the odd one out :

standing in the middle

banas

miss!miss! pwedeng bago ka magcomment siguruhin mo munang naiintindihan mo ung sinabi ko at naiintindihan mo din ung sinasabi mo, baka kasi hindi mo naiintindihan pareho eh. naglolokohan na lang tayo pag ganun.

- ittwit ko sana kaso hindi na kasya. paano ba gawin yung twitlonger? haha (ako na ang walang alam sa twitter)

culpable violation of blah blah

At the moment, CJ Corona’s impeachment trial is being aired on TV. The first word that caught my ear was Corona’s alleged culpable violation of the constitution. My reaction was what the hell does culpable means? Spare me of those raised eyebrows as I definitely don’t know what culpable means. I graduated from college but still had to seek Ms/Mr. Webster’s help to know the meaning of the word. I tried focusing on other ideas and tried absorbing what they (senators and other guys in the trial room) are talking about but to no avail. I also watched some news coverage and some reporters trying to communicate what in the world is happening on that trial room but nil. I absorb none. Why in the world did they air the impeachment trial if they are the only one who understand every word coming out from their mouth? It would have been better if the terms being used were layman’s. After all, most of the viewers are common people. The fact that they are airing the said trial means that they just wanted to be transparent but I think they are failing on that regard. Watching the trial makes me yawn as those guys look like characters straight from Star trek or Star wars. With their red or maroon (whatever color that is) cloak on and that foreign tongue, I’m sure a lightsaber (plasma sword in Star Wars) would have completed their get-up.

Oh, and before I forgot, for the benefit of those who doesn’t know (like me) culpable means meriting condemnation or blame especially as wrong or harmful according to Merriam-Webster.

And another thing, I think the SC should have placed a subtitle for a total package. It would definitely do us (the common people) good. I’ll be fine if they could have it in Pinglish/Taglish but please, none of those culpable blah blah and other fancy words only a few could decipher.

I think I should stop now. I’m beginning to use highfalutin words and my nose is bleeding.

smokin’ shisha

When I confronted my ex-housemate because of her annoying smoking habit before, I swear to myself that I’ll never ever get to like smoking as long as I live. That is, until I was introduced to “Shisha”. (kinain ko lahat ng sinabi ko or mas tamang sabihing hinithit ko, hehe)

Shisha” is a syrupy tobacco mix with molasses and vegetable glycerin which is smoked in a Hookah according to Mr.Wikipedia.

When I first saw it, I was like “Wow! Astig!” (pero syempre sa utak ko lang yan sinabi, haha)

Smoking Shisha is a complex process (para sakin) because you need to set-up the Hookah (is a single or multi-stemmed (often glass-based) nun for smoking in which the smoke is cooled by morning dew) first before you get to hit. (according to Mr. Wikipedia ulit)

Also, you need 1 Shisha pack, a tooter, a charcoal, a foil and fire et voila you can then get started (and no, I’m not telling you how to’s for marijuana, I swear! salitang kristyano, hehe)

Ang nagpakilala ng Shisha sakin ay si ate Sharon, kuya Benj at Ake. Madaming flavor ang Shisha, merong strawberry, watermelon, cherry, grape, grape with mint etc. Sa ngayon, ang natikman ko pa lang ay ung watermelon, grape tsaka grape with mint. Pinakanagustuhan ko ung grape with mint kasi malamig siya sa lalamunan.

Nakatatlong beses ko nang natry ung Shisha at natuwa naman ako. Hindi mabaho ung usok atsaka hindi mabaho sa damit. Naubo ako ng madaming beses sa umpisa pero okay naman na kasi marunong na ako. (sabi ng boypren ko adik na daw ako although I think otherwise. Nakakatamad kaya magset-up ng Hookah para makahithit ka ng Shisha. By the time na natapos mo na iset-up ung Hookah wala ka nang gana, yan ay kung hindi ka adik, haha)

There goes my smokin’ shisha shots. God bless my lungs.

Disclaimer: I have no intention of promoting smoking as it is dangerous to one’s health. Smoke at your own risk. Sabi ni ate Sharon hindi daw uubrang araw-arawin ang shisha kasi ang isang pack ng shisha is equal to 3 packs of regular cigarette na mabibili niyo sa mga suking tindahan. It’s a silent killer. Pero kung gusto niyong mamatay ng bata at sawa na kayo sa buhay niyo pwede niyo ring gawing 3 times a day 7 days a week ang paghithit. Panigurado at itaga niyo sa bato, hindi na kayo aabutin ng 2013.

1 week late na year end wrap-up

today marks my 14th day in the desert (kailangan talaga may ganung entrada?haha)

pero hindi yun ang paksa ng blogpost kong ito.

year end wrap up to. late nga lang, haha

ano nga ba ang naganap at nagawa sa buhay ng lakas tama sa utak na si aubu sa nagdaang taon ng 2011?

-  I dyed my hair red. Oo. Totoo. Please check the picture below. (red naman diba?)

- Sumali ako sa akyat for a cause at narating ang astig na Mt. Pinatubo! Isa ito sa trip na pinakapaborito ko sa nagdaang taon ng buhay ko.

- Nakakain sa Sumo Sam kasama si Viraxu.

- Naiblog din sa wakas ang Biak na Bato adventure namin nila Maida, Haw, Tina, ate Daryl at my labiduds.

- Nakapunta ng Clark Education City kasama si Rhea at Maida. Nagexam at nainterview at nakapasa. Pero sa katapos-tapusan hindi din namin tinuloy. haha. Tamang kaadikan pero masaya pa din ako kasi instant gala kasama ang tropa (nakapunta kasi kami ng Nayong Pilipino dun tsaka K9 Cemetery, wahaha).

- Naiwan mag-isa pansamantala ng mga tropa sa unang trabaho.

- Naisama ang mga kaibigan sa aming probinsya sa Leyte (hindi ko pa nga lang naiblog ung kabuuang trip, ahm, one of these days pag natripan kong magreminisce)

- Nadepressed at umakyat ng bundok. This time, Mt. Pulag naman ang inakyat ko. hahaha

- Nakaattend ng wedding ng aking brother-in-law to be (nakanaks, gumaganun?hahaha) at abay ako! ^^

- Nakasama sa Fun Day ng opis sa huling pagkakataon. Sa may San Juan Batangas naman ito ginanap.

- Nakasama sa family roadtrip papuntang Vigan! Nakarating din ako ng Baluarte Zoo!

- Nakaattend sa araw ng kasal ng aking tropapips na si Mingming.

- Umeksena ng kakesohan sa blog, haha

- Naging morning shift forever sa opis! (nung una hindi ko feel pero natuwa din ako eventually)hehe

- Nagtransfer ng voter’s registration at nagkaron ng purple thumb ^^

- Nagmaganda ang lola nyo, haha

- Nanuod ng sine pero hindi tinapos. Tamang kaadikan lang. Perstaym ko itong nagawa! wahaha

- Nainip sa buhay at nag-inarte. Umingles pa ng reklamo, san ka pa? haha

- Nakadalawang taon ang blog ko! mabuhay! wahu! salamat sa patuloy na pagbabasa ng mga basura dito sa aking blog, hehe.

- Naligaw bago nakarating ng DFA at muntik pa akong magoyo. haha. Buti na lang hindi natuloy.

- Nagpunta sa bahay ni Rizal kasama ng utol kong bunso.

- Nakabalik sa Intramuros at nakapunta ng Rizal Park Childrens Playground kasama sila kuya Berto, ate Utchie, ate Sandy at April! ^^

- Nagbirthday ulit at nakatanggap ng dalawang keyk sa loob ng isang linggo!ako na ang maswerte!haha

-  Nakaattend ng birthday party sa Jolibee at binuhat ako ng Jabi mascot!

- NagZipline sa tagaytay kasama si Dannahbear!

- Nagsalin ng tula mula Ingles patungong Filipino bilang paglahok sa buwan ng wika. :)

- Nang-away este nangumprontra ng housemate. ako na ang maldita.

- Nag-assemble ng aparador kasama si ate ching! Wuhoo. Girl power!

- Naghang ang utak. ng ilang beses. ay lagi pala naghahang, hahahaha

- Nakapunta sa iba’t ibang museum! Kabilang na dyan ang BSP Metropolitan Museum, Ayala Museum at National Museum. May museum din akong napuntahan sa Vigan kaso hindi ko naiblog kasi tinamad ako, wahaha, peace.

Ano pa ba ang mga nangyari sa buhay ko?

- I took a nursing exam for Kuwait but unfortunately, I did not pass the examination. I sulked for a week and then I felt better the week after that.

- I also took the Singapore Nursing Board and I passed. I got interviewed by a nursing director from the second largest hospital in SG and I passed as well (am I lucky or what?)but I did not pursue it due to some circumstances I’d rather left unexplained. Aabutin tayo ng siyam-siyam dito. haha

- Ginawa ko din pala ung All about me 10-day challenge! at icongratulate nyo ako kasi natapos ko yun! Yey!

- Nagpunta sa job fair sa Festival Mall at nakapasa sa medical transcriptionist exam pero hindi ko tinuloy puntahan ung company kasi ang layo, haha.

- Sumali din ako sa Volunteer’s day ng Sa Aklat Sisikat Foundation. Naging instant karpintera at pintor ang inyong lingkod!

- nakaencounter ng itlog na enriched with vita-E!

- oh, and before I forgot, (EOP?haha) I made one of the biggest gamble in my life last year, I quit my job. kudos to me. haha. Matapos ang matagal na panahon, I finally gathered enough courage to leave. Hindi ko akalaing magagawa ko yun, I swear. Pero aun. Nakakahaggard pero nagawa ko naman. hehe. Alam kong paulit-ulit na pero nagpapasalamat ako sa mga taong sumusuporta sakin. Forever akong magpapasalamat. :)

- Sumali din pala ako sa HSBC Fun Run 2o11! 3K nga lang ung nasalihan ko kasi late na ako nakapagparegister. In all fairness, natapos ko ung 3k ng 29 minutes!wahaha.

- tumambay ng ilang linggo (pero madami ding inasikasong papel sa pagitan ng mga linggong yun)

- umuwi ng probinsya para magpaalam sa aking pamilya dahil aalis na nga ako papuntang disyerto.

- bought Bob Ong’s latest book! wuhoo, nalula ako sa dami ng hits ng blog ko nung araw na ipinost ko ung tungkol sa book niya. nakakatuwa lang. hehe

ayun. andaming naganap sa buhay ko last year. feeling ko nagmature ako ulit ng onti. haha.

- another highlight of my 2011 was the fact that I traveled from the Philippines to HK then to the desert all by myself. (ipinagyayabang ko talagang mag-isa lang ako lumipad, haha, isang malaking achievement un para sakin kasi biruin nyo perstaym kong lumabas ng bansa tapos mag-isa lang ako. ako na ang mayabang, hehe)

- isa pang hindi ko makakalimutan ay yung unang beses na ipinagdiwang ko ang New Year’s eve away from home. It was sad. I remember crying over the phone when I called my mom, my eldest sister and my aunt (sana hindi nila napansin, wahaha, pero sa tingin ko hindi nila napansin kasi wala naman silang sinabi or napansin nila pero hindi nila sinabi kasi maiiyak din sila).

- I also gained 2 sets of parents when I arrived at the desert. Papu Armin and Mamu Julie then Mami Vids and Dadi Roy (feeling close lang, haha) ^^

******meet Papu and Mamu******

******meet Dadi Roy and Mami Vids (sila po ung nasa gitnang couple na nakashades pareho)******

- Before the year 2011 ends, I also get to experience my first taste of the infamous Biryani they were all talking about ever since I stepped foot in the desert. Halimaw ung serving nila dito nun, puno ang isang plato. Kakaiba ung lasa niya, para akong kumakain ng luya na hinaluan ng onting kanin, haha. Chicken Biryani ung flavor nung kinain ko. Unfortunately hindi ko naubos. I found out later na wala naman kahit kapirasong luya sa Biryani. Ibang spices daw un at hindi luya. hehehe.

Ayun, hehe. Alam niyo sa dami ng biyayang natanggap ko nung 2011, feeling ko isa akong sobrang swerteng nilalang. Minsan nga naguguilty pa ako dahil hindi ko alam kung deserving ba ako sa mga biyayang nakuha ko but anyhow, lubos talaga akong nagpapasalamat sa Maykapal.

2012 na. Asa bagong mundo na ako este bagong lokasyon. May mga bagong tao, bagong adventure, at bagong mga pagsubok. Maaring mas mabigat na responsibilidad at problema. Ang hiling ko lang sana makayanan ko ang lahat hindi lang para sa aking sarili kundi para din sa mga taong nagtitiwala at sumusuporta sa akin. (naks, parang linya lang sa pelikula, haha).

That’s all for now mga repapips. Babalitaan ko pa din kayo whenever I can (feeling busy kahit nakatambay pa, haha)

etchos lang

karaniwan kong iniisip na ang maiwan ay di hamak na mas mahirap kumpara sa mang-iwan. ngayong naranasan ko na pareho, I think they are relatively the same, well, at least for me that’s the case. ang lungkot na naranasan ko nung minsang iwanan ako ng isa sa mahal ko sa buhay ay pareho nung ako naman ang mang-iwan sa kanila para umalis at mangibang bayan.

sisimulan ko na ang kwento ng mga nangyari sakin nitong nakaraang linggo na invi ako dito sa WP. nabanggit ko sa nakaraang posts ko dito na aalis nga ako puntang ibang bansa at charan! andito na ako.

mag-isa lang ako bumiyahe nung 24 ng disyembre, panahon kung kailan supposedly ay magkakasama ang buong pamilya pero okay lang kasi hindi naman ako nagpapasko. ambilis ng mga pangyayari pero nagpapasalamat pa din ako at nakarating ako ng matiwasay dito. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa mga taong tumulong sakin at kasalukuyang tumutulong pa din. Hindi ko na po alam kung paano ako magpapasalamat. I’m forever indebted to you guys.

aun. sabi ko sisimulan ko na ang kwento pero san nga ba ako magsisimula?  Andaming nangyari eh. Parang pelikula ung nangyari, haha. May nakakatamad, iyakan, nakakatawa at nakakakabang parte. Alam niyo bang naburo ako sa immigration ng ilang oras bago nakaalis dahil sa hindi inaasahang pangyayari na hindi ko na sasabihin sa inyo kung ano. haha Pakiramdam ko buong buhay ko na ung itinagal ko dun pero syempre exaggerated lang talaga ako. Mga 3 hours ata akong naburo dun.

May nakakaiyak na nangyari din nung pag-alis ko. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos kina mama, tito boy at maida. (bitter?wahaha) Sabi kasi nung isang officer na napagtanungan ko sa immigration pagtapos ko daw dun pwede pa akong lumabas tapos nung natapos na akong interviewhin sa immigration nung nagtanong na ako ulit, hindi na daw pwede, hence, ung huli kong kita kina mama, tito boy at maida ay nung oras bago ako pumasok ng airport para magcheck-in at sumalang sa immigration. Kung balak nyong umalis paibang bansa, dapat after nyo icheck-in ung mga bagahe nyo, lumabas muna kayo para magpaalam sa pamilya nyo kasi pagtapos ng sa immigration hindi na kayo makakalabas. Wag kayong gagaya sa akin.

Tumawag ako sa mama ko para magsabing hindi na nga ako makakalabas at nag-iyakan kami sa telepono. (eto na ung drama part,hehe) Pumasok ako sa gate 7 na bound for HK na maga ang mata ng konti sa pag-iyak (connecting flight kasi ako). Nung saktong pupunasan ko na ung mga luhang nagbabadya na namang tumulo, parang may magnet na napalinga ako sa paligid at noon ko napansin na halos lahat ng Pinoy na paalis ay umiiyak lalo na ung mga babae. Yung ibang pabruskong mga lalake, namumula ung ilong at sumisinghot. Naisip ko tuloy, iyakan party ito !wahaha, echos lang. Aun. Narealize ko, nakakalungkot pala talagang umalis.

May bloopers din na nangyari sakin sa unang flight ko. Namali ako ng inukopang upuan sa eroplanong una kong nasakyan. Kaya pala may lalakeng angtagal na nakatayo tapat ng inupuan ko eh upuan naman pala talaga niya un, buset lang, haha. Buti na lang hindi nagalit. Ang sabi lang niya “Seat 59?”, sabi ko naman “ha?” sabay tingala at napansin kong 59 nga ung naupuan ko eh sa 60 dapat ung seat ko. Napatayo ako kagad sabay sorry. hehe. Ay oo nga pala, naligaw din ako sa hongkong airport kakahanap ng gate 70. (hinayupak naman kasing airport yan eh halimaw sa luwag buti na lang marunong akong magtanong) Pero in all fairness, halos lahat kami naligaw at nauna pa ako na nahanap ung gate 70 kumpara sa iba kong kasabay. (ako na ang proud, haha)

Dalawang Pinay ang nakilala ko nung bumiyahe ako mag-isa. Si ate Jel at ate Nempha. Si ate Jel ay nakatabi ko sa flight mula manila to HK, vocalist siya ng isang banda. Sabi niya 3 months lang daw sila sa dubai at gogora na naman papunta sa kung saang bansa sila maaassign. Nalaman kong 30 years old na siya. Kinwento niya na 5 years na sila ng boypren niyang amerikano pero sa loob ng 5 years na un never pa silang nagkita ng personal. Salamat daw sa cellphone, videocall at chat. Pero sabi niya in all fairness kakilala na daw siya nung family ng kano niya. Pangarap na niyang maikasal na sila ang kaso lagi siyang nadedeny sa pag-aapply ng visa paAmerica. Si ate Nempha naman ay isang waitress na nakatabi ko naman sa flight ko mula HK to UAE. Sabi niya nanggaling na daw siya ng Brunei, Malaysia at Singapore. Sa kasamaang-palad, hindi pa din daw siya nakakaipon ng sapat kasi nagpapaaral siya ng kapatid sa iligan. FB friend ko na si ate Nempha ngayon. hehe.

Ang highlight ng byahe ko ay ang pagseserve ng pagkain! Andami kasing pagkain eh, solb solb.haha. tapos ung mga nakakatabi ko pa, ibinibigay sakin ung pagkain nila edi lalo akong nasolb (pg?hahaha)

Pagdating ko sa dubai airport, mahigit dalawang oras ang nagugol ko sa pagpila ko para sa eyescan na hindi naman pinaliwanag kung para saan. Ang nakakainis pa, andaming sumisingit na ibang lahi. Hindi ko na sasabihin ung mga lahi ng sumisingit kasi baka sabihin diskriminasyon. Naisip ko lang, uso din pala ung ganun dito. After ko sa eyescan, sa passport control naman ako pumila ng mga isang oras pero okay naman kasi walang singitang naganap dun. After dun, kinuha ko na ung bagahe ko at lumabas. Buti na lang kahit matagal ako sa airport, matyaga akong hinintay ng aking labiduds, kuya benjie at kuya arnold. Maraming salamat sa inyo!

sa ngayon, ilang araw pa lang ako dito sa disyerto ay tinatraydor na ako ng homesickness. ambilis ano po? wahaha, pero kahit ganun, hindi ko naman pinagsisihan ang desisyon ko na umalis at makipagsapalaran dito. Pangarap ko to. Ang madiscover kung anung meron sa dako pa roon. (gumaganun talaga?haha) so wish me more luck mga repapips, hahaha

lumayo ka nga sa akin!

nagpunta ako kanina sa SM para magpakuha ng 1×1 at passport size picture sa Picture City doon. Sabi sakin ng clerk matapos akong piktyuran ay bumalik ako makalipas ang 15 minutes. Nag-ikot ikot muna ako sa mall at dinala ako ng mga paa ko sa national bookstore. Dumirecho ako sa Philippine Literature section at ito ang unang librong nakaagaw ng pansin ko.

May bagong book na pala si Bob Ong! wahu!

Mas lalo tuloy akong nabusy.hehe

Don’t disturb. Now reading Bob Ong’s latest. Instant happiness. :D

 

 

I just had to write this down

I’ve been meaning to know the exact translation of “turete” or “torete” because that would explain the exact feeling that is annihilating my entire being at this time.

In a few days time, I’d be leaving and suddenly there are just so many things to do yet so little time. Darn it. It reminded me of the usual student scenario few hours before a major exam. Spell cramming. (Sigh)

I certainly am not in the good mood in the slightest. I’m not sure if it’s my raging hormones fault that’s why I’m feeling so down lately. Not even goya chocolate almond could lighten up my mood. Not even manga. Or anime. Would you freaking believe that?

It just feels that everything’s happening so fast or is it the holiday fever slowly creeping into my veins? whichever it is, it’s definitely getting into my nerves.

oh, and guess what, I had a weird dream last night. I dreamt I was in the supermarket drooling over some fresh lobsters. And then I bumped into my college girl crush and she asked me if I wanted to eat some lobsters and I said yes. The next thing I know, we were on sitting on the market floor next to big basin removing a blackish thing from the lobsters back. (is there even such a thing?) I was so busy removing the blackish whatchamacallit when an enormous fish appeared on our side and flipped its tail big time. I freaked out and then the lobster on my hand bit me. I woke up screaming without a sound but still feeling the painful and tingling sensation caused by the lobster bite. When I came to my senses, the first question that popped into my mind is “does lobsters even have teeth?”.

Anyhow, I tried calling zestair customer service today for like eternity to have my flight be rebooked but no ones picking up. Screw their customer service and congratulations to me, my 100 load card has turned into ashes. Still, I hope I could rebook my flight in time. Please Batman. Pretty pretty please. I still wanted to bid goodbye in person to my aunts, uncle, brothers and nieces. Okay. Okay. To Hitler as well as a sign of respect. Or else he might turn into incredible hulk if I left without even saying a word to him. Bless my siblings and my mom if that happens.

On the second thought, I haven’t talked about Hitler recently, just heard from my aunt and my younger brother that he went into a drinking marathon again. He must have had one hell of a liver to withstand those alcohol in his bloodstream. I haven’t confirmed if he’s done with it though. But hey, same old brand new him. What do I expect? I just had to brace myself from the litany he’s about to deliver once he see me. Bless my ears and soul.

(inhale, exhale, inhale, exhale)

I need to pray so damn hard. I hope everything will turn out okay. 

finding peace in chaos

tahimik akong nagbabasa ng manga sa kwarto kanina nang biglang pumasok ang ate evic ko sabay gala ng mata nya sa higaan ko at kabuuan ng kwarto.

ate evic: ano ba yan! ang kalat-kalat mo! Hindi ko naintindihan kung paano ka nakakatagal sa makalat na kwarto.

aubu: I sometimes find peace in chaos te.

ate evic: ganun? magligpit ka na, nangangatwiran ka pa. hayy

aubu: mamaya te, hehe

akala ko makakalusot, hahaha

huling rampa

daig ko pa ang end credits ng pelikula sa huli kong blog post para sa aking second to the last day. kaya siguro naubusan ako ng sasabihin para sa huling araw ng aking rampa sa trabaho.

paano ko nga ba aalalahanin ang huling araw ko sa trabaho? alam kong masyadong palasak na ang salitang “memorable” pero ang masasabi ko lang ay “my last day at work was indeed memorable!” :P

kumain kami sa paborito naming jollyjeep kina aling cora nung umaga.  kung gusto nyong kumain ng masarap na agahan at tanghalian na budget-friendly, aling cora is the place to go. FYI, ang best seller nila aling cora ay ang porkchop. madali lang siyang mahanap, malapit siya sa may may makati firestation. isa ito sa tunay na mamimiss ko; ang kumain doon kasama sila ate jaja, ate utchie, kuya berto atbp.

Pagkatapos naming kumain ay dumirecho kami kay manong na nagtitinda ng peyborit naming BJ. Madali lang ding mahanap si manong kasi dun siya lagi nagkukuta sa may tapat mismo ng makati firestation.

Pagkatapos naming kumain ng agahan, umakyat na kami sa opis para magtrabaho. Wala namang masyadong pagbabago sa usual naming ginagawa. Chats, emails and the likes. Medyo madami-dami akong escalations ngayon, siguro kahit ung mga customer nararamdamang gogora na ako kaya pati sila sumasabay. haha

Dumating at tanghalian at dun ulit kami kumain kina aling cora. (hindi naman halatang peyborit namin siya talaga, haha)

Pagkatapos ay umakyat na kami ulit at balik trabaho. (how exciting, haha) Wala na akong masyadong ginagawa sa station at nagbabasa lang ako ng kung anu-anong stories sa wattpad nung biglang nagsend ng IM si QAI sakin at sabi icheck ko daw ang jabber namin at ito ang nakita ko

aughhh, natouch talaga akong tunay.

Mas maagang naglog-out sakin ang ilan sa kanila  na morning shift at may mga yumakap sakin para magpaalam. (salamat ate sandy at ate bam, masaya din po ako at nakilala ko kayo).

Bago ako naglog out sa station ko, nagsend ako ng farewell letter na ginawa ko the day before. Nakakatuwa kasi nagreply na kagad karamihan. At nagkaron pa ako ng instant Incident Report courtesy of kuya berto. Nakakatawa kasi ung violation ko ay ung mga previous overbreaks ko na inamin ko sa farewell letter ko at ang kulit ng sanction ko, 1 year extension of tenureship as retention specialist. Ang taba talaga ng utak ni kuya berto. hahaha.

Habang naglolog-out, biglang lumapit sakin ung ex-QA ko nung bago pa ako, si Ms. Kat. Winish nya ako ng good luck at bigla na lang siyang naiyak. Tapos si kuya rey biglang kumanta ng “farewell to you my friend. we’ll see each other again”. Lalo tuloy naiyak si Ms. Kat. Nakakatuwa at nakakataba ng puso kasi sa totoo lang, low profile lang ako sa trabaho kaya feeling ko hindi masyadong mararamdaman ng karamihan ung pag-alis ko kaya grabe talaga ung pakiramdam na may makitang umiiyak dahil aalis na ako. It makes me feel more than special,hahaha. Tapos si kuya berto bigla ding lumapit at sabi “aubz, wag ka nang umiyak” (kahit hindi naman ako umiiyak, haha) sabay abot sakin ng 2 book. French for Idiots at novel ni Grisham. Nakakatuwa kasi may dedication pa ung isang book. Salamat ng madami kuya berto!

Pagkatapos ko maglog out sa station ko, nagpunta ako sa locker ko at tinapon ung mga kapapelan na nakatambak at kinuha ung mga gamit na iuuwi ko pa. Pagkatapos ay bumaba sa atm para iwithdraw ang natitirang kaperahan ko. Pagkatapos ay umakyat ulit sa opis at dumirecho sa HR para isurrender ang aking company ID, locker key, atm at intellicare cards.

Sa huling sandali ay dumaan ako sa department namin at nagpaalam sa mga tao dun. Ang hirap talaga magpaalam. Buti na lang hindi ako umiyak. haha. Nakakatuwa din kasi ung isa pa naming ex-SM na si ate Jelyn, nangilid din ang luha tapos niyakap ako at hinatid ako hanggang reception area. At si QAI ay nagyaya ng merienda at libre nya! Sa La Creperie niya ako nilibre! Salamat ng madami QAI! How lucky can I get?:-D

Pagkatapos ng libreng merienda ay umuwi na ako ng bahay dahil mag-eempake naman ako ng mga mga gamit dahil ako ay pansamantalang magkukuta muna sa bahay ng ate ko sa laguna.

Umalis ako ng opis namin na may matabang puso. Malungkot ako pero mas masaya dahil alam kong ang mga taong iiwanan ko ay all-out ang suporta sa gagawin kong adventure. Tapos may mga pabaon pang mga regalo at words of wisdom.

Sa lahat ng mga taga CCTID, I’ll see you when I see you at salamat sa lahat. ^_^

Sa building ng RCBC, babalik pa ako para sa backpay ko. hahaha

Paalam muna sa ngayon! ;)

second to the last

Last day ko na bukas sa trabaho. Pagpasok ko ngayong araw, nagmabagal ako para namnamin ang second to the last kong pagpasok sa opis. Para akong praning na tinitingnan lahat ng buiding, tindahan, tao at iba pang bagay na madaanan ko. Yung Alphaland Southmall na noong bago pa lang ako sa opis namin, wala pa siya dun sa kinatatayuan niya. Ung driver na OC sa pagsingil ng pamasahe sa jeep na sinakyan ko pagpasok. Ung isang estudyanteng nag-aabang ng jeep sa may waltermart. Yung trabahador na nagbubukas ng shutter ng Mercury Drug store. Yung manong na nagtitinda ng kakanin sa kalsada na binilhan ko ng dalawang kutsinta kanina. Yung mga kasabay ko sa elevator na papuntang 15 at 16th floor na masama ang tingin sakin kasi sa 14th ako bababa (Mukhang malalate na sila kaya ganun).

 

Pagbukas ng pinto ng elevator, binati kagad ako nila ate at manong guard ng “good morning ma’am”. Unti-unting nagsink-in sakin na pagkatapos ng bukas, hindi na ako makakatapak sa loob ng opis namin, kasi kahit bumalik ako para kunin ang backpay, hanggang sa reception area lang ako.Grabe. Andami ko talagang mamimiss sa trabaho.

Mamimiss ko ang magandang building ng RCBC. Nakapasok na ako sa ibang buiding sa Makati pero para sakin ang RCBC building ang isa sa pinakamaganda ang istruktura.

Mamimiss ko din ung lung center na minsan kong tinatambayan kapag sinasama ako ng nila ate ems at QAI dati pag nagyoyosi sila. Mamimiss ko ang third floor kung saan madaming tindahan ng pagkain at kung saan laging may sale ng Tomato, Watch Republic at mga make-up every payday.

Mamimiss ko si ate guard sa RCBC entrance na laging humaharang sakin na may spiel na “Neng, san ka”” na akala mo laging unang beses nya akong nakikita sa RCBC samantalang tatlong taon mahigit na akong labas-pasok doon. Lagi ko siyang gustong sabihan na “haler ate, burado na halos ung mukha ko sa ID ko tapos hanggang ngayon yan pa din ang tanong mo sakin, wala na bang bago?” pero never ko pang sinabi yun, nakakatawa kasi siya talaga.

Mamimiss ko ang bioman na dating biometrics kung saan ako naglolog-in at naglolog-out. Sana maging perfect system for payroll ka talaga in the future. Kawawa naman ung mga ahente na laging nagdidispute ng salary nila.

Mamimiss ko ang pagswipe ko ng ID sa may entrance ng opis floor, ang station ko na dalawa ang monitor, ang keyboard, ang mouse, ang telepono, ang swivel chair, ang paggawa ng email, pakikipagchat, ang mga bookmarks na hallmark ng mga current at ex-RTA sa station. Ang malaking orasan na abot tanaw sa RTA station na karaniwan kong tinititigan sa tuwing excited na akong umuwi. Lahat na lang, hahaha.

Iginala ko pa ulit ung mga mata ko sa floor ng opis. Naku. Dumami pa ung mamimiss ko.

Mamimiss ko ang opismeyst ko at mga kaibigan d2 sa opis

Mamimiss ko si Mami Effer, ang isa sa tatlong Dyosa sa CCTID at nag-iisa kong mentor sa opis. Siya ang naging kabuddy ko nung bago pa lang ako at siya ang nagturo sakin ng halos lahat-lahat ng alam ko ngayon. Sobrang talino, bait at lambing niya. Salamat sa pagsshare ng mga alam mo. Salamat sa mga kwento mo. Sa mga heartbreaks at kilig moments na shinashare mo. Mamimiss ko din ang mga beauty queen Q&A niyo sa floor pati ang tanungan ng capital ng bawat bansa kahit sumasakit ulo ko sa pag-iisip. hahaha Salamat kasi tinuring mo akong anak slash baby sister slash opismeyt. Andami. Wahaha,

Mamimiss ko si ate Jaja, ang pinakamabait na SM samin para sakin. Salamat din at hindi ka nag-amok nung tinawag kitang ate samantalang feeling ko mas mukha akong matanda sayo. Naaalala ko pa nung una mo kong niyaya maglunch, ansaya ko nun kasi kung sino-sino lang sinasamahan ko maglunch mula nang magresign sila Maida at Haw, hehe. Salamat sa pag-ampon niyo sakin sa Benditas. Mamimiss ko ang pagbaba natin kina aling cora at sama-samang paglulunch natin nila ate Utchie sa pantry at pagpunta din ng CR ng magkakasama. hahaha

Mamimiss ko si ate Utchie, ex-kateam ko na nasa ibang team na ulit. Mamimiss ko ang pakikipagchat sayo sa jabber ng kung anu-ano lang. Salamat at lagi kang ready na tulungan ako sa mga cases na hindi ko alam. Salamat din sa pagbisita sa blog ko at minsang pagcocomment. Salamat sa pasalubong galing Singapore, hehe, Nga pla, ung monkey business natin, wag mong kalimutan. hahaha

Mamimiss ko si kuya Berto, ang SM na panalo na sa mga banat. Salamat sa pagiging kuya. Sa pagiging mabait na SM at salamat sa hindi pagbibigay ng IR sakin kahit napakadaming beses akong OB ng sa mga shifts na ikaw ang nakashift. Kahit binubully mo ako, para sakin mabait ka pa ding kuya. Salamat sa mga payo at sa mga libre. Mamimiss ko ang sama-sama nating pagkain ng breakfast at lunch kina aling cora at pagbili ng buko juice kay manong na laging nakapwesto sa may firestation. Salamat sa mga kwento, sana balang araw pag mayaman ka na, mapagpatuloy mo ang pagiging MD mo!

Mamimiss ko ang ever gorgeous na si QAI, isa din sa tatlong Dyosa sa CCTID. Mula sa pagiging mabait na QA at pagiging mabuting kaibigan. Salamat sa pagimbita sa mga gala mo. Andami kong dagdag na experience sa pagsama sayo. Mula sa Mt. Pinatubo hanggang Mt. Pulag. Salamat sa mga kwento at pagsshare ng problema. Mamimiss kitang talaga.

Andami ko pa pong taong mamimiss at dapat pasalamatan.

Salamat Kuya Erick, sa mga kwelang banat at jokes. Mula noon hanggang ngayon, wala po kayong pinagbago. Patok pa din ang mga hirit nyo at mabait pa din po kayo at laging approachable. Mamimiss ko ang tambalan niyo nila Kuya Jester at Kuya Rey na biglang hihirit ng mga boybands na kanta pati parody nila sir Rex kantatero.

Salamat Boss Ken, sa pagtanggap sakin sa department kahit doon po ako sa offline dapat. Masaya ako at naging parte ako ng CCTID. Thank you po at never niyo akong pinagalitan or binigyan man lang ng IR kahit alam kong madaming beses niyo na akong nahuling nagbabasa ng manga, wikipedia at kung anu-ano pang site na inaaccess ko while on shift. Salamat po sa tiwala sa kakayahan ko at mga opportunities na binigay niyo. Salamat po sa pep talk nung minsang inevaluate niyo ako at sinabi nyong leaders are made not born. Mamimiss ko ang mga libreng kape at fuds tuwing may meeting, hehe. Salamat din po sa pagsubok na iretain ako at pag-offer ng salary increase nung malaman nyong magreresign na ako.

Salamat Mommy Chum, sa pagtayong nanay ng buong departamento. Sobrang bait at thoughtful niyo po. Hindi ko po makakalimutan ang mga kabaitan niyo. Iingatan ko po ang mga regalong bingay nyo. Sana po magtagumpay pa kayo sa lahat ng gagawin niyo.

Salamat Kuya Jester, sa mga jokes, sa pagkausap sakin kahit para lang akong autistic. Sa pagiging kuya. Sa pagsshare tungkol sa compilation ng combatron. Sa mga usapang anime. Basta, alam mu na yun. Pakabait ka para kay Khriziel, haha. Sana maikasal kayo balang araw.

Salamat Kuya Kim, sa mga kwentuhan tungkol sa trabaho at pamilya. Sa mga banat at birong kwela. Sa pagiging kuya. Pakabait ka din para kay ate Sandra, haha. Sana balang araw, maging isang ganap kang lawyer!

Salamat Kuya Vhin, sa pagturing saking bilang little sister at pagtawag sakin ng “tol” o minsan nama’y “ate aubs” (kahit mas matanda ka pa sakin) haha. Good luck po sa career at family. Pakabait ka kuya, hehe. Peace >J

Salamat Kuya Raymond, sa pagsshare ng mga alam mo pati ung sa Odesk. Susubukan ko din yan one of these days pag tinopak. Salamat din sa mga payo at kwentuhan. Good luck din sa career.

Salamat Kuya Drew at Ate Reych, sa aking dalawang mentor sa retention team. Andami kong natutunan sa inyong dalawa. Salamat sa pagtytyaga sa pagtuturo ng mga alam niyo sakin. Sana ipinamana niyo din sakin ang inyong magandang accent. hahaha

Salamat Ate Jelyn, sa pagiging ate slash SM mula CCTID hanggang mapunta ka ng VIP. Mamimiss ko ang mga kwento mo tungkol sa bibo mong pamangkin. Good luck sa lablayp at pagboboxing, hehehe.

Salamat Brookie, bago ko makalimutan, isa ka din pala sa tatlong dyosa ng CCTID. Thank you sa mga walang kamatayang kwento mo, sa pagsshare ng mga astig mong drawings at novels, sa pagsshare ng mga manga na binabasa mo, sa f na f mong pagrampa sa corridor, sa wattpad na lang kita aabangan.

Salamat Kuya Dante, isa ka din sa mga SM na hindi ako binigyan ng IR ever kahit dumadalawang oras ang OB ko tuwing nightshift ako dati. Salamat sa pagassist sa mga query na hindi ko alam. Goodluck din po.

Salamat Ms. Kat, mula sa pagiging mabait na QA ko nung conversion agent pa ako at sa makulay na bag na regalo nyo po dati. Thank you for sa pagsshare ng mga alam nyo. Gudlak po.

Salamat Ate Juyjuy, sa pagiging mabait na QA din nuong OS pa ako, thank you din po sa pagtitiwala sakin na injectionan ko kayo ng IV gluta, hehe

Mamimiss ko ding makita ang lima sa pinakamagagandang babae sa opis para sakin na taga CCTID. Si ate Pipay na labs na labs si kuya Pedro at labs na labs din siya in return. Sana masaksihan ko kahit sa Facebook ang kasal nyo, si April na papalit sakin, gudlak at alam kong kayang-kaya mo yan! Salamat sa mga kwentuhan at sana may natutunan ka sa training sakin. Si Aileen na inaccept ang FB invitation ko, thank you!, si Angel na ate aubs ang tawag sakin, at si Ms.Owie na isa sa mga astig na QAs na nagtraining sakin nung bago pa ako. Stay cool and beautiful CCTID ladies!

Kina ate Rhina at ate Sheann na kabatch ko nung training, thank you and good luck! Galingan mo sa studies mo te rhina! Ajah! J

Sa mga medyo luma na sa department (peace), kina ate Bam (mamimiss ko po ang maaangas nyong hirit), te Malou (mamimiss ko po ang pagiging maasikaso nyo sa tuwing mag-oorder sa pat&lee or chowking), at ate Sandy (mamimiss ko din po ang mga patok din nyong hirit ), kuya Rey (gudlak po sa pagpapaending, hehe), ate Donna (stay fashionableJ) at sa dalawa pang astig na QA’s, ms. Xannee & ate Abby, thank you po sa lahat and good luck din po!

Sa mga hindi na bago pero hindi pa masyadong luma, kina Ren (mamimiss din kitang talaga), Kati (salamat sa pag-iiwan ng comment sa blog ko), Kitay (congrats and gudlak, hehe), Den, Mervin, Kuya Abet, Kuya Dax, Kuya Dan, at Kuya Dino (tama na po ang explosive chats, hehe), good luck din!

Sa mga medyo bago sa department, kina CJ, Ana at Joan, goooodluck powww at alam ko pong kayang kaya nyo poww yannnn!!!! (peace CJ, haha)

Sa mga kasabay kong pumasok sa opis pero nauna saking magresign na sina Hawie at Maida, pano ba yan, it’s my time to shine este to exit pala, hehe

Kina Jeremy, Madokwang, Ate Ems, Kuya Dee, Kuya Pedro at Kuya Danby na naunang umexit sa opis, maraming salamat sa pagkakaibigan. Masaya ako at naging parte kayo ng panahong inilagi ko sa PICCLTD.

Looking back, natatandaan kong may mga panahong naisip ko na isang malaking pagkakamali ang pagpasok sa opis namin. Maliban sa poles apart ang layo sa kursong tinapos ko, napakaroutinary ng buhay dito. Pero ngayon? Kung tatanungin niyo ako kung papasok pa ako ulit sa opis namin kung uulitin ko ang buhay ko, hindi ako magdadalawang-isip at sasabihin kong OO. Papasok pa din ako.

Dito sa CCTID ako nakakuha ng unang sweldo na binigay ko sa nanay ko. Nakagala ako sa kung saan-saang parte ng Pilipinas dahil din sa sweldo ko dito. Nabili ko din halos lahat ng gusto kong bilhin dahil sa sweldo ko dito (maliban sa house and lot at kotse, wahaha)

Dito sa CCTID ako nakakilala ng mga taong mataba ang utak pero hindi nakakahon sa geeky ways and get-up. Special mention na dito sina Kuya Dee, Kuya Berto at Boss Ken. Sila ang mga taong matatalino pero cool. Hindi ko ito masasabi sa inyo ng personal kasi hindi ko talaga forte ang pagsisimula at pagmamaintain ng conversation. Pero gusto ko lang sabihin na, I look up to you guys.

Dito din sa CCTID, sobrang dami kong natutunan, mula sa mga sugal na dati ay wala akong kaalam-alam hanggang sa mga terminong pangR18 lang, wahaha. Dito ko natutunang maglaro ng poker at bacarrat. Ng slots at Roulette. Dito ko din nalaman na ang ibig sabihin ng Orange ay Sogo (credit to kuya Danby) Dito ko din natutuhan na ang ibig sabihin ng “Kuneho” kapag ikinonek sa isang lalake, ang ibig sabihin ay babaero (credit to the CCTID boys). Nalaman ko din dito ang ibig sabihin ng “gerger” ay “sex” (credit to ate shey). Nalaman ko din ang terminong “mindfuck” (credit to Brookie) at kung anu-ano pang terminong pangkalokohan. Hindi ko na idedetalye at aabutin tayo ng siyam-siyam.

Pumasok ako bilang CCTID baby at ngayo’y mageexit bilang ate ng mga newbie.

Sa inyong lahat, salamat ng marami at mabuhay!

Lubos na gumagalang at nagpapasalamat,

AuBu,
Ex-Retention Specialist, ex-Potential VIP fisher, ex-Online Support Representative, ex-Conversion Representative
aka Milliard, Kazumi, Recca, Ira, Trilby, Astrid, Rhea, Char, Deux, Vira, Prochaine, Mai, Lyd, Fleur & Debra.

Post Navigation

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 69 other followers