the ultimate lazy man’s mug


when you’re a breasfeeding mom and balancing 2 jobs in the wee hours of the night, this is what you need for that coffee…

tada! the self-stirring mug! Just put coffee powder and hot water then press the “stir” button and you get yourself a coffee without doing the stirring effort yourself..

super effort ba ang paghahalo?sorry na,

I’m just lazy…hahahaha

Advertisements

don’t count the eggs before they are hatched…


as of now, may 2 akong work online. ung isa full time tapos isang part-time.

supposedly may isa pa kong part-time as CS sa isang website na may adult content. kahapon ung start ko pero unfortunately kahapon din ako tinanggal hahaha ang sakit besh. nageexpect na ko ng dagdag income. ung kahit hindi ako familiar sa mga products nila na mala-50 Shades of Grey gora lang ako kasi 2 hrs per day lang tapos ayun ambilis lang. Wala pa kong nakakaisang araw na natapos tanggal agad. Ganito kasi un, ang sabi sakin log in time ko is 1PM till 2 PM PST so nung sumapit ung time na un inopen ko si Hubstaff at nagclick ng start time. From time to time, chinecheck ko ung mailbox for any customers email at pati website at mga email drafts para mafamiliarize sa work-around process. Isang oras at kalahati ung lumipas, nakadalawang emails lang ako so sabi ko petiks sabay nagemail ung bossing sabi “very low productivity” tapos biglang nawalan na ko ng access sa CS mailbox pati sa mga dropbox folders and email drafts. Nagreply ako na ano gagawin ko, wala namang email na dumating maliban sa 2 customer emails. Hindi na nila ko nireplayan gang kanina lang sabi nung Pinay na senior CS, dapat daw icclick ko lng ung start sa Hubstaff pag may ginagawa akong email inshort ndi xa continuous unless madami tlagang gawa. So aun, masama ng konti ung loob ko kasi last week pa lng nagtanong na ko sa kanya kung paano ung proseso sa company, pano ung ganito ganyan tapos nakadalawang email pa ko pero nganga. walang reply. Tapos isang email lng ni bossing reply siya agad tapos kineclaim nya pa na dalawang beses siyang nagpadala ng email sakin regarding those info. duh. shunga ba ko. if may malinaw na instructions at orientation silang binigay edi sana ndi ko irrun ung Hubstaff ng tuloy tuloy kahit walang gawa. Saka nakakainis lang kasi oras mo ung binabayaran supposedly tapos ang gusto per email eh wala naman sa job post nila un. ah basta unfair.

anyhow, magmomove on na ako, nagtanong ako if part pa ba ko ng team or terminated na ko eh kaso wala na namang reply so inalis ko na sila sa OLJ profile ko as part-time employer. gusto nila ganyanan eh.

so far, pangalawa na sila sa ungas na employer na naencounter ko from OLJ. ung isa sa sobrang pagkaungas, pinagwork kami (anim kami puro Pinay freelancers) one week un (ako 4hours for 3 days lang trinabaho kasi late hired) tapos biglang the next week wala na kami lahat access sa folders and everything tapos siya super reklamo na incapable kami kaya pinalitan nya kami at hindi din binayaran. Oo ikaw un CEO ng Gold Virtual Assistant, Ms. Arriana Cromartie. buti na lang natanggal na siya sa OLJ at ung mga kasamahan ko nagfile na ng report sa kung saan sang site na pwede siya ireport.

may karma din kayo. hmpp.