pag-asa, umasa, walang pag-asa


nakausap ko kaninang tanghali ang mama ko na kasalukuyang nasa Tacloban. gaya ng sagot nya nung una, wala siyang balak lumuwas at iwan ang tirahan namin. naniniwala ang mama ko na may pag-asa ang lugar namin. tiwala lang. kaso nung nagkwento siya, nawalan naman ako ng tiwala kaagad.

naitanong ko sa mama ko kung paano niya naicharge ang cellphone niya samantalang wala pang kuryente sa buong Leyte. sabi ng mama ko nakicharge daw siya sa kapitbahay naming may generator. alam niyo kung magkano? tumataginting na 50PHP. oo, barya lang sa iba yon pero sa mga naapektuhan ng bagyong Yolanda gaya ng pamilya ko, ginto na yun. sabi ko sabi sa news may libreng charging stations daw na nakakalat sa buong probinsiya namin pero sabi niya, kung pipila siya aabutin siya ng siyam-siyam at kailangan niya pa maglakad ng mahaba ng ilang oras kasi sa may munisipyo daw yun. tsaka ung kapitbahay daw na may generator bumibili pa ng gasolina sa labas eh ginto daw ang presyo nun ngayon kaya ganun ang singil sa kanila. (sa kasalukuyan daw, walang bumabyaheng mga pampasaherong jeep, multicab or tricycle dahil sa kakulangan ng gasolina doon sa Tacloban)

galing din daw kanina sa palengke ang mama ko at naghahanap siya ng mabibilhan ng pagkain. at ang presyo ng bilihin?talaga namang nakakarimarim. dalawa lang ung nabanggit niyang bilihin sakin kanina kasi naputol na ang usapan namin dahil naubusan ako ng load.

presyo ng 1 kilong bigas: 80PHP
presyo ng 1 kilong asin: 65PHP

napamura ako ng wala sa panahon. paano pa kaya ang presyo ng tubig?

oo. nag-aral ako ng law of supply and demand. anong subject nga ba yon?economics?oo. economics nga. sabi sa law of supply and demands, pag tumaas ang demand at ang supply hindi nagbago, magkakaron ng shortage na magreresulta sa higher equilibrium price.

pero anak naman ng teteng. nasalanta na ng bagyo ang mga tao sa Tacloban tapos kukupalin pa ng mga hinayupak na may kakayanan sanang tumulong. (*insert malutong na mura here*). asan ang katarungan dun?

naisip kong kumustahin kung may relief operation sa lugar namin, meron naman daw. 3 kilong bigas, 2 latang sardinas, noodles at 500ml ng tubig (hindi ko lang alam kung ilang piraso) bawat isang pamilya. naisip ko, sa dami ng donasyon galing sa naglalakihang bansa, yun lang yung umabot samin?oo alam ko dapat magpasalamat ako at may umabot but I can’t help but be bitter. limpak na limpak na salapi ang itinulong ng iba’t ibang bansa, kung tutuusin, kaya sanang mamigay kahit sako-sako ng bigas sa bawat nasalantang pamilya pero bakit ganun?tinitipid ang mga biktima? nasan na kaya yung donasyon ng taga ibang bansa, ah, nasa bulsa siguro ng mga ungas na politiko. nyeta kayo.

sabi ng mama ko, marami pa din ang ayaw lumikas sa lugar namin. bakit?kasi umaasa sila na babangong muli ang Tacloban. sabi  nga sa isang campaign “Tindog Tacloban!”

nabanggit ng ate ko na ang projected rehabilitation ng Tacloban ay 2 months, sabi naman ng isa kong ate 1 year according sa balita. ewan ko na lang kung gaano katagal. siguro kung yung milyon-milyong donasyon ng iba’t ibang bansa igugugol sa rehabilitation ng mga lugar samin na naapektuhan ng bagyong Yolanda, mabilis pa sa alas kwatro, recovered na ang mga devastated areas. kaso asa naman ako noh. talamak ang mga gahaman sa mga nakaupo sa pwesto, kung yung mga simpleng relief goods at medical supplies nga hindi maideliver nang tama sa oras, yung mabusisi pang pagrehabilitate mapabilis?walang pag-asa. masyado silang busy kung ano ang gagawin nilang istilo sa susunod na eleksyon. putang-ama lang.

Advertisements

……


sa totoo lang, ung natitira kong pera dito hindi aabot hanggang susunod na sweldo. naubos panload kakatawag sa Pinas. sa ate ko sa laguna. sa hinayupak na mga phone numbers na nakapost sa facebook at iba pang websites na may info regarding sa Yolanda survivors na kahit isang number wala akong napala (naubos lang ang load pati pera). pero keribels, may pagkain naman ako sa bahay. at isa pa, naglalakad lang naman ako papuntang clinic. I’ll get by. Malaman ko lang kung ano na ang nangyari sa pamilya ko sa Tacloban, kahit ilang daang load ang magastos  at kahit wala na akong makain okay lang.

hindi naman ako nabigo at nalaman kong okay silang lahat. hindi ko pa din nga lang sila makausap ng personal kasi total black out pa din ang buong Leyte. soon I hope. pitong araw na mula nung huli kong nakausap ang mama ko. namimiss ko na siya. ayoko nang manuod ng news coverage online kasi huli akong nanuod, hindi ako nakatulog kakaisip kung ano na ang nangyayari samin. nakakapraning.

anyways, kanina sa clinic, bigla akong tinawag ni Jerrabeck, isa sa mga katrabaho/kaibigan ko clinic namin. sabi niya may hihingin daw siyang stock sakin (stock controller din kasi ko sa clinic namin). Pagkasunod ko sa kanya sa 1st room, bigla siyang may iniabot na maliit na papel na nakatupi. sabi niya basahin ko yung sulat. may nakalagay “aubu, pagpasensyahan mo na itong abot ko sayo. pambili mo yan ng load pantawag sa inyo”. pagbuklat ko ng papel, may pera sa loob. sa totoo lang, ayoko talaga tanggapin kasi nahihiya ako. hindi kasi ako sanay na tumatanggap ng pera galing sa ibang tao tsaka alam ko kailangan niya din yun, visayas area din kasi ung family niya pero sabi niya mas kailangan ko daw yun kasi hindi naman daw gravely affected ung lugar nila. wala akong nasabi kundi thank you kasi alam ko parehas naman kaming hindi mayaman pero nagawa pa din nyang tumulong sakin. wala lang. touch ako ng sobra. muntik na akong maiyak.

kahit na andami-dami kong problemang iniisip ngayon, nararamdaman kong blessed pa din ako. mula sa boyfriend ko, sa pamilya niya, sa mga kaibigan ko sa Pinas at dito sa disyerto na sumuporta at nanalangin para sa kaligtasan ng buo kong pamilya hanggang sa mga katrabaho ko na pinapalakas ng husto ang loob ko nung mga panahong wala akong balita sa pamilya ko. maraming salamat po. hindi ko po alam kung anung ginawa kong kabutihan sa buhay ko ngayon or nakaraan kong buhay para magkaroon ako ng mga mabubuting taong gaya nyo sa paligid ko.

sa kabila ng mga pangyayari, alam kong malalagpasan namin to. kapit lang sa matatag.

sana talaga maging maayos na ang lahat.

hindi ko alam kung anung magandang title..


dumaan ang taong 2010 nang hindi ko man lang namalayan

pakiramdam ko, isang tulog ko lang ung nagawa ko, 2011 na agad

hindi ko pa pla nakwento kung paano ko sinelebreyt ang new year ko sa tacloban (nagbakasyon kasi ako dun ng apat na araw)

pero isa lang ang masasabi ko, ito ang new year’s eve na hindi ko makakalimutan

paano ba naman, sinelebreyt ko ang new year sa higaan

oo, as in nagseselebreyt sila mama at mga kapatid ko at ako bonggang bonggang tulog

sabi nga ng bunso kong utol, dumayo lang ako ng tulog

nag new year ako sa panaginip

***

sa apat na araw na itinagal ko dun, walang tigil ang ulan

kaya hindi ako masyadong nakagala

ang napuntahan ko lang dun ay puro malls (robinson at gaisano), musta naman un haha

onti lang din ang piktyur ko dun,

pero masaya pa din dahil nakasama ko ang aking pamilya

***

sa apat na araw ko dun ay naramdaman ko na nagmature na ako kahit papaano

naging  instant sta.claus din ako (kahit wala sakin nun)

sinagot ko ang handa sa new year namin

binigyan si mama ng bagong washing machine, binilhan ng celeponong may camera ang bunso kong utol na si JL

sapatos kay Jyrus, damit kay kuya at ariana, polo kay hitler, bracelets kina auntie at toys sa mga bata kong pinsan,

***

sa 3 sa 4 na araw kong andun, instant nanay ako ng bunso kong utol at nakababata kong pinsan

taga-gising sa umaga, tagapagluto ng agahan at taga-plantsa na uniform nila sa iskul

(parang hindi bakasyon ang ipinunta ko dun, ayaw na nga nila ako paalisin eh, haha)

***

sa araw na itinagal ko dun, gumaan ang pakiramdam ko pero bumigat ang balikat

mas tumatak sa utak ko na isa na akong slight breadwinner (kahit idinedeny ko pa din hanggang ngayon pero sabi ni ate ching, aun daw ako pati siya pero hindi lang namin masyado nararamdaman kasi hindi naman demanding ang mama namin pareho)

mas nagkaron tuloy ako ng drive na mag-abroad at magpayaman, (haha)

harinawa’y mas lalo pang bumait sakin ang tadhana sa taong 2011, ajah aubu!

year end wrap-up


May time to beat habang ginagawa ko 2ng post ko na ito (malapit na kayang magNew Year!)

Kung napansin nyo, maliban sa blog entry ko na to, dalawa lang ung previous entries ko sa buwan ng disyembre

Tinamaan ako ng holiday fever plus stress plus katamaran plus limited access sa WP (sa office)

At bago mahuli ang lahat at dahil year end wrap-up nga ito, I should start talking about what had happened to me for the last 365 days of mine this year 2010

una nating tingnan ung to do list ko (rather to buy list, wahaha) ng december 2009

(paste notebook pic here)

I’m so damn proud of myself (so na damn pa, haha) halos lahat ng nakasulat sa planner ko natupad ko naman minus the pinaglalawayang camera at pinapangarap ng running shoes

(sometimes in life you got to make a choice, in my case, instead of buying my target camera this december I opted to wait till next year, I’d go for a brand new cam, hehe) Pero sa totoo lang, binilhan ko kasi ng brand new washing machine ang mama ko at kung bumili ako ng camerang gusto ko, I’d have a tight budget. Ayoko namang pumasok akong bagong taon na puro negative ang kadatungan ko, taon ko pa naman ung susunod. So I set aside my remaining money for the camera at dadagdagan na lang siya next year, hopefully by January or February, mabili ko na ung gusto kong camera)

masasabi kong naging blessed ako this year 2010 (at sana magtuloy-tuloy next year), kung bakit? continue reading please

I got a jumpstart for my nursing career, actually nag-oncall nurse ako, (click here for more info, hehe)

NakapagBLS training sa RedCross (at irerenew ko na naman siya this year, wahaha)

I almost bought all the material things that I wanted (now singing: coz we are living in a meterial world and I am a material girl)

– nakabiili ng bagong celepono, ung touchscreen!

– nakabili ng toshiba mini laptop

– nakabili ng DSI

– nakabili ng levi’s na pantalon
– nakabili nga mga bagong bag (Jansport, Adidas, Ukay na bag)
Nag-iba na naman ang hinawakang posisyon sa opis (bawas burn out dahil nagbago ung ginagawa)

Nakabalik ako ng Zambales kasama ng mga classmates at tropa

Nakapag-gate crash ng Radio station at nakakuha ng libreng shirt

Naipraktis ang pagiging rehistradong botante

Nasilayan ang apo ako este anak ng alaga kong si chacha

Nakaattend ng

Apprenticeship/Management/Leadership c/o opis

Nakapunta ng Avilon Zoo

Nakaisang taong ang blog ko and counting!

Nagbertdey sa pansol laguna kasama ang aking pamilya at mahal na boypren

Made new FB friends at nagkaron ng bagong grupong kinasangkutan (salamat ate ems, ate utchie, ate jaja at ate pipay sa pag-ampon sakin)

Nakapunta sa capitol greenstreet for the premature reunion ng aming batch

Nakapunta ng Calatagan Batangas

Nakaattend ng phone handling training (after mahigit 1 yr na pagccalls)

Nakapagpalinis ng ipin c/o Intelicare
Nakapunta ng Baguio ulit libre ng auntie zeny ko
Nakabili ng bagong eyeglass
Nakapagduty sa clinic at nakarating sa Carmona Cavite at Las Piñas
Nakaexperience makakausap ng mayor

Nakapunta sa CDO at Camiguin at naexperience ang rafting

Nakatanggap ng madaming souvernirs courtesy of my ate ching, tropa at mga katrabahong pakat-kalat sa kung saan-saang probinxa (insert keychain photos here)
Nakabili ng mga bagong books
Nakabili ng bagong electric fan
Nakatanggap ng madaming year end gifts at nakapagshare din ng madaming gifts
Higit sa lahat, mayroon pa din akong
– Buhay at malakas at mapagmahal na ermat
– Buhay pero pasaway na erpat
– Pasaway at mabait na mga kapatid
– Cute na cute at masisiglang pamangkin
– Tropang walang kupas (KB)
– Mahal na poypren (pero nasa ibang lugar na nga lang)
– Malusog na pangangatawan
– Pag-asa at pananampalataya
O cge, ako na,
ako na ang pinagpala sa taong ito, wahaha
hopefully next year, mas sumigla pa ang aking career (parang showbiz lang eh noh)
at makatapak na ako sa ibang bansa
at madagdagan ng madaming zero ang sweldo

the iron butterfly..


While watching the television this afternoon, my housemate unintentionally changed channel into QTV11.
What caught out attention is that the usual tandem of Lucy Torres and Wilma Doesn’t, which oozes with confidence, is out of sight.
What we saw are two overly anxious hosts in need of a good cheer.
I was curious what made them that way so I tuned into their show longer.

After a few minutes, Imelda Marcos appears on the screen.
He was escorted by German Moreno.
Then, after what seemed like an eternity
Lucy and Wilma finally realize that their guest is already in.
I got a good laugh because the two hosts look like a high school students caught red-handed.
(You see, before Mrs. Imelda Marcos enters the set, the two hosts were talking about her as if they weren’t on air or on screen? Whichever it is.)

I wonder what would it feels like talking personally to the former first lady herself?
Of course, she wasn’t called the “Steel Butterfly” just for nothing isn’t it.
I, myself, would have been flabbergasted if it was I talking to her.
She still looks intimidating to me.
No wonder, the two hosts of The Sweet Life are almost tongue-tied in her presence.

Since the Iron Butterfly caught my interest, I decided to do a little research about her.
Source: wikipedia.org
Listed below are the things I learned about our very own Mrs. Imelda Marcos:

•She was born in July 2, 1929 in San Juan de Dios Hospital in Manila.
•She is of Visayan and Tagalog descent
•She earned her Bachelor’s degree at St. Paul’s College.
•She was given the title of “Rose of Tacloban” and “Miss Leyte” – this is due to her extravagant beauty and photogenic face.
•She was given the title of “Muse of Manila” by then, Manila Mayor Arsenio Lacson, after she protested her loss in the Miss Manila Beauty Pageant.
•She met Ferdinand Marcos in the year 1954. After their whirlwind romance they got married, and had four children wherein one is adopted.
•During the Former President Ferdinand Marcos term, she was appointed to various positions in the government, such as Governor of Metropolitan Manila, Minister of Human Settlement, and Ambassador Plenipotentiary and Extraordinary.
•She commissioned the construction of the following: Cultural Center of the Philippines, Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, Kidney Institute of the Philippines, Nayong Pilipino; Philippine International Convention Center, Folk Arts Theater, Coconut Palace, and the infamous Manila Film Center.
•On February 25, 1986, Mrs. Marcos and her family fled to Hawaii (via Guam) after her husband’s regime was toppled by the four-day People Power Revolution in EDSA.
•She was found to have left behind 15 mink coats, 508 gowns, 1000 handbags[11] and 3000 pairs of shoes after their family fled Malacañang Palace.
•A concept album “Here lies Love” was made in collaboration between David Byrne and Fatboy Slim about her life and her relationship with a servant from her childhood. The album features 22 vocalist including Tori Amos, Candie Payne and Martha Wainwright. It’s scene structure includes the following: Prologue, Act I: “Flashback – Early Days, Act II: The Climb to Power, Act III: The Turning Point, and Act IV: The Fall.
•In 1992, Mrs. Marcos ran and finished fifth in the seven-way presidential race.

My reaction: Wow. She’s one hell of a woman. Pretty ostentatious and definitely imeldific.

Since I am so attuned to her at the moment, I also gathered some quotable quotes from our very own former first lady.

“First of all, I am so happy and I thank the Lord that the 32 cases have been dismissed by the regional court here in Manila. This will subtract from the 9001 cases that were filed against the Marcoses.” Imelda Marcos (March, 2008) -whew, that’s a lot of cases huh.

“I have never been a material girl. My father always told me never to love anything that cannot love you back.” – Imelda Marcos (November 1996) – nice one. 😛

“As we were coming down Malacanang, Ferdinand held my hand and said, ‘Imelda, this is your fault.’ In shock, I asked, ‘Why, Ferdinand?’ He answered, ‘Because you gave me a heart.'” – on why Marcos refused to fire at the crowds on Edsa in 1986,
– is this for real? I though those in EDSA that time were brutally mistreated or should it be maltreated? (whatever)

“If you know how much you’ve got, you probably haven’t got much.”
Imelda Marcos – I think so too.

“I was born ostentatious. They will list my name in the dictionary someday. They will use ‘Imeldific’ to mean ostentatious extravagance.” – cited in an Associated Press report, April 1998 – I think she’s somewhat related to Nostradamus. haha. >:)

signature2