vitamin E enriched egg, anyone?


kahapon naggrocery kami ni ate ching sa may SM MOA at may isang produktong umagaw ng atensyon ko.

Itlog.

Oo.

Itlog na puti.

Teka lang. Hindi ako galing sa kung saang planeta para humanga ng husto sa puting itlog. Nakulitan lang talaga ako sa packaging ng itlog na nakita ko. Tingnan niyo.

Oha, oha, Vitamin E enriched egg! Meron din akong nakita na Omega 3 enriched kaso hindi yun ung binili namin. Astig diba? (kala ko ung mga processed foods lang ung may mga ganung eksena).

Napaisip kami ni ate ching kung paano nila yun ginawa. Eto ang mga ideyang pumasok sa utak ko.

  • baka nilagay sa balat ung vitamin E pero inerase ko din sa utak ko ung idea na yun kasi hindi naman kinakain ng tao ung balat ng itlog kaya nonsense na lagyan ng vitamin E ung balat
  • baka pinainom ng madaming madaming vitamin E ung nanay nung mga itlog. pero sabi ni ate ching eh malamang idinudumi din nila yun so paano maaabsorb?

Ang bright ng mga idea ko noh, haha. Pero seriously, yun lang talaga nahita ko sa utak ko.

Sa sobrang curious ko, hinanap ko talaga sa google kung paano nangyaring may Vitamin E enriched eggs.

Alam niyo bang ang Vitamin E enriched eggs ay humahanay sa kategoryang “Designer Eggs”? Sila ang klase ng mga itlog na produkto ng mga inahing manok na binusog sa vitamins.

May nakita din akong study regarding enhancing vitamins in eggs. Ang nangyari, kumuha sila ng 60 hens tapos pinakain ng special diet enriched with vitamins tapos ung mga produktong itlog ng mga manok na yun sumailalim sa assay para makita kung may pagbabago sa nutrient content. May katiting namang pagbabago sa nutrient content pero hindi ganun kalaki ung difference sa itlog na produkto ng normal na manok na may normal na diet. Pero syempre sa mga studies basta may katiting na percentage ng pagbabago, malaki pa din ung impact nun. So naimbento ang “Designer Eggs”.

Naisip ko, magvivitamins na lang ako kesa bumili ng “Designer Eggs” na P8.00 isang piraso. Kung vitamins lang madami kang mabibili sa botika. Tsaka may likas na bitamina ang normal na itlog tsaka depende din sayo kung paano mas gagawing masustansya ung pagkain mo diba?

Hindi ako bitter sa vitamin E enriched eggs. In fact, vitamin E enriched egg ang lahok ng kinain kong lomi kanina pero pramis walang pinag-iba sa lasa ng normal na itlog na nabili ko sa kanto na nagkakahalaga ng bente limang piraso. 😛

pebrero na pala


waah, ambilis ng panahon, isang buwan na kagad ang lumipas sa 2011

hindi ako nakagawa ng new years resolution

pero sa isip-isip ko, sabi ko aayusin ko na ung buhay ko ng konti, wahaha

sisimulan ko sa paonti-onting pag-uupdate ng blog ko,

ung mga gala kong hindi ko pa nailagay since time immemorial ilalagay ko pakonti2,

ahmm, ittry ko din siguro kahit once a week magupdate ng blog

pero sabi ko nga sa isang litanya ko,

pag wala sa wisyo at tnry ko magblog

ung product parang hilaw na kanin

lamang tyan pero walang fulfilment

wahaha, pero iitry ko pa din magkaron ng wisyo sa pag-uupdate

so ayun nga, pebrero na at ilang araw na naman marso na

tapos abril, mayo, hunyo, hulyo, agosto, setyembre, oktubre

nobyembre at disyembre

mamukat-mukat ko, 2012 na, waaah

sana naman, lahat ng mga umiikot na plano sa utak ko ngayong taon na ito

ay maisakatuparan ko,

wish me luck mga peeps, 😛