about you, something I’ve lost along the way. virginity ba ito?

anyhow, kung babalikan kita at tatanungin mo kong bigla kung kumusta ang pagiging ina, ahmm nagsisimula pa lang ang laban, sasabihin ko sayo kapag alam ko na ang sagot. ay may naisip ako, kumusta ang pagiging ina? KOMBI! kumbinasyon ng pinaghalo-halong pakiramdam.

Kung babalikan kita at itatanong mo what is love, sasabihin ko sayo go experience it yourself. masyadong kumplikado ang love para isagot sa tanong na “ano”.

kung itatanong mo sakin kung kumusta ang buhay may-asawa, masaya pero hindi laging malungkot. masarap sa pakiramdam na may pakners ka sa pagharap sa bawat umagang gumigising sayo. hindi ko maipaliwanag pero may mainit na pakiramdam sa katotohanang may kashare ka sa saya, sa hirap, sa lungkot, sa wala lang. bago bumerde yang utak mo, yung mainit na pakiramdam na sinasabi ko, hindi libog lang. wala pa akong naiisip na pinakamagandang terminong babagay sa ganung pakiramdam. kapag nalaman ko na sasabihin ko sayo.

andami kong sinabi na out of context sa pagkamiss ko sayo noh? hmm pero kung babalikan kita ngayon, makikilala mo kaya ako?

a piece of heaven


andami kong iniisip nitong mga nakaraang araw. siguro epekto ng puyat at tambay mode. pakiramdam ko wala kong direksyon. nakakapraning din pala yung ganitong buhay. lalangoy o lulubog. minsan nakakadepress lang. ready na kong makinig sa kantang emo at lunurin ang sarili ko sa nakakaurat na pakiramdam ko ngayon kaso bigla kong napatingin sa gilid ko.

img1458822600403

tapos naisip ko, may langit pala dito sa lupa. napangiti na lang ako.☺

dear ate esther


or ma’am esther ba dapat? mukha po kasi kayong prof eh. kumusta na po kayo?isang dekada na din ang nakakaraan nung huli tayong magkasama sa boarding house kay ma’am Tess ata (nangangalawang na po ng husto ang memorya ko kaya hindi ako sigurado sa pangalan nung landlady natin)

naalala ko po kayo bigla kasi nakita ko yung piktyur na to..

Processed with VSCO with f2 preset

nakalimutan ko na din po kung anong merienda ung iniwan nyo sa mesa ko nun sa boarding house eh, ung dedication lang ung nakunan ko ng larawan. Sayang!

Naalala niyo pa kaya ako? Ako ung awkward nyong roommate na bihirang magsalita. Lagi nyo kong nililibre ng agahan sa coop lalo na pag naabutan nyo kong magluluto ng punong-puno sa sustansyang pancit canton (kaya nga lagi kong late nun sa isa kong subject, well not that I’m complaining, hahaha, kahit ilang beses ulitin mas pipiliin ko pa din ang libreng agahan kesa perfect attendance, hehehe)

Naalala nyo pa din ba ung panlilibre nyo sakin ng hapunan sa SC? Sa may roddicks po? Tapos kakain tayo ng icecream! Na libre nyo din, hahahaha, para po kayong ibang katauhan ng ate Ching ko nun na isa ko ding dakilang tagalibre. Hehehe

Siguro pag naalala nyo ko, ang maalala nyo lang ay kung gaano ako kalakas lumamon. Hmmm. Bakit nga ba wala po tayong piktyur na magkasama? Sayang naman! Ay awkward nga pala ko nun, hahahaha actually hanggang ngayon, not much has changed though. Mahiyain pa din po ako, medyo kumapal lang ng konti saka dumaldal ng onti pero awkward pa din.

Anyhow, sana okay kayo. Hindi nyo alam kung gaano nyo pinagaan ang buhay estudyante (purita mode). Sayang nga lang hindi ko man lang kayo naitreat kahit minsan. Pangarap ko kaya kayong itreat sa Chocolate Kiss Café kung san panalo ang chicken fingers at iced tea. Sana magkita tayo in the future. I would gladly introduce you to my soon-to-be born daughter😊. Or baka sa ibang buhay na tayo magkita, sana po makatagpo na kayo nun ng tunay na pagibig, ung makakasama nyo habang pagtanda. Wala lang. Emoterang palaka lang po. Basta. Sisihin ulit ang hormones ng pagbubuntis.

 

 

 

 

random conversation & shit


okay. title pa lang punong-puno na nang laman.

jebs?

pwede!

ooopppps!pasintabi sa kumakain!

*****

Dr. G. : “is there anything else more important to you than work and money?

aubu: “uhm faith?”

Dr. G. : “you’re stupid, you know that?”

aubu: “okay. can I go now, Doc?”

Dr. G. : “yala!” (arabic term for “go”)

when I asked for an early time out because I had to attend a church duty. our conversation last 5 minutes or so but I decided to cut the rest because it includes a cut on my salary, bargaining and all. blah blah. boring and nonsense.

*****

your daily horoscope. walang bago maliban sa baboy at tsismis. still, may makakasama ka pa ding dwendeng manggagamot. tumingin sa dinadaanan baka madapa.

– an sms sent from our clinic phone courtesy of Kylie, our kabayan male receptionist. clap!clap!clap! a big hand for his ingenious mind. I almost thought I was uber late because it’s a rarity that I get an sms from our phone. ( lagot ka pag nalaman ng mga amo kung san mo ginagamit ang load ng mga cellphone sa clinic!hahaha)

*****

jerabeck: “hindi ako masaya dito. gusto ko nang umuwi.

aubu: “nagtatrabaho ka sa banyagang lupain tapos malayo ka sa pamilya mo. pag-uwi mo ng bahay wala ka pang pagkain. tapos maglalaba ka pa ng uniform. tapos magpapahinga at matutulog ka tapos bukas ganun ulit. sa tingin mo lahat ng tao dito masaya?”

jerabeck: “hindi. pero at least yung iba hindi pareho ng buhay natin.”

aubu: “ganun talaga. kanya-kanyang swerte lang. malay mo bukas malas ka pa din. anung ulam mo mamaya?”

jerabeck: “ikaw na!”

jentot: “wag mo ngang pinagkakakausap yang si aubz at gagaguhin ka lang nyan.”

usapang bomalabas nung isang araw sa panahong petiks mode sa clinic.

*****

aubu: “anung meron?”

ate jerly: “himala!”

kylie: “may cake na bigay sila Doc! tigi-tigisa tayo!”

jerabeck: “baka inorasyunan yan!”

aubu: “pagkain pa din yan. lamang tyan. ay Diwali festival pala nila. ngayong araw ba un or bukas?”

imee: “ay uu nga, last year, sweets galing sa bansa nila ung binigay nila amo eh.”

aubu: “mas gusto ko yung last year.”

ate margie at ate cecil: “katabi lang namin ang capricorn, kaya naming bumili ng cake dun.”

kylie: “at least ito libre!hahaha”

usapan ng mga kabayan staff sa clinic nang binigyan kami ng tig-iisang box ng cake para sa Diwali Festival ng mga amo namin.

eh ung..


dear odd one out,

alam mo yung pakiramdam na nasigawan at nasabihan ng “stupid”, “idiot”, “dumb”, at  “no commonsense” sa iisang sentence lang?sakit sa tenga. eh ung hindi mo pati kasalanan?mas masaklap.

hindi maipagtanggol ang sarili kasi bawat salitang bigkasin ko pakiramdam ko hinihiwa ung labi ko at nilalagyan ng kalamansi. aun. lunok laway. (pesteng singaw talaga. hindi ka na nga makakain hindi ka pa makapagsalita ng maayos.) leche.

pakunswelo na lang sakin na nagsorry yung totoong may sala at pati siya nasigawan din.

ayun. move on na lang.

lubos na masama ang pakiramdam at nahihirapan (sa singaw),

aubu

 

 

dear odd one out


dear odd one out,

una sa lahat sorry kasi generic ung tawag ko sayo nitong mga nakaraang post ko.

nakalimutan kong may name ka nga pala.

inaantok na ako pero gusto ko pa muna kitang balitaan.

alam mo ba nung isang araw nagpunta ako sa hypermarket dito at bumili ng papayang berde?

ihahalo ko kasi sa sinabawang halaan. pero aun, muntikan na kong makabili ng melon.

kahugis at kakulay kasi ng berdeng papaya yung melon na nakita ko (although nung nakita ni maida hindi naman daw kahawig)

nakakahiya kasi pagkakuha ko sa vegetable tray pinahiwa ko kagad at pinakilo

tapos dun ko pa lang narealize na hindi pala papaya yung nadampot ko.

nakatatlong ikot ata ko sa fathima supermarket para isipin kung bibilhin ko ba ung melon na akala ko papaya or hindi.

pero ayun nagtagumpay ang kasamaan at iniwan ko na lang un sa isang sulok ng mga gulay.

pero naguilty naman ako ng onti.

hindi ata ako natunawan sa kinain kong halaan na may berdeng papaya sa pagkakonsensya.

anyways, feeling ko fresh grad pa din ako. madaming hindi alam.

sakit lang sa bangs. tapos ilang years na lang 30 na ako. OMG.

felt like I haven’t lived my life yet. so what am I doing these past few years then?

hindi ko na alam kung anung krisis ang itatawag ko sa nararamdaman ko ngayon.

ilang months na lang matatapos na ung kontrata ko.

feeling ko bibitayin na ako.

kahit may nakaplano na sa utak ko bakit hindi ko pa din mapigilang mangamba?

anung meron?

lagi na lang akong nag-iisip nitong nakaraang linggo.

mukha na tuloy akong pimples na tinubuan ng mukha.

hahayst.

wala na kong sinabing makabuluhan. matutulog na ako.

 

lubos na inaantok at napapraning,

aubu