Adventures :), Anything goes, Batang-lansangan mode, Bonchie, Friends, Larawan at Alaala

Akyat sa Mt. Pulag (Part 2)


Oo. Masyadong late na ang part 2 ng Mt. Pulag trip ko.

Pero sabi nga nila, huli man daw at magaling, huli pa din, haha

kinuha ko ang isang paragraph mula sa huli kong blog entry para hindi masira ang koneksyon, (may ganun?)

Tinapos muna ng bawat isa ang mga ritwal (na naman) bago kami nagsimulang magtrek. Bago magkalimutan, kumuha ang grupo namin ng 2 porter tagabuhat ng tent at mga camping utensils. Si Heidi kumuha ng sariling porter kasi galing pa ng night shift at pagod talaga.

Nung ayos na ang mga buto-buto nagsimula na kaming maglakad papuntang trail. Tapos…

Ay teka, nagpapicture muna pala ulit kami bago kami nagsimulang maglakad, hehe.

FYI: ung easiest trail ang tinahak namin paakyat ng Mt.Pulag, ang Ambangeg-route.

At nagsimula na ang madugong lakaran. Pero syempre sa una hindi pa namin ramdam kasi fresh from pahinga at kain kaming lahat.

Pero halimaw ung unang ilang minuto ng pagkahapo (naks, ang lalim) ko. Ung tipong sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko nung mga panahong un, pakiramdam ko asa lalamunan ko na ung puso ko at anytime, iluluwa ko na sya sa sobrang pagod. Sabi ni AI, nag-aadjust pa lang daw kasi ung katawan ko kasi hindi naman sanay sa strenous activities.

Kasabay nang lakad ay ang pag-iinterview namin kay ateng porter. Nalaman namin na 2 ang camp site sa Ambangeg route. Dun kami sa may camp site na mas malapit sa pag-akyat sa summit. Kung hindi ako nagkakamali, mga 2.5 hours ata naming nilakad ung pacamp1. Grabe ung saya ko nung maabot namin ung camp 1, parang gusto ko nga dun na lang ako eh, haha

Nung makarating kami sa camp 1, naupo muna kami at nagpahinga ng bongga, buti na lang may parang kubo dun na may upuan at mesa. Nagrecharge muna kaming lahat, kwentuhan at picture taking.

matapos ang ilang minuto ng pahinga, rumampa na kami ulit sa dako pa roon..

Nung paakyat na kami sa camp 2, pakiramdam ko asa ibang dimensyon na ako (dimensyon talaga?haha) Parang papunta ako sa isang fantasy land kung saan may makikita akong mga duwende, diwata at kung anu pang lamang-lupa or maligno. Masyado na kasing mahamog paakyat tapos ung mga puno at halaman parang sa pelikula ung dating. Fortunately, nakarating na kami sa camp site 2, wala naman akong nakitang maligno, hehe

At nakarating din kami, grabeng pagod pero fulfilling dun pa lang, kasi sa panahon na umaakyat kami, halimaw na ung pagod ko. Ngani-ngani kong batukan ung sarili ko dahil pinapagod ko nga ng bongga ang katawan ko. Ung unang lagok ko ng tubig nung nakapahinga kami pagdating ay masasabi kong heaven, haha. Pakonti-konti lang kasi ung inom ko ng tubig nung paakyat kasi pakiramdam ko lalo akong napapagod.

Naupo muna kami saglit sa damuhan at nagpahinga, ilang sandali, inihanda na namin ung mga tent na tutulugan namin.

Perstaym kong magcamping at tumulong sa pag-seset up ng tent. Nung elementary kasi tsaka highschool hindi ako pinapayagan sa mga jamboree. Kaya kahit nagalusan ung kamay at daliri ko sa akyat naming ito, naging masaya ako. 😀

Mga 5pm ata or mag 6pm nagsilatag na kami, pero kumain muna kami bago un,pero sa sobrang lamig, 9pm pa lang gising na kami, sa totoo lang, wala ata kahit sino samin ang may matinong tulog, pabiling-biling at pagising-gising kami, yun ang pinakamahabang gabi ng buhay ko. Nagkuwentuhan na kami ng nakakatakot at kung ano-ano pa. Parang may nagparamdam pa nga samin eh.

Pinilit na lang naming matulog kahit sobrang hirap. Partida, uminom pa kami ng the bar pero wa epek, nanunuod talaga ung lamig, tagos sa buto. At sa wakas, dumating na ang umaga..

next post ulit (haha, abangan, baka sa sunod na buwan na yun)

Adventures :), Anything goes, Batang-lansangan mode, Bonchie, Friends, Gala, Larawan at Alaala, Star Gazing

Akyat sa Mt. Pulag


Wala talaga sa plano ko ang sumamang umakyat ng Mt.Pulag sa Journey for a Cause matapos ang nakakapagod na pagakyat namin sa Mt. Pinatubo nung nakaraang Enero.

Sabi ko sa sarili ko, hindi muna ako tatapak ng kahit anung bundok dahil sa sobrang sakit ng katawan na inabot ko.

Pero dahil malungkot ako nung mga nakaraang linggo bago ung petsa (ika-24-46 ng Pebrero) na itinakda ng pag-akyat sa Mt. Pulag, napagtripan kong sumama. Naisip ko, a breath of fresh air is all I need for this sadness to pass. (nakanaks, hehe). In addition to that, may basbas ng aking inang mother at fairy god mother auntie. >:)

Ang mga bida sa pag-akyat sa Mt. Pulag ay ang mga sumusunod:

  • JC from Itchy Feet Wanderings group
  • AI from Journey for a cause/WHO
  • Kuya Jimmy, Kuya Jepa, Ate Jing at Heidi from kapit-bahay na department
  • Ate Cha at Ate Jelyn from isa pang kapit-bahay na department
  • at AuBu (ako na saling pusa, wahaha)

Kasabay kong pumunta ng Victory Liner sila ate Cha, ate Jelyn, ate Jing at kuya Jimmy. Literal na hinahabol na namin ung bus pagdating ng terminal sa cubao dahil paalis na ito. Nagtaxi kasi kami mula RCBC eh mga 9:40 ata kami nakasakay tapos ung alis nung bus 10:10 tapos sakto natapat na isasara na nung mga time na un ung ayala para sa EDSA celebration. Buti na lang si manong taxi driver, maparaan, pwedeng pangdrag race at sa tulong nya nakahabol kami sa bus kundi nalate talaga kami (parang may kahawig na eksena ito, haha)

Pagsakay ng bus, nagkwentuhan lang kami ng konti at nagsitulugan na. Sa mga stop-overs, gigising saglit para mag-CR or bumili ng pagkaing mangunguya,

Mabilis lang ung byahe namin, siguro mga 3:30 asa Baguio na kami. Halimaw ung lamig na sumalubong samin dun kaya kumpol-kumpol muna kagad kami habang nag-aantay sa sundo.

Nung dumating ung sundo namin, dumirecho kami sa Good Taste restaurant para mag-agahan at bumili na din ng tanghaliang babaunin pa Ranger Station ng Mt. Pulag.

Umorder kami ng madaming pagkain. 2 bandehadong kanin (as in madaming kanin), beef broccoli, buttered garlic chicken or garlic buttered (basta chicken na may butter at garlic), chopsuey at sweet and sour pork.

Madami ung servings sa resto na un at ang totoo nyan, sa sobrang dami, gusto ko pang kumuha ng madami pero dahil inaalala ko ang aking tyan, nagkasya na ako dito.

At dagdag na kanin at onting ulam after ng serving na ito, haha

Pagkatapos naming mag-agahan, sinabihan na kaming magbawas ng kung anumang babawasin namin. Madaming successful pero ako, walang nabawas, Isip-isip ko bahala na si batman, sabi nga nung sa lumang commercial ng joy (sa bukid walang papel, ikiskis mo sa pilapil). Ang kaso lang hindi bukid ung pupuntahan namin kundi bundok. >:)

Nung matapos na ang aming mga ritwal, sumakay na kami kay Lost in Love. Teka, bago mahuli ang lahat, ipinapakilala ko si Lost in Love. Charan!

Hindi na ako aware sa time nung sumakay kami kay Lost in Love, basta alam ko umaga na nun, este maliwanag na nung papunta na kaming Benguet. Hindi ko din pansin kung gaano katagal ung byahe, nabusy ako sa mga nakikita ko sa daan, feeling ko nasa ituktok ako ng mundo ung kalsadang dinadaanan ni Lost in Love. At sa sobrang busy ko ndi na din ako nakakuha ng mga pictures sa daan.

Ang alam ko talaga derecho kami sa ranger station. Yun pala dun muna sa Protected Area Office ng Mt.Pulag  kasi magoorientation pa kami for the do’s and don’t sa pag-akyat ng Mt. Pulag tsaka magreregister ng trek group. Ung nag-orient samin si Ma’am Emerita (nakalimutan ko na ung apelyido kasi 2 ung apelyidong binanggit nya, ung sa pagkadalaga at ung may asawa. Natandaan ko sa kanya naasar siya dun sa apelyido ng asawa nya. Aun. Ang natatandaan ko sa orientation, bawal hawakan ang mga vegetation. Bawal ang maghagis ng kung anu-anong buto ng kung anung halaman dun kasi masisira ung homeostasis ng lugar. May term na ginamit si Ma’am Emerita eh, genetic erosion ata, basta parang ganun. Bawal din daw ung sumigaw kasi makakaistorbo kami sa mga spirit/anito ng Mt.Pulag. Bawal gumawa ng kahalayan. Sabi Ma’am Emerita, kung magjowa daw sa loob ng tent gumawa ng milagro dahil di pwede sa labas. hehe, tamang adik lang.

Nung matapos ung orientation, sumakay na ulit kami kay Lost in Love tapos naglakbay paRanger Station. Buong akala namin malapit na malayo pa pala. Mga hapit lang. Halimaw ung daan papuntang Ranger Station. Rough Road kung rough road. Ung tipong pati kaluluwa mo maaalog ng bongga. Ilan samin ung nahulog sa upuan kahit nakakapit na sa rail ng jeep. Mas extreme ang rough road na ito kumpara sa dinaanan ng 4×4 sa Mt. Pinatubo. Hindi pa man, masakit na ung mga katawan namin.

Nung dumating kami, kumain kami ng binili naming tanghalian sa Good Taste at nagcr at nagprepare na din for the trek.

Tinapos muna ng bawat isa ang mga ritwal (na naman) bago kami nagsimulang magtrek. Bago magkalimutan, kumuha ang grupo namin ng 2 porter tagabuhat ng tent at mga camping utensils. Si Heidi kumuha ng sariling porter kasi galing pa ng night shift at pagod talaga.

Nung ayos na ang mga buto-buto nagsimula na kaming maglakad papuntang trail. Tapos…

Itutuloy…

Abangan sa susunod kong blog entry ang literal na breath taking trekking, zero degrees temperature overnight at first summit experience namin! Hanggang sa muli! 😉