ako, lagi na lang ako..

dahil binuksan mo ang pahinang ito, iisipin kong iniisip mong interesante akong tao..tao ako gaya ng milyon milyong tao sa planetang earth..taong tahimik karaniwan ngunit maingay minsan..taong minsan masaya pero hindi palaging malungkot..taong hindi basta sumusuko basta may araw at bukas pa..taong mahilig sa anime dahil minsan mas masayang mabuhay sa pantasya kesa realidad..taong isip bata at isip matanda paminsan minsan..taong mahilig sa kape (ung 3-1)..taong mahilig sa banda at musika..taong pangarap gumaling sa pagtugtog ng gitara..taong one of a kind dahil naniniwala akong sa mundo, kahit gaano magkahawig at magkatulad ang 2 or higit pang tao, makikita mong kapag sila ay kinilala mo ng husto, malalaman mong walang dalawa o higit pang tao ang magkapareho..

eto..totoo na talaga to..

tao ako..(malamang)

let me count the ways why I’m the odd one out..

1. Hindi ako kumakain ng yellow ng itlog. Nasusuka ako dun. Pero kumakain ako ng scrambled egg. At kumakain ako ng balot.

2. Ayaw ko ng okra, kadiri siya.

3. Ayaw ko ng wafer. Magalas siya pag kinakain. Pag may nagbibigay sakin ng kitkat, karaniwan, ung chocolate lang kinakain ko. Tapos tinatapon na ung iba.

4. Ayaw ko ng mainit na gatas. Nakakasuka. Pero kung may yelo, kayang kaya.

5. Kinder 1 pa lang ako, may puti/gray na akong buhok in contrast sa bata kong mukha nun. >:)

6. Maraming bagay na ayaw kong gawin pero ginagawa ko.

7. Tahimik masyado na praning ako.

8. Hindi na ako batang-paslit pero adik pa din sa anime. Kaya kong makulong sa bahay ng matagal basta may anime na papanuorin or manga na babasahin.

9. I blush like hell. Parang lahat ng dugo sa katawan ko, nag-iipon-ipon sa mukha ko kapag nagbblush ako.

10. Saming limang magkakapatid sa loob (alam na>:)), 3 ang babae at 2 ang lalake. Lahat ng kapatid ko either playboy or playgirl, I mean, lahat sila lapitin ng guys and gals. They had such charms. Ako lang hindi. NBSB ako buong elementary, high school and college life. After graduation tsaka pa lang ako nagkaboypren.

11. Maraming nababaitan sakin pero tingin ko maldita ako.

12. Karaniwan mas trip kong mag-isa para walang aberya, pero minsan hindi din kasi parang walang tropa.

13. Meron akong slow na utak pero malikot na imahinasyon, kung paano nangyari, hindi ko alam, >:)

Need I say more?
>:)

kapag tinotopak ako, bigla ko na lang iniedit ang parteng ito ng blog ko,
kasi minsan pakiramdam ko kilala ko na ung sarili ko,
tapos kamakalawa,
ligaw na kaluluwa na naman ako
patuloy ang rebisyon,
sa kabilang banda,
magkamali man ako ng madaming beses,
bumalimbing sa mga pinaniniwalaang ganap,
at bumaling sa ibang katotohanan,
ang mahalaga,
natututo ako,
patuloy na iinog ang mundo
at patuloy ang pagtuklas ko sa kung sino man ako,
at kung anuman ang kahihinatnan ko,
hmmmm,
bahala na si batman…

signature2

53 thoughts on “ako, lagi na lang ako..

  1. Nikko says:

    hi po..
    idadagdag kita sa list ko..😉

    ikaw nga, lagi na lang ikaw..
    very well said, lalo na yong sa bandang huli..😀

  2. yumi says:

    yah ryt kht nga kambal my pagkkaiba tlga. . kaw b pyag k n my kmuka? ako indi ah ng iisa lng aq n nkggwa ng kya q. . ang pgkkmuka nten pag inom ng 3 in 1. . heheheeh ^_^

  3. lababo says:

    masarap ang mainit na gatas, samahan mo pa ng pasta na mainit din. nakakaantok pagkatapos. =)

    Pareho tayo dun sa edit edit part, madalas iniisip ko na kilala ko na ang sarili ko pero sa pagdaan ng mga araw, marami akong nalalaman, na ganito pala ang nararamdaman ko pag may ganitong pangyayari, ganito pala ang usual na ginagawa ko pag humaharap sa ganito ganyan, ah ewan.

  4. ferdzeyeview says:

    Padaan po. ok ang info na nakalagay ah, may nakuha ko na tip, pwde palang i-edit yung mga nakasulat na dati tungkol sa sarili mo hehe.
    Salamat sa pagbisita sa bahay ko.

  5. pd86 says:

    anime at manga ang unang napansin ko… kaya naisipan kong mag iwan ng mensahe.. nabasa o napanood mo na ba ang bakuman? maganda ang kwento niyan. feeling mo gagawa ka rin ng sarili mong manga, pag nag umpisa kang magbasa o manood. hindi ko naman sinasabi na gagawin mo ang sinabi ko. wala lang.

  6. timangkey says:

    masarap kaya ang yellow ng itlog.🙂

    masarap dni ang okra. lalo sa pinakbet

    gusto ko din nung gatas ng mainit init konti. parang 37 degrees celcius. lol

    • aubu22 says:

      masarap kaya ang yellow ng itlog. > hindi ko siya talaga trip (gwark)haha

      masarap dni ang okra. lalo sa pinakbet > yay (gwark, part 2)😛

      gusto ko din nung gatas ng mainit init konti. parang 37 degrees celcius. lol > gudlak sa gatas mo, lapnos na ung bibig at dila mo nun, haha

      • timangkey says:

        hehehe hindi mainit ang 37 degrees celcius. if you know what that temperature means, you’ll know what i meant when i said i like my milk that way. hehehe

        • aubu22 says:

          ahh, room temperature ba ung sinasabi mo?hindi nga mainit kung ganun,hehe, kaso ung iniisip ko kasi ung boiling point ng water kaya sabi ko gudlak, >:)

  7. katrinadanieles says:

    hahah. =) ikaw lagi na lang ikaw. =) tama, iba-iba ang tao kahit gaano pa karami ang pagkakapareho nila.. =) kahit mga kambal, nagagalit pag nagkakamali ang tao sa pagtukoy kung sino sila, kasi alam nila na ibang tao pa rin sila kumpara sa isa. Magandang araw sa’yo, oo, ikaw! =) heheh

  8. Arkhut says:

    * so, pag nakita pala kita. siguro, bibigyan kita ng 1 pack ng wafer. yow. tapos, kelangan kakainin mo sya habang nakikita ko. matampuhing bata pa naman ako! hahaha.
    * kabaliktaran mo naman ako, maingay na tahimik. (pano yun? bahala na si batman. basta, maingay ako)
    * pag nagbblush ako, namumutla ako. pramis!
    * try mong manuod ng sine mag-isa. mas okay. yun ang stress reliever ko eh.

    pa-add sa blogroll! hahahaha!

    • aubu22 says:

      >wahaha, dahil dyan ndi ako magpapakita sayo!
      >tahimik ako na minsan maingay pero once in a blue moon lang un >:)
      >wahaha, anemic ka cguro
      >paminsan2 nanunuod din ako ng sine

      naadd na kita, thanks sa pagdaan!🙂

  9. doon po sa amin says:

    hello. mahilig rin ako sa kape.

    ei, sarap ng okrang ipinatong lang sa kanin tapos isasawsaw sa kalamasing may asin. oks lang sa ‘kin ang wafer hwag lang madalas.

    marami tayo dito sa buladaspir na odd one out. kaya siguro di na tayo masyadong odd, hi,hi… greetings😀

    • aubu22 says:

      hehe, aus,

      ewww, ayaw ko tlaga ng okra eh, sori naman,
      at ayaw ko din ng wafer,

      uu nga eh, we’re odd just like everybody else, wahaha, how ironic,

      salamat po sa pagdaan🙂

  10. Rhohoso says:

    I liked what you have written here. I was really amused! Just like what the other person has said before, there are oddities in each of us. Ayaw ko rin ng yolk at okra! Subscribe ako sa blog mo ha? To learn more. I’m new to this.

    • aubu22 says:

      hehe, salamat naman kung ganun

      apir!pareho tayong ayaw ng yolk at okra, perstaym kong makakilala ng ayaw din sa yolk, hehe,

      subscribe?sure, thank you! kung bago ka lang, magugustuhan mo ang WP, masaya dito🙂

  11. sanibel island resorts says:

    Hey there, I need to ask you one thing. Is this site a wordpress site? I’m thinking of shifting my website from Blogger to wordpress, do you think this can be doable? Additionally did you produce this particular theme by yourself some how? Thank you for your assistance!

    • aubu22 says:

      Hi there. Yes, this is a wordpress site. I believe that’s possible. I think I’ve seen bloggers who have done that, though I’m not sure how as I haven’t tried the feature. As for the theme, I didn’t create it. I just selected it on the WP available themes. You’re welcome and thanks for dropping by.🙂

    • aubu22 says:

      I believe WP send in email notifications regarding that matter. I would suggest that you check out your settings or email WP. Thanks for dropping by.🙂

  12. hitokirihoshi says:

    medyo nakaka-relate ako (hindi pa raw talagang nakaka-relate ano?!) kasi mahilig din ako sa anime kahit kini-claim ko na matured na ako. kaya ko rin mag-stay sa kuwarto ng ilang araw.

    i think yun ang stunning sa personality sa tao, yung pagiging unique niya sa karamihan.

  13. PreciousWalker says:

    Hhahaha nag enjoy ako sa pagbabasa ng tungkol sayo. Lalo na yung praning tapos tahimik? May pagkakahawig kasi sakin haha. Isa pa, gusto ko rin matuto at maging magaling na gitarista. Naks! Pero nagsasanay ako. Looking forward on reading more of your blogs.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s