love expert


so apparently dahil malapit na ako mawala sa kalendaryo, ang tingin sakin ng isa sa nakababatang katrabaho ko ay love expert.

imagine this. a 23 year old lady who’s into bar hopping is asking my expert opinion regarding her boyfriend. gusto kong tumawa ng bonggang bongga nung bigla niya kong kausapin out of the blue para humingi ng payo. pero dahil mukha siyang seryoso sinakyan ko na lang yung paniniwala niyang eksperto ako sa pag-ibig.

Ang problema niya? Yung jowabelles niyang 34 years old masyado daw malihim. Kesyo hindi daw kinukwento yung past kahit nagtatanong na siya. Dating nagbaballet daw yung lalake. Oo balerina. Yun ang sabi niya. Sa tuwing kinukulit niya ng mga detalye sa buhay, ang sinasabi ay “I’m new to this.” oh diba. Galawang veterans. Pero sumagi sa utak ko na pwedeng beki yung jowabelles niya.

Anyways,sabi ko pag past hindi na dapat inuusisa kaya nga past eh, hayaan niya kung magkukwento or hindi. Ang kaso pag yung tipong past eh yung tipong may asawa dati at may anak, ibang usapan na yun. At yung pagbaballet? Feeling ko red flag yun, nabanggit din ng girl na ito na balak na niyang pakasalan yung si boylet. Naisip kong itanong kung gaano na sila katagal, sabi niya 1 week. At naisip ko ding itanong kung may proposal nang naganap, wala din. Ayun nawindang ako. hahaha sabi ng iba wala sa tagal yung relasyon pero grabe naman yung 1 week. Whirlwind romance ang peg? At kasalan talaga agad? Wuuuhh mga kabataan ngayon. Hahahaha lakas makatanders ng sinabi ko ah. (kamot ulo)

 

augury


yung pagkatapos mong pumirma ng job offer at kontrata, relax ka na ng konti. eh may new joiner’s kit na pinabasa pa sayo sa loob ng recruitment cubicle within 15-20 minutes tapos biglang kumulo nang husto yung tyan mo. yung tipong aabutan ka na dun mismo sa kinauupuan mo. edi inhale exhale muna. pinag-iisipan mo nang lumayas at kumaripas ng takbo pero paghawak mo sa pinto kailangan ng access card at yung magaling na taga-hr out of reach. buti talaga nadaan sa inhale exhale kundi isang karanasan na naman ang madadagdag sa listahan ng kahihiyan, hahaha.

anyways, nakaraos naman, nakadalawa pa ko sa bonggang bonggang cr nilaūüėą eto ang tinatawag na instabinyag! Wala pang 1st day high sa trabaho, nakastrike agad ako, ¬†hindi ko tuloy alam kung maganda o masamang pangitain ba to o ano. hahahaha

abangan…

nakakaimbyerna


wala kang karapatang sabihin sakin na hindi ko naranasan ang lahat ng dinaranas mo ngayon.

una sa lahat bago ka pa lang,

pangalawa, madami na akong pinagdaanan sa pagamutang ito na hindi mo alam.

at isa pa, mas madami akong trabaho kesa sayo.

kaya wag mo akong paandaran.

– sagot ko sa isang kabayang katrabaho ko na puro reklamo sa trabaho. nakakaimbyerna ng bonggang-bongga.

dati sampu ngayon bente na


siguro dalawang buwan na yung nakakaraan nung unang beses akong binigyan ng pera ng isa sa pasyente namin dahil natripan nila ung assistance ko during their treatment. nung unang beses nga akala ko minamaniac na ako nung matandang babae na nagbigay sakin ng 10 dirhams, makahawak naman kasi wagas, aun pala hinahanap nya lang  ung bulsa ng scrub suit uniform ko. wahaha

anyway hayway, kanina nabigyan ako ulit ng datung! kung dati 10 dirhams ngayon asensado na! 20 dirhams naman. nagulat part 2 ang lola nyo kasi mukhang mataray ung babaeng lokal na pasyente namin kanina tapos nung natapos na ung treatment sa kanya, inantay nya ako sa may pintuan ng treatment room tapos biglang may isinuksok ulit sa bulsa ng scrub suit uniform ko sabay sabi ng “that’s for you, shukran habibi! (thank you my dear in English)”. dahil nagulat ako, hindi na ako nakapagpasalamat kasi umalis sya kagad right after magbayad. nung hinatid ko ung nagamit na instruments sa sterilization room namin saka ko sinilip ung bulsa ko at nakita ko nga ung 20 dirhams.

at dahil may instant 20 dirhams ako, dumirecho kami ng 2 kong batchmates/dakilang tagalibre ko sa al dana cafeteria at chumibog ng 3 shawarma at half roasted chicken plus fanta softdrinks. instant 20 dirhams. instant kabusugan.

sa pasyente namin na nakalimutan ko ang pangalan, salamat ng madami at binusog mo kami.

sa uulitin. hahaha. peace out.

second to the last


Last day ko na bukas sa trabaho. Pagpasok ko ngayong araw, nagmabagal ako para namnamin ang second to the last kong pagpasok sa opis. Para akong praning na tinitingnan lahat ng buiding, tindahan, tao at iba pang bagay na madaanan ko. Yung Alphaland Southmall na noong bago pa lang ako sa opis namin, wala pa siya dun sa kinatatayuan niya. Ung driver na OC sa pagsingil ng pamasahe sa jeep na sinakyan ko pagpasok. Ung isang estudyanteng nag-aabang ng jeep sa may waltermart. Yung trabahador na nagbubukas ng shutter ng Mercury Drug store. Yung manong na nagtitinda ng kakanin sa kalsada na binilhan ko ng dalawang kutsinta kanina. Yung mga kasabay ko sa elevator na papuntang 15 at 16th floor na masama ang tingin sakin kasi sa 14th ako bababa (Mukhang malalate na sila kaya ganun).

 

Pagbukas ng pinto ng elevator, binati kagad ako nila ate at manong guard ng ‚Äúgood morning ma‚Äôam‚ÄĚ. Unti-unting nagsink-in sakin na pagkatapos ng bukas, hindi na ako makakatapak sa loob ng opis namin, kasi kahit bumalik ako para kunin ang backpay, hanggang sa reception area lang ako.Grabe. Andami ko talagang mamimiss sa trabaho.

Mamimiss ko ang magandang building ng RCBC. Nakapasok na ako sa ibang buiding sa Makati pero para sakin ang RCBC building ang isa sa pinakamaganda ang istruktura.

Mamimiss ko din ung lung center na minsan kong tinatambayan kapag sinasama ako ng nila ate ems at QAI dati pag nagyoyosi sila. Mamimiss ko ang third floor kung saan madaming tindahan ng pagkain at kung saan laging may sale ng Tomato, Watch Republic at mga make-up every payday.

Mamimiss ko si¬†ate guard¬†sa RCBC entrance na laging humaharang sakin na may spiel na ‚ÄúNeng, san ka‚ÄĚ‚ÄĚ na akala mo laging unang beses nya akong nakikita sa RCBC samantalang tatlong taon mahigit na akong labas-pasok doon. Lagi ko siyang gustong sabihan na ‚Äúhaler ate, burado na halos ung mukha ko sa ID ko tapos hanggang ngayon yan pa din ang tanong mo sakin, wala na bang bago?‚ÄĚ pero never ko pang sinabi yun, nakakatawa kasi siya talaga.

Mamimiss ko ang bioman na dating biometrics kung saan ako naglolog-in at naglolog-out. Sana maging perfect system for payroll ka talaga in the future. Kawawa naman ung mga ahente na laging nagdidispute ng salary nila.

Mamimiss ko ang pagswipe ko ng ID sa may entrance ng opis floor, ang station ko na dalawa ang monitor, ang keyboard, ang mouse, ang telepono, ang swivel chair, ang paggawa ng email, pakikipagchat, ang mga bookmarks na hallmark ng mga current at ex-RTA sa station. Ang malaking orasan na abot tanaw sa RTA station na karaniwan kong tinititigan sa tuwing excited na akong umuwi. Lahat na lang, hahaha.

Iginala ko pa ulit ung mga mata ko sa floor ng opis. Naku. Dumami pa ung mamimiss ko.

Mamimiss ko ang opismeyst ko at mga kaibigan d2 sa opis

Mamimiss ko si Mami Effer, ang isa sa tatlong Dyosa sa CCTID at nag-iisa kong mentor sa opis. Siya ang naging kabuddy ko nung bago pa lang ako at siya ang nagturo sakin ng halos lahat-lahat ng alam ko ngayon. Sobrang talino, bait at lambing niya. Salamat sa pagsshare ng mga alam mo. Salamat sa mga kwento mo. Sa mga heartbreaks at kilig moments na shinashare mo. Mamimiss ko din ang mga beauty queen Q&A niyo sa floor pati ang tanungan ng capital ng bawat bansa kahit sumasakit ulo ko sa pag-iisip. hahaha Salamat kasi tinuring mo akong anak slash baby sister slash opismeyt. Andami. Wahaha,

Mamimiss ko si ate Jaja, ang pinakamabait na SM samin para sakin. Salamat din at hindi ka nag-amok nung tinawag kitang ate samantalang feeling ko mas mukha akong matanda sayo. Naaalala ko pa nung una mo kong niyaya maglunch, ansaya ko nun kasi kung sino-sino lang sinasamahan ko maglunch mula nang magresign sila Maida at Haw, hehe. Salamat sa pag-ampon niyo sakin sa Benditas. Mamimiss ko ang pagbaba natin kina aling cora at sama-samang paglulunch natin nila ate Utchie sa pantry at pagpunta din ng CR ng magkakasama. hahaha

Mamimiss ko si ate Utchie, ex-kateam ko na nasa ibang team na ulit. Mamimiss ko ang pakikipagchat sayo sa jabber ng kung anu-ano lang. Salamat at lagi kang ready na tulungan ako sa mga cases na hindi ko alam. Salamat din sa pagbisita sa blog ko at minsang pagcocomment. Salamat sa pasalubong galing Singapore, hehe, Nga pla, ung monkey business natin, wag mong kalimutan. hahaha

Mamimiss ko si kuya Berto, ang SM na panalo na sa mga banat. Salamat sa pagiging kuya. Sa pagiging mabait na SM at salamat sa hindi pagbibigay ng IR sakin kahit napakadaming beses akong OB ng sa mga shifts na ikaw ang nakashift. Kahit binubully mo ako, para sakin mabait ka pa ding kuya. Salamat sa mga payo at sa mga libre. Mamimiss ko ang sama-sama nating pagkain ng breakfast at lunch kina aling cora at pagbili ng buko juice kay manong na laging nakapwesto sa may firestation. Salamat sa mga kwento, sana balang araw pag mayaman ka na, mapagpatuloy mo ang pagiging MD mo!

Mamimiss ko ang ever gorgeous na si QAI, isa din sa tatlong Dyosa sa CCTID. Mula sa pagiging mabait na QA at pagiging mabuting kaibigan. Salamat sa pagimbita sa mga gala mo. Andami kong dagdag na experience sa pagsama sayo. Mula sa Mt. Pinatubo hanggang Mt. Pulag. Salamat sa mga kwento at pagsshare ng problema. Mamimiss kitang talaga.

Andami ko pa pong taong mamimiss at dapat pasalamatan.

Salamat Kuya Erick, sa mga kwelang banat at jokes. Mula noon hanggang ngayon, wala po kayong pinagbago. Patok pa din ang mga hirit nyo at mabait pa din po kayo at laging approachable. Mamimiss ko ang tambalan niyo nila Kuya Jester at Kuya Rey na biglang hihirit ng mga boybands na kanta pati parody nila sir Rex kantatero.

Salamat Boss Ken, sa pagtanggap sakin sa department kahit doon po ako sa offline dapat. Masaya ako at naging parte ako ng CCTID. Thank you po at never niyo akong pinagalitan or binigyan man lang ng IR kahit alam kong madaming beses niyo na akong nahuling nagbabasa ng manga, wikipedia at kung anu-ano pang site na inaaccess ko while on shift. Salamat po sa tiwala sa kakayahan ko at mga opportunities na binigay niyo. Salamat po sa pep talk nung minsang inevaluate niyo ako at sinabi nyong leaders are made not born. Mamimiss ko ang mga libreng kape at fuds tuwing may meeting, hehe. Salamat din po sa pagsubok na iretain ako at pag-offer ng salary increase nung malaman nyong magreresign na ako.

Salamat Mommy Chum, sa pagtayong nanay ng buong departamento. Sobrang bait at thoughtful niyo po. Hindi ko po makakalimutan ang mga kabaitan niyo. Iingatan ko po ang mga regalong bingay nyo. Sana po magtagumpay pa kayo sa lahat ng gagawin niyo.

Salamat Kuya Jester, sa mga jokes, sa pagkausap sakin kahit para lang akong autistic. Sa pagiging kuya. Sa pagsshare tungkol sa compilation ng combatron. Sa mga usapang anime. Basta, alam mu na yun. Pakabait ka para kay Khriziel, haha. Sana maikasal kayo balang araw.

Salamat Kuya Kim, sa mga kwentuhan tungkol sa trabaho at pamilya. Sa mga banat at birong kwela. Sa pagiging kuya. Pakabait ka din para kay ate Sandra, haha. Sana balang araw, maging isang ganap kang lawyer!

Salamat¬†Kuya Vhin, sa pagturing saking bilang little sister at pagtawag sakin ng ‚Äútol‚ÄĚ o minsan nama‚Äôy ‚Äúate aubs‚ÄĚ (kahit mas matanda ka pa sakin) haha. Good luck po sa career at family. Pakabait ka kuya, hehe. Peace >J

Salamat Kuya Raymond, sa pagsshare ng mga alam mo pati ung sa Odesk. Susubukan ko din yan one of these days pag tinopak. Salamat din sa mga payo at kwentuhan. Good luck din sa career.

Salamat Kuya Drew at Ate Reych, sa aking dalawang mentor sa retention team. Andami kong natutunan sa inyong dalawa. Salamat sa pagtytyaga sa pagtuturo ng mga alam niyo sakin. Sana ipinamana niyo din sakin ang inyong magandang accent. hahaha

Salamat Ate Jelyn, sa pagiging ate slash SM mula CCTID hanggang mapunta ka ng VIP. Mamimiss ko ang mga kwento mo tungkol sa bibo mong pamangkin. Good luck sa lablayp at pagboboxing, hehehe.

Salamat Brookie, bago ko makalimutan, isa ka din pala sa tatlong dyosa ng CCTID. Thank you sa mga walang kamatayang kwento mo, sa pagsshare ng mga astig mong drawings at novels, sa pagsshare ng mga manga na binabasa mo, sa f na f mong pagrampa sa corridor, sa wattpad na lang kita aabangan.

Salamat Kuya Dante, isa ka din sa mga SM na hindi ako binigyan ng IR ever kahit dumadalawang oras ang OB ko tuwing nightshift ako dati. Salamat sa pagassist sa mga query na hindi ko alam. Goodluck din po.

Salamat Ms. Kat, mula sa pagiging mabait na QA ko nung conversion agent pa ako at sa makulay na bag na regalo nyo po dati. Thank you for sa pagsshare ng mga alam nyo. Gudlak po.

Salamat Ate Juyjuy, sa pagiging mabait na QA din nuong OS pa ako, thank you din po sa pagtitiwala sakin na injectionan ko kayo ng IV gluta, hehe

Mamimiss ko ding makita ang lima sa pinakamagagandang babae sa opis para sakin na taga CCTID. Si ate Pipay na labs na labs si kuya Pedro at labs na labs din siya in return. Sana masaksihan ko kahit sa Facebook ang kasal nyo, si April na papalit sakin, gudlak at alam kong kayang-kaya mo yan! Salamat sa mga kwentuhan at sana may natutunan ka sa training sakin. Si Aileen na inaccept ang FB invitation ko, thank you!, si Angel na ate aubs ang tawag sakin, at si Ms.Owie na isa sa mga astig na QAs na nagtraining sakin nung bago pa ako. Stay cool and beautiful CCTID ladies!

Kina ate Rhina at ate Sheann na kabatch ko nung training, thank you and good luck! Galingan mo sa studies mo te rhina! Ajah! J

Sa mga medyo luma na sa department (peace), kina ate Bam (mamimiss ko po ang maaangas nyong hirit), te Malou (mamimiss ko po ang pagiging maasikaso nyo sa tuwing mag-oorder sa pat&lee or chowking), at ate Sandy (mamimiss ko din po ang mga patok din nyong hirit ), kuya Rey (gudlak po sa pagpapaending, hehe), ate Donna (stay fashionableJ) at sa dalawa pang astig na QA’s, ms. Xannee & ate Abby, thank you po sa lahat and good luck din po!

Sa mga hindi na bago pero hindi pa masyadong luma, kina Ren (mamimiss din kitang talaga), Kati (salamat sa pag-iiwan ng comment sa blog ko), Kitay (congrats and gudlak, hehe), Den, Mervin, Kuya Abet, Kuya Dax, Kuya Dan, at Kuya Dino (tama na po ang explosive chats, hehe), good luck din!

Sa mga medyo bago sa department, kina CJ, Ana at Joan, goooodluck powww at alam ko pong kayang kaya nyo poww yannnn!!!! (peace CJ, haha)

Sa mga kasabay kong pumasok sa opis pero nauna saking magresign na sina Hawie at Maida, pano ba yan, it’s my time to shine este to exit pala, hehe

Kina Jeremy, Madokwang, Ate Ems, Kuya Dee, Kuya Pedro at Kuya Danby na naunang umexit sa opis, maraming salamat sa pagkakaibigan. Masaya ako at naging parte kayo ng panahong inilagi ko sa PICCLTD.

Looking back, natatandaan kong may mga panahong naisip ko na isang malaking pagkakamali ang pagpasok sa opis namin. Maliban sa poles apart ang layo sa kursong tinapos ko, napakaroutinary ng buhay dito. Pero ngayon? Kung tatanungin niyo ako kung papasok pa ako ulit sa opis namin kung uulitin ko ang buhay ko, hindi ako magdadalawang-isip at sasabihin kong OO. Papasok pa din ako.

Dito sa CCTID ako nakakuha ng unang sweldo na binigay ko sa nanay ko. Nakagala ako sa kung saan-saang parte ng Pilipinas dahil din sa sweldo ko dito. Nabili ko din halos lahat ng gusto kong bilhin dahil sa sweldo ko dito (maliban sa house and lot at kotse, wahaha)

Dito sa CCTID ako nakakilala ng mga taong mataba ang utak pero hindi nakakahon sa geeky ways and get-up. Special mention na dito sina Kuya Dee, Kuya Berto at Boss Ken. Sila ang mga taong matatalino pero cool. Hindi ko ito masasabi sa inyo ng personal kasi hindi ko talaga forte ang pagsisimula at pagmamaintain ng conversation. Pero gusto ko lang sabihin na, I look up to you guys.

Dito din sa CCTID, sobrang dami kong natutunan, mula sa mga sugal na dati ay wala akong kaalam-alam hanggang sa mga terminong pangR18 lang, wahaha. Dito ko natutunang maglaro ng poker at bacarrat. Ng slots at Roulette. Dito ko din nalaman na ang ibig sabihin ng Orange ay Sogo (credit to kuya Danby) Dito ko din natutuhan na ang ibig sabihin ng ‚ÄúKuneho‚ÄĚ kapag ikinonek sa isang lalake, ang ibig sabihin ay babaero (credit to the CCTID boys). Nalaman ko din dito ang ibig sabihin ng ‚Äúgerger‚ÄĚ ay ‚Äúsex‚ÄĚ (credit to ate shey). Nalaman ko din ang terminong ‚Äúmindfuck‚ÄĚ (credit to Brookie) at kung anu-ano pang terminong pangkalokohan. Hindi ko na idedetalye at aabutin tayo ng siyam-siyam.

Pumasok ako bilang CCTID baby at ngayo’y mageexit bilang ate ng mga newbie.

Sa inyong lahat, salamat ng marami at mabuhay!

Lubos na gumagalang at nagpapasalamat,

AuBu,
Ex-Retention Specialist, ex-Potential VIP fisher, ex-Online Support Representative, ex-Conversion Representative
aka Milliard, Kazumi, Recca, Ira, Trilby, Astrid, Rhea, Char, Deux, Vira, Prochaine, Mai, Lyd, Fleur & Debra.

thoughts on kindness and common sense


***kindness***

ako na ang mayabang at nagbubuhat ng bangko pero sa tuwing may nakikilala akong tao,

ang tumatatak sa kanila ay kabaitan ko (maniniwala ba kayo na nung ako ay nasa kolehiyo ay naawardan ako ng pagiging “angel’s advocate”? peksman, nagsasabi ako ng katotohanan, hahaha)

pero wag kayo masyadong kumportable kasi kung sobrang mabait talaga ako edi sana kinuha na ako ni Lord noon pa.

may mga pagkakataong nabubwisit ako sa sarili ko dahil ginagawa ko ang mga bagay na hindi ko naman trip

pero ayun nga, ginagawa ko pa din dahil sumasakto siya sa paniniwala ko sa kung ano ang tama

(dito siguro nag-aapply ung kasabihan na hindi lahat ng tama masaya)

but mind you, I think ill of other people too but I’m not the type to bear grudges but I’m not the type that forgets easily as well

pero mind you ulit, I don’t do kind acts on purpose, it comes out naturally (charing, haha)

anyhow, this post is not about my being mahatma gandhi or mother theresa like nature (sumegway lang ako para maipagyabang kong isa akong bitchesa may ginintuang puso, haha)

natuwa lang naman ako sa nasaksihan ko sa bus nung isang araw dahil sa gentlemanly acts ng ilang babae at lalakeng kasakay ko para sa isang lola at isang buntis na babaeng pasahero.

pagsakay nung isang lola, tumayo kagad ung isang babae para paupuin ung lola

tapos ung isang lalake, pinaupo naman ung babaeng tumayo na nagbigay ng upuan nya sa lola

tapos dumating ung isang buntis na babae, pinaupo ulit nung kakaupong babae

tapos may isang manong na tumawag dun sa babaeng tumayo para paupuin ulit

ang kulit, parang domino ng kabaitan ang nasaksihan ko.

kaya kahit siksikan at mainit sa bus, masaya pa din ako nung araw na yun

it’s not everyday that you’ll witness such random acts of kindness lalo na sa panahon ngayon.

so ano ang kinalaman ng kabaitan kong binanggit? wala, hehe

kasi wala akong chance paupuin sila lola at aleng buntis kasi nakatayo din ako ng mga panahon un. ūüėõ

***common sense***

the other day, I was a bit irked at myself for displaying a little stupidity and lack of common sense.

You see, I was ordered to do a report via excel ( I won’t go into details because it will take time)

Basic computations, that is. What I did is I manually computed the figures and enter them one by one in the excel spreadsheet.

I almost finished a quarter of the report when my boss approached me and asked what I am doing.

I told him that I’m doing the report he told me to do.

He pointed that I don’t have to manually compute the figures in the report because there’s an excel formula for that.

It suddenly dawned on me and I realized the torture (as I call the manual computation) that I’ve put myself into.

I laughed hard and said aloud “Oo nga po noh, pinapahirapan ko ung sarili ko, haha” (I laughed at my obvious display of lack of common sense and I was a bit embarrassed at the same time.

truth of the matter is, I know how to do the excel formula thingy but what I was embarrassed about is that I did not thought of applying it on the report that I was doing. (pahirapan daw ba ang sarili?masokista lang, haha)

Good thing my boss noticed it earlier or else I’ll succumb to the torture of doing computations manually.

I also realized the importance of having a boss. If you have a good one, they will always be there looking over your shoulders checking how you are doing.

*disclaimer

nung panahong sinulat ko tong post ko sa planner ko, may confabulation of ideas at languages sa utak ko. Paumanhin sa maling grammar at salitang paggamit ng wikang Ingles at Pilipino, hehe, peace out!

the last man standing..


isa na naman sa aking malapit na kaibigan ang magpapaalam at magreresign sa trabaho
ahuhuhu
ako na lang ang natitira..
******
To Mr. Guy Fox

Please accept this letter of my resignation from PICC, as Shift Supervisor under Finance Department. My last day of employment will be on February 28, 2011. I am not applying nor accepting any job offers from other companies. As of the moment, I am enrolled in a class in Clark, Pampanga to sort out what I would really like to pursue in the future. Quite frankly, I don‚Äôt want to resign but I deemed it necessary. I was supposed to study and attend to work, I intend to request my time to be adjusted but this would be too much to ask. Hence, I decided to resign. It was a difficult decision to make but in the end I had to be honest to myself and also put the company‚Äôs interest in mind. 

Thank you so much for excellent years I had in this department. I have worked alongside some excellent colleagues, and have had so many opportunities to grow and develop in my career field. For these, I am forever grateful to you and the company. I have always considered it an honor and privilege to be a part of this team.

I will never forget my time in PICC. This is my first job, you are my first Boss Guy and I gained new friends which I considered as a family in the company. By this, allow me to thank you for all the invaluable lessons you have taught me. I will be missing you and the whole team as well.

Best regards,

HMV

******

sa bagong direksyong tatahakin mo, bon voyage! ajah!

spell stressed & burn out


Capital Ei

Yu

Bi

Yu

equals

Aubu

Hindi ko alam kung OA lang talaga ako or stressed na talaga
In line sa medicine ung course ko
pero hindi ko madiagnose kung stressed, burn out or whatever ba talaga ang nararamdaman ko

naritong biglang pumapasok sa isip ko na magsubmit na lang bigla ng resignation letter

biglang mag-awol atbp.

nitong mga nakaraang araw,
Sa tuwing magsisimula ang araw ko,
kapag naiisip kong papasok ako sa trabaho,
andami kong naiisip na alibis para hindi pumasok

aubu: tinatamad akong pumasok
evil aubu: wag ka na pumasok, sabihin mo may sakit ka, may LBM ka, masakit ngipin,masakit ang balunbalunan, etc etc
aubu’s konsensya: bakit hindi ka papasok? hindi ka na ba makatayo?hindi makapagtype?hindi makapagsalita?tsaka anu bang ginagawa mo sa trabaho? Nakaupo ka lang naman.
aubu: tinatamad na nga ako
evil aubu: what are you waiting for?they are just one text away and voila,pwede ka na humilata at manuod ng anime hangga’t gusto mo, pwede ding magfacebook or maglaro ng computer games na alam mo
aubu: uu nga nuh? pwede na din ako gumawa ng life plan ko na matagal na nabibinbin
aubu’s konsensya: bakit? pwede ka namang gumawa ng plano during your free time?Tsaka pwede ka din namang manuod ng anime paguwi mo from work or pag RD
aubu: sabi ko nga eh
evil aubu: (speechless)

aubu’s konsyensya wins!

aubu konsyensa – 1
evil aubu – o

abangan ang susunod na kabanata

(ano na? stressed ba or may sapi lang?)hahaha

signature2

pwedeng sumigaw?


waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

ayoko ng araw ko ngayon

ay ng gabi ko

maliban sa pinapasok ako ng maaga

may bagong team akong lilipatan

na naman

at ung ginagawa ay ung pinakahate ko sa lahat ng hate ko

ang magcalls

tapos hindi lang simpleng calls at offer ang gagawin ko

magreretain ng mga bwisit at paepal na player na nagpapaclose ng account samin.

pagkasabi pa lang sakin, para akong nabingi

I was asked if I have violent reactions,

reaction ko: I don’t know (speechless ang lola nyo, sa totoong buhay, gusto kong isubmit right there and then ung resignation letter ko, haha)

alam kong OA pero wala lang.

masaya kaya ko sa pagiging ahente.

sabi well-rounded daw ako kaya kung san ako tinatapong team

hmpf, ayaw ko na maging well-rounded kung ganun.

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

isa pang sigaw

waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

tapos isa pa

may hahawakang account na hindi naman dapat samin.

daya

isa pang sigaw

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

tapos grabe ung antok ko sa buong shift

halos matulog na ako sa station ko

isa pang sigaw

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

may apprenticeship training na

may isa pang training na kailangang attendan

anak ng tokwa

isa pang sigaw

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh

tapos, tapos

bandang alas-singko ng umaga

gutom na gutom na ako

15 minute break

dinayo ko pa ung mini stop sa columns para sa paborito kong chilz

tapos naisip kong itry ung lasagna nila na instant

masaya akong bumalik sa office

excited kumain

nung tikman ko ung lasagna,

lasang papel na maasim

anak ng sampung tinapa

mukhang sasakit pa ang tyan ko nito ah

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

signature2

dahil busy kami..


SM : punt kang google

aubu: google?

SM : oo

aubu : ang cute ng pic nla ngaun

SM : laro ka

aubu: ndi naman clickable sakin ung pic erh

SM : press mo yung insert coin katabi ng search

aubu: aun!

aubu: hehe

aubu : ndi ko nakita nung una

ihulog ang barya

pindutin ang left, right, up down arrow keys sa keyboard

pwede ding A, S, D, F keys

at charan!

nabusy kami lahat >:)

hapi pacman!

signature2