small handwriting equals low self-esteem?


Kanina sa training, pinagsulat kami ng top 3 values sa post-it paper

isulat daw namin at lagyan ng star sa tabi ng word ung top values that we can’t live without,

ung isinulat ko ay : professionalism, maturity at discipline

tapos ung nilagyan ko ng star ung professionalism

tapos nung tinatawag na kami isa-isa, gusto ko sanang palitan ng maturity ung professionalism

pero dahil kahiyaan na, pinangatawanan ko na lang ung una kong nilagay

second to the last akong natawag,

unang tumawag ng pansin sa trainer namin ung maliit kong sulat sa post-it paper

sabi nya, “Don’t get me wrong, there’s this notion that small handwriting equates low self-esteem. Does this mean that you’ve got low self-esteem?”

ako, “No? (parang di pa ako sigurado, hehe) That’s just how I write. It’s neater that way. (akala ko kasi talaga lalagyan pa ng explanation sa baba nung mga words na sinulat namin)

sabi nya, “Okay? (parang ayaw nya maniwala) So you’ve chosen professionalism. Please explain.

ako, “Ahm, I’ve chosen professionalism because it’s like an umbrella which routes to other values. If you’re professional, you’re mature and disciplined enough to handle difficult situations. For example, if I were to be placed in a world full of vices and one approached me and ask me for example (puro na lang for example, hehe), to smoke, I would be able to weigh the pros and cons of smoking, and, since I’m a professional, I would be able to decline the offer in a correct manner without actually offending the person himself.” (sabay hinga, whew, nakakaubos kaya ng english ang training na un)

sabi nya, “Great! (akala ko talaga okay na at wala nang follow up pero makalipas ang ilang segundo…) Actually, I was expecting a more enthusiastic answer like I chose professionalism, (in a cheerful and strong voice) because yada yada yada, nakalimutan ko na ung exact nyang sinabi. I’ll expect more from you. On the next workshop, you’ll be in the hot seat. (Smiles)

ako, lunok sabay tungo. (gudlak naman sakin, sana lang magtransform ako within 1 week noh)

naobsess ako ng onti kung anu nga ba ang ibig sabihin ng self-esteem.

high school at college pinag-aaralan na namin un, pero ngayon lang ako nagdoubt ng bonggang bongga sa self-esteem ko.

sabi dun sa isang nabasa ko, Self-esteem is the experience of being competent to cope with the basic challenges of life and being worthy of happiness.

hmm, napaisip ako, alam kong competent ako. (Please take note that I am not saying this stuff in retaliation to what the trainer said about me, defensive as it may sound but I assure you that it’s not)

give me a specific work or assignment and instruct me correctly how to do it and I’m 100% sure I would be able to do it.

actually, minsan nga nayayabangan ako sa sarili ko. Though, it’s not that obvious, there are times that I’m so full of myself.

A good example is the time when I was reviewing for the board exam while working in a call centre,

My family as well as our dean keep on saying then that I should quit my job to make sure that I’ll pass the board. Considering that I’m one of the so called the cream of the crop, they had such high hopes for me.

However, hard-headed that I was, I pursue my grand plan of working while reviewing.

And you can’t imagine how proud I am, that I was able to pass with a grade of 80+ in comparison to those who spent their full time reviewing. (Humility calling aubu), oha, oha, pero siyempre that is something na ipagyayabang ko lang kung kinakailangan.

Hindi naman batayan ng tao ang mataas na grado. Maliban sa hindi nakakain yun, madaming iba dyan na may brilliant minds pero bulok ang pagkatao.

Mabalik tayo sa self-esteem, dati siguro aminado ako na mababa ung confidence ko, but does it necessarily mean that I’ve got low self-esteem? I dunno. Ang alam medyo anti-social ako at loner pero kung pagtingin sa sarili ang usapan, aba eh, hindi ako palalamang dyan, hehe,

Anyhow, sabi ko naman sa sarili ko dati, kailangan ko ng personality development dahil nga medyo anti-social ako at hindi outspoken, baka ito nga yun kailangan ko at para na din sa ikakauunlad ko bilang tao. Nakanaks, wahaha

signature2

mediocrity..


nung nakaraang huwebes ko lang nalaman via email na selected ako for apprenticeship training for Shift Manager Assistant  daw.

it should be a good news right? it should be.

my friends are happy,  my family are excited and proud too.

sabi ng mama ko biruin ko daw, malayong malayo ung course ko sa trabaho ko na ngayun,

pero nakakasabay naman daw ako,

compliment sakin, pero bakit ganun, hindi ako masyado masaya.

actually mas nalulungkot ako kesa masaya.

ewan. adik. oo. adik ako.baka din bangag lang ako.

mediocre as it sounds pero masaya ako sa buhay ahente

masaya ako sa katotohanan na simple lang akong ahente

pareho ang ginagawa sa karamihan

tsaka hindi masyado napapansin,

(paano na lang ako magwwordpress pag asa ibang station na ako)

maliban sa hindi ko inaasahan ung promotion,

feeling ko mas okay kung ung mas seniors sakin ung nakuha

hindi sa takot ako sa intriga pero ayoko ng intriga. period.

anyways, kung intrigahin nila ako, papasok un sa isang tenga ko, lalabas sa kabila.

waaah, nagsimula na ung training nung huwebes,

sakit sa bangs, sana matapos na kagad,

will I survive the nerve-wracking apprenticeship program? (buntong-hininga)

signature2

clueless..


May nakausap akong VIP player kanina, nagpapaclose siya ng account samin.

sabi niya, “I’m very happy with you guys but I must do this”.

Finorward ko sa Shift Manager sabi contact Risk to close the account tapos send email sa VIP escalations.

Habang nagcocompose ako ng email to be sent sa VIP esca, naisip ko bigla, paano kung bukas matanggal ako sa trabaho? Anung gagawin ko?

Hmm. Anu nga ba? Dahil wala pa akong isang bagay na gusto ko talagang gawin,

Eto ang listahan ng nga mga naisip kong gagawin.

1. Magbabakasyon muna samin para magsoul searching. Naks, haha. Pwede ring retreat sa kung saang bundok na pwede.

2. Mag-enroll ng Zip Fire lesson na sinasabi ni ate Ching. Ung sumasayaw na parang majorette pero ung bawat dulo ng baton may apoy na nakalagay.

3. Magenrol ng Art and Painting lessons sa Tesda,

4. Magbabarista sa kung sang pwede na coffee shop maliban sa Starbuko.

5. Mag-eenroll ng guitar lessons para naman hindi puro chorus at intro lang ang alam kong tugtugin tuwing nagguguitara.

6. Iisa-isahin ang mga hospital sa Calamba at mag-aplay-aplayan.

7. Maglaro ng peyborit kong Nin games at iba pang arcade games hanggang sa lumuwa ang mata ko at magsawa.

8. Ubusing basahin ang lahat ng manga komiks na asa listahan ng onemanga.com at mangafox.com.

9. Maging KaTuGa. Kain. Tulog. Gala. Sowsyal na buhay. hehe

10. Magbasa ng books. Madaming madaming books. Hanggang sa antukin ang utak ko at maisip nyang matulog habang buhay. (hehe, comatose?)

Wala pa akong gagawin pag biglaan akong natanggal sa trabaho. Pero siguro may masisimulan ako kung sakali. Kung ano ang sisimulan ko, hindi ko pa alam. Hindi ko rin naman sinasabing sana matanggal ako sa trabaho. Ayaw ko sabihin sa sarili ko na “I’m fired” or “I was forced to resign”. Maliban sa masakit sa bulsa, mas masakit sa ego. Parang mas okay ung “I resigned”. Kung kelan ko un sasabihin? Ewan. Baka bukas. Sa makalawa. Sa isang buwan o sa isang taon. Abangan. (parang mahigit dalawang taon ko na 2ng sinasabi sa sarili ko) hahaha >:)

signature2

tulog mantika..


Late ako. Tumataginting na 1 hour. Isang oras. As in. Partida pa yan, night shift ako. Walang trapik. Walang maidadahilan. Hindi mahirap gumising sa gabi kumpara sa umaga. (pwera na lang siguro kung uber antok ka) Ang kaso isang araw pa lang akong pumapasok. Ay dalawa na pala. Kakagaling ko lang ng off. Grabe. Huli kong naranasan na nalate ako dahil sa kamantikaan ko matulog ay last last year pa ata. Morning shift pa ako nun. Kaya ngayon, nashock ako. Haha

Ganito kasi un. Bago ako natulog, naligo ako. Tapos nanuod ng Ploning. Tapos nagmanicure. Tapos naglaro ng games sa DSi ko tapos natulog na.

Tapos…

Naramdaman ko na lang may tumatawag sakin, “Bonch, bonch, bonch”. Si ate ko pala. “May pasok ka ba?Hindi ko kasi narinig na nag-alarm ung phone mo. Napamulat ako. Madilim na. Nagcheck ako ng cellphone, may miscall galing sa SM phone. Nagcheck ako ng alarm clock, 11:30 na. Naalala ko. Sabado. May pasok nga pala ako. One word. Yari.

Nagmadali akong magbihis. Buti na lang talaga naligo ako bago matulog kundi mas late pa akong dadating.

Pagkabihis ko at pagbaba, nakita ko si hawie, manghang-mangha siya na asa bahay pa ako. Alam nyang ayaw ko nang nalalate. Nainggit pa siya. Paano daw ako nakakatulog ng ganun kahaba at kahimbing. Aba. Eh. Malay ko. Hehe. Alam ko lang tulog mantika talaga ako. Pero hindi ko talaga maubos maisip na hindi ako nagising ng 3 alarm na sinet ko bago matulog.

Nagtaxi ako kaso makupad pa sa pagong. Para akong nagttour sa buendia. Musta naman.

Dumating ako saktong 12. Late. Pagod sa pagmamadali. At gutom. Kaw ba naman matulog mahigit 12 hours. Actually 13.5 hours akong tulog. Ewan ko lang kung hindi maubos energy nyo.

Buti na lang hindi pa din kumakain ang SM namin at sinama ako sa mcdo kundi tomguts akong magsshift, hehe.

After what seeemed like an eternity, maglologout na din.

Magsesend na nang report at syempre dahil late ako, special mention.

Choose the appropriate answer.

Aubz was late for 1 hour because ________________________.

  1. She woke up late.
  2. She slept for 13.5 hours
  3. Of unprofessionalism
  4. She played DSi games all day and forgot that she has a shift

Paalala ni kuya bert bago maglog out. “Aubz, may pasok ka mamaya ha”.

Wahahaha 😛

signature2

wishlist..


bata pa lang ako mahilig na ako magwish..
dati may nagsabi sakin, pag may wish daw ako, isulat ko sa papel
tapos itali ko ung papel sa lobo kasi mabilis daw un makakarating kay papa Jesus.
dahil bata pa lang, uto-uto na ako, ginawa ko un,
kinabukasan, napulot nung isa kong kalaro ung wish list ko,
binasa nya ng malakas,
nabadtrip ako, muntik ko sya suntukin
mula nun hindi ko na un inulit.

nung second year high school ako,
kasama sa wish list kong pansinin ako ng crush kong georgeous cold shoulder
sabi nung isa kong kakilala, para daw mapansin ako ni m******(surname nya),
dapat daw kumuha ako ng papel.
tapos pagpira-pirasuhin ko un ng 100 times
tapos isulat ko daw ung kumpleto nyang pangalan sa 100 pieces of paper na un.
dahil crush na crush ko si m******, ginawa ko ulit un. (hehe)
pero hindi ko 100 times sinulat ung name nya.
nilagay ko e******* *** m****** X 10 raise to the 10th power sa 1 papel.
oha, oha, lagpas 100 times pa un,
kinabukasan pinansin ako, (epektib!)haha
kung iniisip niyong inulit ko pa un, hindi na,
nakakapagod eh.
nung pinansin ako ni crush,
narealize kong hindi ko na pala siya super crush,
aun.

nung college, tuwing umaga,
laging kong wish na late ang prof kapag late na akong dumadating
minsan natutupad ung wish ko pero minsan hindi.

sa kasalukuyan, habang mas namumulat ako sa realidad ng buhay sa mundong ibabaw, mas dumami pa ung nadagdag sa wish list ko.

wish

Number 1 sa wish list ko ang world peace. Generic na sagot ng mga binibining sumasali sa beauty pageant. Pero eto ang ultimate wish. Pangarap kong mabuhay sa mundo ng kapayapaan. Walang gulo at kabagabagan. Petiks at parelax-relax lang.

Pangalawa ang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Nakakapagod manuod ng telebisyon kung saan puro pagdedebate, pagalingan at who’s who ang labanan. Bata pa lang ako pero pagod na ako sa puro pangakong napapako ng mga politikong trapo. Ilang botohan at taon na ba ang dumaan? Asan na ang pagbabago? Nakakaumay. Parang adobong nilagay sa refrigerator. (salamat kay tin at nagamit ko ang linya nya, hahaha)

Pangatlo sa wish list ko ang magkaroon ng sapat na trabaho na may disenteng sweldo at katerno sa tinapos na kurso ang mga bagong salta (kami un!) sa tunay na mundo (kuno) dito sa Pinas.. Hindi related sa business ang kursong tinapos ko, related sa health, pero asan ako? Kabilang ako sa libo-libong nursing graduates na humantong sa call center job dahil walang makuhang trabaho sa linya ng kurso tinapos.

Numero quatro sa listahan ko ang mas madaming masaya, kumpleto at malusog (literally and figuratively) na pamilyang Pilipino sa Pilipinas. Mas masayang pamilya, ibig sabihin mas onting batang mapapariwara at magiging emo pagtanda. Mababawasan ang mga adik at praning kasi kuntento sila sa buhay nila. Mas matatag na pundasyon ng pamilya, mas masayang lipunan ang kagigisnan ng mga susunod na henerasyon.

Pang lima sa pangarap ko ang malinis, maayos, maganda at organisadong kapaligiran. Sabi ni Bayani, Metro Gwapo sa 2010, pero bakit ganun, sa EDSA mas naging masikip, mas naging matrapik, mas naging barubal. Alam kong hindi pa 2010, pero ilang buwan na lang kaya at 2010 na. Bagong taon na naman. Asan ang kagwapuhan? Asan ang urbanidad? Balak nya bang magmagic over night para sa 2010, Metro Gwapo na? Alam kong hindi makatarungang isisi sa iisang tao ang kalagayan ng kapaligiran at kalunsuran, pero siya ang nasa posisyon at may kapangyarihan.

Madami pang nakalagay sa wish list ko kaso inaantok na ako eh.

Alam kong malayo sa katotohanan ang mga wishes ko sa kasalukuyan,

Pero may mga wish din akong mabibili lang sa pinakamalapit na tindahan gaya ng mga sumusunod:

bahay at lupa (hindi sa paso ah)
laptop (toshiba, HP or Lenovo would do)
PSP
IPOD touch
condo unit
Hummer or Sportivo
Naruto manga komiks and DVD’s
Bleach manga komiks and DVD’s
Jansport Back Pack
Roxy shoulder bag
Happy feet na sandals (7.5-8 ung size)
Nikon D5000
Free Cruise around the world (may allowance, may food, may libreng accomodations)
HP books complete set (hard bound)
Oakley/Levi’s eyeglass (50-50 ung grado)

O, diba mas malapit ito sa katotohanan kesa sa limang nakalista sa wish list ko? hehe

anu pang hinihintay niyo?

(baka gusto niyo akong bigyan)haha

(ito ang tinatawag na mangarap ka ng gising) 😛

signature2

lock jaw, overbreak at pasaway na customer..


Masakit na ang panga ko kakahikab ngayon,

feeling ko magkakalockjaw ako ng bonggang bongga.

Masakit magkalockjaw.

Natatandaan ko nun, nagkalockjaw ako nung high school.

Ang dahilan? Kumain ako ng hilaw na mangga sa bus,

eh biglang nagpreno habang masarap ang kain ko,

Aun, 1 linggo akong nagtiis sa noodles at sopas at lugaw dahil sa lockjaw.

Inaantok ako ng halimaw,

dulot ng rest day na walang pahinga,

at aplay-aplayan kanina,

Nagbreak ako ng 1 hour at natulog ako ng 12:03 am.

Nagising ako at bumangon ng 1:20 am.

Inaantok pa ako pagkacheck ko ng phone ko.

Pusa. Patay. Overbreak. IR na ba ito? (OA?hehe)

Pagbalik ko sa station, nagmessage kagad ako sa Shift Manager namin.

“sori po, overbreak. :(” sabi ko.

Sabi nya, “oo nga noh”

Sayang. Sana hindi na lang ako nagmessage para hindi nya napansin. Ang honest ko kasi eh, hehe.

Nasabihan tuloy ako na porke’t promoted (kuno), nagbago na ako.

Tsk, tsk. Alam kong biro pero nakakainis pa din. (sori naman, tao lang, masama bang mapagod? bitter?hehe)

Pagbalik ko, ganado na ulit ako magchat.

Eh pag sineswerte ka nga naman, pasaway na customer pa ang sumalubong sakin.

para kaming asa chubibo, paikot-ikot ang usapan.

hindi nya maintindihan kung bakit hindi maprocess ung withdrawal request nya kahapon. Sabi ko, “it would take up to 4-7 business days”. Sabi, “come on, we’re on the 21st century, why does it take long?”

Anak ng pating, asa 21st century na nga tayo, pero sya asa 10,000 BC pa ata. Paulit-ulit kong sinabi ung withdrawal processing period sa kanya pero ayaw magsink-in.

Sa asar ko, tinabla ko siya. Hindi ko na ipapaliwanag maigi basta nung binanatan ko na siya, hindi na siya nagsalita at nagleft na lang during our chat session. Anu ka ngayon. (yabang, hehe)

Chineck ko ung previous correspondence ng customer na kausap ko, naku, problematic player pala siya. Nagtthreat na magpapaclose ng account at masusumbong sa higher management. Oo eh. Hindi ko maintindihan kung bakit nireretain pa ung ganitong klaseng customer. Sakit sila sa ulo at maraming reklamo. Future kaaway. Para ka lang pumulot ng bato para ipukpok sa ulo. At para ka ding humahaliw sa sariling pwet mo. How vulgar, pero ewan ko, parang joke talaga na paamuin ung mga ganung customer. Kumbaga sa economics, hindi cost-effective. Aun. (pakialamera?) 🙂

Sabi ko kahapon, itutuloy ko ung mahaba kong kwento, eh tinamad ako, kaya sa ibang araw at panahon na lang. Aribabay!

Silent Tempest..


storm
On my autograph book (alam ko pang-elementary lang 2, pero bakit ba,hehe), one of my classmates in college described me as a silent storm..

Maybe she noticed that I’ve got a bit of a temper..

Yes, I do.

Calm and collected as I always seem, but I am definitely a handful if I become mad.

This evening, one of the shift managers commented, “pasensyosa ka kasi kaya ka nilagay sa special shift”.

Okay. I get this all the time.

Little did they know is that I’m definitely trying my very best not to get pissed off each I’m talking to a stupid and obnoxious customer who is a know it all.

I’m actually exhausting all my chakra (energy) each time I’m under such pressures.

I don’t like being mad. It gives me a negative vibe so as much as I can, I try to be patient.

I hope they won’t push me through my limits.
signature2

pick the odd one out..


I’m in a state of trance.

Whether it is because of the shift that I am in, I don’t have the slightest idea.

Kanina, binubully ako ng mga katrabaho ko. Iiwan ko na daw sila kasi mappromote ako. Kesyo untouchable ako, kesyo magaling daw ako, at kung anu-ano pang kesyo. Nakakainis.

They’re making a making a mountain out of a molehill.

Feeling ko tuloy, outcast na naman ako.

Sana man lang may iba pa akong kasama. Para mas masaya.

alin, alin, alin ang naiba?

alin, alin, alin ang naiba?

Muka akong aso (figuratively) na trying hard magfit in sa mundo ng mga pusa.

woi batang isda, ba't naligaw ka?

woi batang isda, ba't naligaw ka?

Isa akong isdang walang tropa na palisaw-lisaw katabi ng mga isdang myembro ng fraternity. Naligaw lang.

kakaiba lang talaga (-_-)

kakaiba lang talaga (-_-)

Isa akong rubber ducky na nagfefeeling maganda kasama ng mga sosyalerang palakang gansa.

The odd one out.

Karaniwan masayang maging kakaiba pero minsan, nakakainis din pala. Grrr…

signature2

ang taong gipit, sa patalim kumakapit..


stab, stab, stab

stab, stab, stab

Gasgas na ang kasabihang ito.
Pero kahit gaanu kagasgas, kagamit-gamit pa din.
Bawal ang maaksaya. Let’s recycle.

Graveyard shift ako ngayon. 11 pm to 8am.
Nakauwi ako ng bahay ng 8:45 am.
Natulog ako ng 9am.
Gumising ulit ng 12:45 pm kasi may training samin ng 2pm.
Syempre, madaliang kilos para hindi malate.

Kanina, sumakay ako ng bus, ngarag-ngarag dahil 3 oras at 45 minuto lang ang tulog ko.
Tumugtog ang stereo ng bus, Sta. Clara ung tugtog, naloka ako, kasi inaantok na nga ako, un pa ung tugtog. Gusto ko ung nakakagising ng dugo. Pero dahil saglit lang naman kong sasakay ng bus, tiniis ko na lang.

May umakyat na manong, mapayat, mukhang hikain, may dalang alkansya, may ID ng isang kompanya.

Alam na. Malamang may mahabang litanya na naman si manong. Magandang hapon po sa inyong lahat. Malugod po akong bumabati sa mga pasahero, drayber at kunduktor ng bus na ito. Ako po si ____. Nagttrabaho sa kompanyang ______. Matatagpuan sa _______. Kasalukuyan po kaming nakawelga dahil sa hindi makatao at hindi makatarungang pamamalakad ng aming amo na si _________. Anuman po ang inyong tulong ay bukas palad naming tatanggapin. Maraming salamat po. Mabuhay ang sektor na mga manggagawa.

Nung una kong makaencounter ng ganitong eksena, naisip ko, kawawa naman sila. Karaniwan akong nagbibigay ng barya sa mga maliliit nilang alkansya bilang tulong na din.
Kaso feeling ko mahigit isang taon na ata silang may ganung gimik. Lagi na lang kasi. Sobra na ata. Naisip ko, maniniwala pa ba ako?

Hindi ko alam ung eksaktong kalakaran ng mga picket at welga. What I know are ideas and descriptions sa mga books na nababasa ko. Pero siguro, wala namang picket line na magtatagal ng isang taon, kung sakali mang meron, malamang nakatawag pansin na ito sa media or press people.Tsaka kung isa ako sa mga nasa picket line, I’d rather go to proper authorities and groups that would definitely help. Bureaucracy would interfere but I’d choose it over begging in the streets.

Mabalik ako, bumaba na si manong.
Nag-usap ung drayber at kunduktor.

Drayber: Ayus din ung gimik nila ah. Alam mo nakita ko ung manong na un sa mga Guadalupe tulay, nag-iinom ng alak.
Kunduktor: Talaga? Sabagay, nung nakaraang taon pa may ganyan eh.
Drayber: pwede, hehehe (ngising nakakaloko)

Nawindang ako. Sinasabi ko na nga ba. Buti na lang napigilan ko ang urge na magbigay ng barya kay manong.

Alam kong mahirap ang buhay ngayon at marami sa mga kababayan natin ang kumakapit sa patalim. Lalo ngayon, kabi-kabila ang krisis at kalamidad. Pero sa kaso ni manong, ewan ko na lang. Sakit sa ulo. Mukang ung mga barya na nabigay ko nun, derecho sa tindahan ng mga bilog ah. Tsk, tsk, tsk.

signature2

paalam na nga ba?


system downtime 10-15 minutes.
wahu, petiks na naman.
lumapit sakin ang shift manager namin kanina.
nangungumusta.
sabi ako, ayos lang po, buhay pa.

SM: musta ka naman?
ako: ahm, okay lang po (inaantok, nakalutang, at tinatamad po sa buhay, eto sana gusto ko isagot pero baka sabihin, edi umuwi ka na, baka umuwi nga ako ng wala sa panahon)
SM: okay naman ung pakikipag-usap mo sa mga high VIP?
ako: okay lang din po (kabado, gusto kong isaksak sa baga nila ung free bonus na gusto nila)
SM: kinausap ka na ni ****?
ako: po? (clueless)
SM: iiwan mo na din kami
ako: hala? (naalala ko si maida-sama, senyales na ito. Umandar na ang utak ko kung sang lupalop ako mag-aaply bilang nurse, hehe, eto na, eto na un)
SM: alam ko lilipat ka na eh
ako: huh? (clueless, gusto na magresign ngayon na, as in ngayon na, sabi ko sa sarili ko kapag inilipat ako sa ibang department maliban sa department kung asan ako ngayon, immediate resignation na ako ng bonggang bongga)
SM: naku, wag kang magnoNo, promotion un, gusto ko nga sa lilipatan mo eh, flexi ang time dun
ako: salitang kristyanong banal po? as in?
SM: uu nga, diba nung nakaraan, niloloko ka namin na iiwan mo na din kami
ako: hala (naiiyak na)
SM: *ngiti*

pusa. hala. panu yan. nagcocompose na akong 101 reasons bakit ako magreresign.
hinalungkat ko na sa isip ko kung san-san ako mag-aapply. Iniisip ko na din ung trabaho sa province namin na sinasabi ng tita ko. Ora-orada. Oo. Pero, haler, ganun talaga pag biglang under pressure.

naku. hindi na gumagana ung utak ko. hinga hinga. inhale. exhale. anung gagawin ko? huhu…

sana nagkamali lang ng dinig si *** ***…

kung aalis ako, gusto ko dito pa din ako magpapaalam sa department ko ngayon..

biglaan naman..

naku naku..

hehehe..

another twist..

san kaya ako pupulutin…

at anu ang aking pipiliin..

isip-isip

isip-isip

signature2