dear odd one out


dear odd one out,

una sa lahat sorry kasi generic ung tawag ko sayo nitong mga nakaraang post ko.

nakalimutan kong may name ka nga pala.

inaantok na ako pero gusto ko pa muna kitang balitaan.

alam mo ba nung isang araw nagpunta ako sa hypermarket dito at bumili ng papayang berde?

ihahalo ko kasi sa sinabawang halaan. pero aun, muntikan na kong makabili ng melon.

kahugis at kakulay kasi ng berdeng papaya yung melon na nakita ko (although nung nakita ni maida hindi naman daw kahawig)

nakakahiya kasi pagkakuha ko sa vegetable tray pinahiwa ko kagad at pinakilo

tapos dun ko pa lang narealize na hindi pala papaya yung nadampot ko.

nakatatlong ikot ata ko sa fathima supermarket para isipin kung bibilhin ko ba ung melon na akala ko papaya or hindi.

pero ayun nagtagumpay ang kasamaan at iniwan ko na lang un sa isang sulok ng mga gulay.

pero naguilty naman ako ng onti.

hindi ata ako natunawan sa kinain kong halaan na may berdeng papaya sa pagkakonsensya.

anyways, feeling ko fresh grad pa din ako. madaming hindi alam.

sakit lang sa bangs. tapos ilang years na lang 30 na ako. OMG.

felt like I haven’t lived my life yet. so what am I doing these past few years then?

hindi ko na alam kung anung krisis ang itatawag ko sa nararamdaman ko ngayon.

ilang months na lang matatapos na ung kontrata ko.

feeling ko bibitayin na ako.

kahit may nakaplano na sa utak ko bakit hindi ko pa din mapigilang mangamba?

anung meron?

lagi na lang akong nag-iisip nitong nakaraang linggo.

mukha na tuloy akong pimples na tinubuan ng mukha.

hahayst.

wala na kong sinabing makabuluhan. matutulog na ako.

 

lubos na inaantok at napapraning,

aubu

 

of sacrifices and better life


it’s ramadan time here in the desert. yay! shorter working hours but one helluva rush every damn night shift. goodness gracious.

yeah, yeah. it’s been a while.

ramadan kareem! (it’s like the equivalent of happy holidays here) it’s past mid-year already and I’m now counting months!

anyways, I just dropped by to  tell a story about a Lebanese patient we encountered this evening shift. (spell tsismosa)

From what I understand, our patient is moving to Germany next month for life. The doctor (Dr. R) whom I’m assisting that time asked about the process of migrating to Germany but he said he’s going there as a tourist. We were like a little dumbfounded because if someone will migrate to another country, he/she should have immigrant visa, right? To answer our questioning look, the patient said “it’s a little complicated. You see, once I board a plane to Germany, right after I landed there, I’ll tear my original passport then pick up a fake one.”

Dr. R and I were both surprised. “That sounds fishy”, Dr. R said. “Yeah, it’s actually illegal. I might end up in jail for 3 months or more.” our patient said nonchalantly. It sounds insane to me. Sounds like Dr. R. felt that I seem to have lots of questions in my eyes and end up prying for more information from our patient while treating him at the same time.

Dr. R. “Why would you do that?”

Patient. “I’m 27 years old. Still a salesman here. No house of my own. No benefits for a brighter future. No nothing. I’m practically a beggar here.”

Dr. R.  “Well, you could say that. Here in UAE, they don’t offer citizenship therefore no matter how many years you stay, you won’t even be given a chance to buy a piece of land in case you’d like to retire and settle in.”

Patient: “Exactly. Expats get to earn enough to pay for the rent and bills and send some back home. We give them services and what do we get in return? Nothing. That’s why I’m heading to Germany. To try my luck.”

Dr. R. “It’s nice to try your luck elsewhere but to go that far?

Patient: “Certain sacrifices must be made for a better life. It’s for the sake of my future kids. Anyway, I’ve got no worries at all since I’ve got my relatives there. Some of them did the same thing then applied for a resident visa.”

Dr. R. “Don’t have plans of going home?”

Patient: “I can go home but I’m not sure about our country’s condition at this time so heading to Germany would be a better option.”

Dr. R. “Well. Good luck on your journey, young man.”

They shake hands and then patient were gone.

I was left in the treatment room with too much to ponder. I was like, stuff like that happens huh. But Germany? I could see our patient wearing a prisoner uniform with a police on his side that I swear looks a hell lot like the notorious leader Hitler. Imagine my horror when pictures of “The Holocaust” instantly played in my mind. aughh. It creeps me out big time. Okay. Okay. Maybe I’m exaggerating things. Anyway, Germany’s motto now is “Unity, Justice & Freedom”. I just hope our patient’s gonna be fine. I admire him for his guts though. But being jailed for 3 months or more for the sake of a freakin’ resident visa? No way in a million years. I’d rather rot here in the desert or go home. No. I’d always choose the latter.

 

All about me 10 day challenge – Day 7


Onti na lang, malapit ko nang matapos ang challenge. Mabuhay!

Day 07 – A recent picture of yourself and 15 interesting facts about you.

1. Dati, akala ng mga ate ko, magbibinata ako at lalaking tibo. Ang karaniwan kong porma nung edad 13-16 pag asa kalye ako ay shorts na puruntong, maluwag na t-shirt at panyo na nakabandana sa ulo ko. Tapos mahilig pa ako sa online games. Nakumbinsi lang sila na babae talaga ako nung ako ay magkaboypren, right after graduation nung college.

2. Mas madami akong babaeng crush kesa lalakeng crush. Sa kasalukuyan, may 4 na crush akong babae sa opis namin. Unfortunately, wala akong crush na lalake sa opis. Crush na artistang lalake meron. Si Piolo. Oo. Alam ko na sinasabi ng karamihan na berde ang dugo nya pero keber, yummy pa din sya sa paningin ko. Crush ko din si John Lloyd. hehe

3. Pag natutulog ako, half lang ung pagkakasara ng mata ko sabi ng mga kapatid ko. Minsan nga sasabihan ko ung ate ko na piktyuran ako ng tulog para makita ko ung ichura ko.

4. Bet na bet ko ang magmodel-modelan pose basta kumportable ako sa mga kasama ko pero pag hindi ko masyadong kaclose ang mga kasama ko, nagkakasya na lang ako sa peace sign na pose.

5. Mabilis akong kumain at may anaconda ako sa sikmura. Minsan na akong nasabihan na kain construction worker daw ako.

6. Unang beses akong nagcutting sa klase nung grade 1 ako. Hindi ko kasi matancha ung substitute teacher namin. Mainit ang dugo niya sakin at mukha siyang mangkukulam.

7. Noong hayskul, ipinusta ko ang titulo ng bahay at lupa namin sa isang chess match. Kalaban ko ang isang bully kong kaklaseng lalake. Ang bet, kung sinong matalo, susunugin ung titulo ng bahay at lupa. Nanalo ako sa unang laban kaso naghanap ng magaling na resbak ung mokong kaya naging all 1. Ang resulta, quits lang kami. Walang nasunog na titulo ng lupa.

8, Minsan sa buhay ko, nagustuhan ko ang salbakuta at ibang pang local rapper na puro kagaguhan ang laman ng kanta. Kabisado ko ang stupid love. (actually hanggang ngayon kabisado ko pa ata, haha)

9, Nung elementary, natampal ako sa braso ng teacher ko kasi nung nagfield trip kami at nagpunta sa zoo, pinakain ko ng mais ung isang unggoy dun samantalang may nakalagay na “No feeding to animals”.

10. Meron akong tatlong pares ng stilleto (red, brown at black) na may taas na nagrarange ng 2-4 inches high at meron din akong wedge na 3 inches high. Kaya ko yung ilakad ng tuwid ng hindi natatapilok basta wag madulas ung lalakaran.

11. Unang beses akong nasabihan ng “I love you” nung hayskul ako. Para akong nabingi at ang nasabi ko lang ay “ha?”. Tapos nagmadali na akong umuwi. Kinabukasan, parang walang nangyari kasi hindi ko na siya masyadong pinansin. haha

12. Hindi ako marunong magbisikleta. Wala ata talaga akong kabala-balanse sa katawan.

13. Hanggang ngayon, trip ko pa din ang mga anime at manga.

14. Minsan sa buhay ko, nagkaroon ako ng mala-stalker na suitor. Ang masasabi ko lang, ang creepy dre!

15. Huli akong nalasing nung ako ay third year college. Naglaro ng pusoy dos (ata?basta larong baraha) ung dalawa kong superduperfriends at dahil di ako marunong maglaro nun, ang sabi nila sakin, kung sino ung matalo sa kanila, iinom nung vodka na may pineapple juice tapos ako iinom din kasabay ng matatalo, kinabukasan ko na lang narealize nung nahimasmasan na ako na inuto pala nila ako kasi kahit sino matalo sa kanila, ako pa din ang dehado at malalasing ng husto. 2 bote ng cossack blue ata ung nainom namin nun. Sabi nila grabe daw pala ako malasing ng sobra, humihiga daw ako sa floor ng CR. Nung pinipilit daw nila akong tumayo dahil madumi ung sahig, ang sagot ko daw “alam ko, nursing student kaya ako”.

****

ayan, naamoy ko na ang tagumpay na matapos ang challenge na ito, 3 to go! hehe

All about me 10 day challenge


I have lots of things in mind these past few weeks so I decided to do this all about me challenge that I saw while blog hopping. This is just to take a break from things boggling my brain. (My sincerest apology to the WP blog I took this idea from, I’ve tried different tags and phrases but I can’t seem to find your blog again). The all about me challenge idea was supposed to be a 30 day challenge but I only have 11 days to go before the current month ends so I decided to tweak the “All about me 30 day challenge” and made it “All about me 10 day challenge” instead.

To jumpstart the 10 day challenge, I’ll begin with Day 01- The meaning behind your blog site

I can’t remember the blog name I used when I first created this blog but I’m sure the name’s far different from it’s current name. I just can’t seem to remember no matter how hard I tried though.

The odd one out is my blog’s current name. In my entire being, most often that not, people’s impression about me is that I’m different, mysterious, odd, bizarre, weird and eccentric. Yes. Name all the words synonymous with the word “different”. I don’t know how did they come up with the idea that I’m all that. I know I’m a bit reserved and I could easily fit into the introvert kind of person category but is that equivalent to being mysterious? Just so you know, I’m also an adventurous person. I like going out and trying new things. Which is why a friend of mine got confused when I ask her to which category do I belong to; to the introvert type or the extrovert type? She said, “Introvert ka na extrovert pero, ang labo!” Well, I don’t actually know but maybe, there’s a relative connection that’s why I’m labelled as such. Ask them.

The odd one out is an embodiment of what most people say about me and what I would want to be; definitely not an outcast but someone who dares to make a difference.

Literally, being the odd one out means someone who doesn’t belong; someone peculiar and deviant but I’m sure once in your life you’ve felt the need to be different (ako na ang assuming).

So I guess I’m not so odd after all. I’m still one of you.

****

Oh, as for the remaining challenge for my All about me 10 day challenge, just wait (9 to go) 😉

alam mo ikaw, ang baba ng EQ mo!


EQ = EMOTIONAL QUOTIENT

Minsan sa buhay ko, may professor na nagsabi sa akin na mababa daw ang EQ ko.

Gusto nyong malaman kung bakit?

Ito ay dahil sa isang Panda black pen. Oo. Pen.

Galit na galit siya sa klase namin nun. Ito ata ung time na kumalat ang tsismis na sa isang major exam, pinayagan kami ng isang Exam Proctor na magkopyahan (in closed doors kuno kaya hindi ko maintindihan kung paanung kumalat un). Normal lang naman ang mga kopyahan sa high school pero dahil Upper Hethero, big deal. Nakarating sa adviser namin pati na din sa iba pang teachers at ayun, naghalo ang balat sa tinalupan.

Natatandaan kong bungad ni Sir K sa klase namin: I just can’t understand you guys. I’m very disappointed. Naturingan pa naman kayong Upper hethero, tapos ganyan kayo. Act like your age. Cheating on a major exam? For God’s sake, hindi na kayo mga elementary students! (umuusok ang bumbunan pati ilong) blah, blah, blah, (sa sobrang haba ng sinabi niya, hindi ko na matandaan ung iba at ung iba kinalimutan ko na, mejo masakit sa puso at nakakapanting ng tenga)

Sa kamalas-malasang pagkakataon, asa front row ako nun, lahat ng laway ni Sir sinalo namin ng mga katabi ko. Kabado pa kami at baka may madampot si Sir na kung anu at ibato samin. Ang masama nyan, bigla siyang mag-incredible hulk at mabuhat nya ang teacher’s table tapos ibato sami, kami ang unang casualty pag nagkataon.

Bago pumasok sa room namin at nagsimula ang kanyang sermon, may kaklase akong nanghiram sakin ng Panda black pen, at hindi ko maubos maisip na kung kelan mainit ang ulo samin ni Sir at umaatikabong sermon ang inaabot namin, dun nya naisip isoli ang ballpen ko. Dun siya nakaupo sa silya sa likuran ko.

**Eksena**
Kaklase ko: pabulong: Aubrey. Aubrey, ballpen mo.
Ako: (dedma habang tinatawag na lahat ng santo, as if kabisado, para lang tigilan ako ng kaklase ko, para maisip niyang wrong timing siya)
Kaklase ko: Aubrey. Aubrey, ballpen mo.
Ako: (dedma pa din, in full concentration, baka sakaling tigilan niya ako)
Kaklase ko: (sinusundot na ung likod ko ng sarili kong ballpen para lang kuhain ko un)
Ako: (lumingon na sa wakas at madaliang kinuha ang pen sa pag-aakalang hindi mapapansin.)
Sir K: Ms. Buenaventura, anu yan? (napansin pala niya)
Ako: Ballpen po.
Sir K: Alam mo, ang baba ng EQ mo! (nang-gagalaliti sa galit)
Ako:( tulala, hindi maisip kung anung kuneksyon ng ballpen sa kabababaan ng EQ)
Sir K: I’m out of here. You should think about your mistake guys. You messed up big time. (sabay walkout)
Ako: (medyo nahimasmasan, gustong gusto ko tumayo dun at habulin si Sir para itanong kung anung kuneksyon ng ballpen sa mababang EQ, kaso dahil galit siya hindi ko na itinuloy kasi baka kung san pa mapunta ang usapan, mahirap na, mamaya makick out ako ng wala sa panahon, yari ako kay hitler)

Pagka-alis ni Sir K, medyo lulugo-lugo ako. Ang masigawan sa harap ng madlang-klase ang pinakaayaw kong eksena sa buhay. Feeling ko api ako at wala akong kakampi. Ang ikinasama pa ng loob ko nun, ako lang ung sinabihan ni Sir na mababa ang EQ. Ba’t hindi kasama ung isa kong kaklaseng nangulit sakin? Unfair. Isa pang pang-asar, buong 3rd grading to 4th grading period ata ng 3rd year high school life ko, naging expression sa klase namin ang “Alam mo ikaw, ang baba ng EQ mo!”. Naastigan nga ako sa sarili ko at hindi ko naisip lumipat ng iskul. Siguro kung iba-iba un, lumipat na. Pero naisip ko nung time na un, bakit ba, kung mababa ang EQ, so what, keber, suntukan na lang. (hehe)

Nung time na un, naobsessed ako sa mga IQ and EQ test online. Lumalabas sa mga results (kung totoo man ung mga yun), na may slight above average akong IQ at average na EQ. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na hindi naman siguro mababa ang EQ ko. Sinabi ko un sa tita ko, sabi niya, hindi naman daw mababa ang EQ ko. My personality is the result of my stressful childhood. Buti na lng kinausap ko siya. Of all people, she should know. Guidance Counselor siya ng isang prominenteng iskul nun sa probinsya namin.

Teka, ano ang nga ba ang ibig sabihin ng EQ?

Emotional Quotient is a self-perceived ability, to identify, assess, and manage the emotions of one’s self, of others, and of groups.

EQ, sinusukat, malaki daw ang ginagampanang papel kung paano makitungo ang isang tao sa kapwa niya tao.

EQ, nung panahong yun, hindi ko alam kung paano ito sinusukat. At hanggang ngayun, malabo pa din sakin kung paano.

EQ, minsanang ginamit para gawing panukat ng pagkatao ko.

EQ, luma na. EI na kasi ngayon ang uso. Emotional Intelligence. Kaya kapag sinabihan ka ng “Alam mo ikaw, ang baba ng EQ mo!, sabihan mo, “Hoy, ikaw, ang baba ng IQ mo, luma na yan, EI na ngayun ang uso! Edi nakabawi ka kahit paano.

Huwag niyong isiping super bitter ako sa teacher ko na yun. Pero minsan akong naging bitter. Hindi sa kanya kundi dun sa ginawa niya pero anyways labs ko pa din siya. Mabait naman siya pag walang topak. At kahit may topak siya minsan, magaling naman siyang teacher. Yan ang hindi pwedeng tawaran. Dahil kahit balibaliktarin man ang mundo. At paulit-ulit akong ipanganak sa iba’t ibang panahon, mas mamatamisin kong paulit-ulit maranasan ang masabihan ni Sir K na mababa ang EQ ko kesa ang dumaan sa mundong ito nang hindi siya naging parte ng buhay ko. Isa siya sa pinakapaborito kong guro. 🙂

signature2

magkano ka?


tag

magkano ka tol?
mura lang, piso ata dun sa tindahan.
ngeks, grabe ang mura mo pala, dali, bibilhin na kita. hahaha

eto ung biruan namin nung mga katropa ko nung elementary.
Feeling kasi namin nun may presyo bawat kalaro namin, hehehe, either piso, dalawang piso, basta hindi lalagpas ng limang piso, kasi ang mahal mo na nun.

kanina nagkayayaan sa department namin..
inuman, sa top grill daw (libreng advertisement ulit)..
special shift ako so there’s no way I could go and I don’t have plans of doing so..
payapa akong nagttrabaho (kasama na ang pasimpleng pagbabasa ng manga at wordpress latest post)..
2 ang SM namin sa shift, tumawag ang DM habang payapa (payapa talaga eh noh), ang lahat..
nag-iimbita..
pumunta ang isa naming SM..
tapos after 1 hour, bumalik na siya..tipsy..
sabi nya pumunta din ung isa pang SM, for 1 hour lang din, at pinapasama ako..
special mention daw ako ng isa pa naming SM..(special?)haha..
sumama ako bilang pakisama..
at nang dumating ako dun, ung SM na nagrequest na sumama ako ay wala na pala..
nakainom na mga nilalang at mejo may tama na ang ilan nang dumating ako pati aking mga kasama..

usapang walang patutunguhan..

usapang green..

usapang babae..

sabi ng isang andun, may kakilala siyang babae na kung popormahan mo,
dapat may BMW ka at 30K sa wallet sa bawat labas nyo..
tapos may kakilala pa siya na tipong kahit may BMW ka at 100K, hindi ka pa din papatusin..
naisip ko, may tag price kaya ung mga babaeng yun?
san banda kaya nakalagay? sa noo? sa pisngi?
or dapat ba iswipe mo muna ung gadget na may violet na color para makita ung tag price nila..

nakinig ako sa 3 nag-uusap na kadepartment ko, tawagin natin silang B1, B2 at B3..

B1: virgin pa ba ung sinasabi mo?
B2: alam ko, hindi pa un nagkakaboypren eh,
B1: ay virgin? ayoko nun, mahirap un,
B3: uu nga, hindi pwedeng isang gamitan lang
B2: kailangan may half million ka
B3: tapos hindi pa dyan natatapos yan, clingy pa ung mga ganyan karaniwan
B1: haler, as if, kung ako ung girl, at virgin pa ako, papayag ba akong pagamit lang at maging kabit?

nakikinig lang ako ng mataman sa kanila,
nakakalungkot isipin na may mga taong pinepresyuhan ang iba pang tao..
nakakapanghinayang din na may mga taong sila mismo pinepresyuhan nila ang sarili nila..
may hundred thousand, 1 million, etc, etc,
na para bang sapat na ilang milyon sa gaya nila..

hindi nila alam mas mahalaga pa sila sa kahit na anung kayamanang nabibili ng pera..
ung thought lang na tao sila at buhay, hindi un kayang tumbasan ng kahit ano..
ung karangalan nila, ung dignidad nila, walang kahit anu mang bagay sa mundo na pwedeng ipalit dun…

minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga nilalang sa mundo..
one minute, paimportante..
sa susunod, pinepresyuhan ang sarili..

signature2

pick the odd one out..


I’m in a state of trance.

Whether it is because of the shift that I am in, I don’t have the slightest idea.

Kanina, binubully ako ng mga katrabaho ko. Iiwan ko na daw sila kasi mappromote ako. Kesyo untouchable ako, kesyo magaling daw ako, at kung anu-ano pang kesyo. Nakakainis.

They’re making a making a mountain out of a molehill.

Feeling ko tuloy, outcast na naman ako.

Sana man lang may iba pa akong kasama. Para mas masaya.

alin, alin, alin ang naiba?

alin, alin, alin ang naiba?

Muka akong aso (figuratively) na trying hard magfit in sa mundo ng mga pusa.

woi batang isda, ba't naligaw ka?

woi batang isda, ba't naligaw ka?

Isa akong isdang walang tropa na palisaw-lisaw katabi ng mga isdang myembro ng fraternity. Naligaw lang.

kakaiba lang talaga (-_-)

kakaiba lang talaga (-_-)

Isa akong rubber ducky na nagfefeeling maganda kasama ng mga sosyalerang palakang gansa.

The odd one out.

Karaniwan masayang maging kakaiba pero minsan, nakakainis din pala. Grrr…

signature2

anu bang problema?


katanungan
nakakainis..

eto ung shout out/status message ko sa FB..

2 sa kaibigan ko ang comment kung bakit..

pero hindi ko pa nasagot…

hmmmm..

bakit nga ba ako naiinis kahapon..

at hanggang ngayon naiinis ako..

malapit na kasi ang birthday ko..

pero eto ako..

ako pa din..

walang pagbabago..

hindi naman sa gusto kong magmutate into a different kind of person that I am..

ung gusto ko lang may progress..

ewan..

tamang topak lang ata ako..

hindi ko alam kung autistic lang ako o talagang anti social at apathetic karaniwan..

pero I find it difficult to relate to other people..

dahil ba ito sa aking stressful childhood? damn..move on aubu..

swerte nga ako at may mga kaibigan akong nasasakyan ang ang pagiging wirdo ko..

pero minsan, ewan ko..alam kong normal sa babae ang pagkakaron ng hormonal imbalance at topak..

pero bakit minsan kahit babae na ung kausap ko hindi pa din ako makarelate..

minsan nga mas nakakarelate pa ako sa mga tropa kong lalake..

hindi kaya dapat naging lalake ako?

haha..adik lang..

pero may boypren naman ako..

tapos lalake din ang type ko..

siguro talagang wirdo lang ako..

bata pa lang ako gusto ko nang maging unique pero wala naman akong balak maging anti-social..

hahaha..

pero bakit ganun..

hay buhay..

dapat ata mag-enroll ako sa personality development class..hahaha…

nakakainis pa din..